"ONE NIGHT STAND HANGOVER" Part 3

9.5K 194 17
                                    

.

ONE NIGHT STAND

Chapter 3

"ONE NIGHT STAND HANGOVER"

Sandaling nanibago siya nang magising siya. Kumikirot ang kaniyang ulo. Malambot na kama, malamig at mabangong kuwarto at... hubad siya? Muli niyang ipinikit ang mga mata, uminat at humikab. Bigla siyang bumangon nang mahimasmasan. Pumasok agad sa isip niya ang kasama niya sa kuwartong iyon. Si Drew!

Hindi na niya makita si Drew sa tabi niya. Wala na din ang mga damit nito. May nakita siyang pera sa tabi ng unan ngunit hindi niya iyon pinansin. Nagbabakasakali siyang nasa banyo lang si Drew at naliligo. Baka nga sinusubok lang siya nito sa perang nasa kama. Pinapainan siya ng pera.

Hindi niya mapigilan ang di kiligin habang naglalakad siya papunta ng CR. Gusto niya yung nangyari kagabi. Totoo ang halik, ang yakap at init ng kanilang pagtatalik. Gusto niya ang kaniyang nararamdaman at handa niyang ibigay ang sarili ng pauli-ulit. Bigla siyang nakaramdam ng init. Baka naliligo pa siya, pwede pa niyang sabayan, maaring may mangyari pa bago sila magcheck-out.

Nakaramdam siya ng lungkot ng di na niya naabutan pa doon si Drew. Minabuti niyang maghilamos na lang muna, nagbabakasakaling maibsan ang kaniyang hangover. Bumalik siya sa kama. Nakita niya ang telepono. Mabilis niyang hinanap ang number ng reception ng hotel,.Baka mabigyan siya ng impormasyon.

"Magtatanong lang ho sana ako kung nagcheck-out na ang kasama ko sa room?" Umaasa siya sa kahit anong inpormasyon.

"Kagabi pa ho pero bago siya umalis, sinabi niya pong siya ang magbabayad sa kahit anong gusto ninyong oordering breakfast o maiinom bago kayo lumabas. 12 Noon po ang check out time natin sir."

Huminga siya ng malalim.

Kagabi pa pala ito umalis, bakit di man lang siya nito sinabihan?

"May maitutulong pa ba ako, sir?"

"Bayad na ba ang room?" tanong niya nang maisip niya ang peran iniwan sa kama.

"Opo. Binayaran na ho kagabi bago umalis. Regular naman ho naming customer si Sir. Bilin niya na magsabi lang daw kayo kung may gusto po kayong kainin o inumin."

"Ahmm." nag-isip muna siya. "Fruit juice and cold water, any fruit juice po huwag lang orange juice."


Pagkababa niya sa telepono ay ibinagsak niya ang katawan sa kama. Muli niyang nakita ang perang iniwan sa kaniya ni Drew. Naiinis siya. Nanliliit sa sarili na para bang binayaran lang siya sa nangyari kagabi. Hindi siya bayarang lalaki ngunit iyon ang parang ipinamukha sa kaniya ni Drew. Ganoon kababa ang tingin sa kaniya? Bayaran, hindi kaibigan lalong di puwedeng mahalin. Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit ba sobra siya ngayong apektado? Kung tutuusin, it is a win-win situation. Nakatikim siya ng kagaya ni Drew at may pera pa siyang iuuwi sa pamilya niya. Kung tutuusin hindi na siya talunan doon. Isang karanasang kailangan na lang niyang ipagpasalamat.

Nang dumating ang order niyang fruit juice at malamig na mineral water para sa hangover niya ay nagdesisyon na siyang maligo na muna at uuwi. Uuwi siyang di gagalawin ang pera na iniwan sa kaniya ni Drew. Nang ipihit na niya ang seradura ng pinto ng kuwarto ay natigilan siya. Paano kung hindi ibabalik kay Drew ang perang iiwanan niya doon? Paano kung para sa kaniya nga naman talaga iyon? Naisip niya ang pangangailangan nila sa kanilang bahay. Sa susunod na araw, kailangan niyang madala ang Mama niya sa regular check up nito sa kaniyang doktor idagdag pa ang mga bibilhin nilang mga gamot. Ang kanilang pagkain araw-araw, kuryente, baon ng mga kapatid at iba pa nilang pangangailangan. Bumunot siya ng malalim na hininga. Binalikan niya ang pera.

ONE NIGHT STANDWhere stories live. Discover now