"ANG MAINIT NA UNANG PAGTATALIK" Part 2

20.8K 233 14
                                    

ONE NIGHT STAND

Chapter 2

"ANG MAINIT NA UNANG PAGTATALIK"

Bago tuluyang magsara ang elevator ay naipasok na niya ang kaniyang braso. Muling bumukas ang elevator. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinintay muna nilang magsara muli ang elevator bago siya nilapitan ni Drew. Hinawakan niya ang pisngi ni Markie. Kitang-kita niya ang paglapit ng labi ni Drew sa kaniya.

Napapikit siya.

Hanggang sa naamoy niya ang mabangong hininga ng binata, naramdaman niya ang malambot nitong labi na dumampi sa kaniyang labi. Nahulog ang binder na inipit niya sa kaniyang kili-kili. Hindi niya iyon pinulot. Binuka niya ang kaniyang labi. Uminit ng umit ang kaniyang pakiramdam. Gusto niyang ilaban ang kaniyang kaunting kaalaman sa pakikipaghalikan. Ayaw niyang mabigo si Drew sa kaniya kahit pa sabihing hindi siya sanay sa ganitong laro ng buhay.

Dahan-dahang inilayo ni Drew ang labi niya kay Markie. Bago bumukas ang elevator ay dapat makabalik na siya sa kinatatayuan niya kanina. Nakapikit pa din si Markie at napangiti siya sa nakita niyang ka-kyutan ng hitsura nito. Yumuko muli si Markie sa pagkapahiya. Kung may nagustuhan siya sa batang ito, iyon ay ang kainosentehan ng kaniyang mukha bukod sa angkin nitong kaguwapuhan. Nauna siyang lumabas sa elevator at nahuli si Markie dahil pinulot pa niya ang nahulog nitong binder.

Inilabas niya ang susi na mabilis niyang dinaanan kanina sa reception ng hotel. Tuwing araw ng Biyernes, madalas siya dito. Gusto niya ang binibigay sa kaniyang privacy. Sa katulad niyang galing sa kinikilalang angkan, kailangang-kailangan niya iyon. Pagkabukas niya ay pinapasok niya muna ang mukhang naalangan at nahihiyang si Markie. Nang makapasok sa mabango at malamig na kuwarto ay nanatiling nakatayo ito. Hindi mapakali ang kaniyang mga mata. Ni hindi siya makatingin sa kaniya ng diretso at halatang halata na nahihiya ito dahil sa pamumula ng kaniyang maputi at makinis na pisngi.

"Mag-shower muna ako..." naghubad si Drew, "O gusto mo akong sabayan."

Napatitig si Markie sa magandang katawan ni Drew na ngayon ay tuluyan ng hubad sa kaniyang harapan. Ang maumbok nitong masel sa dibdib, impis na tiyan at ang manipis na balahibo sa tiyan nito hanggang sa natatakpan ng maiksing boxer brief.

Nangatog ang kaniyang tuhod.

Hinawakan ni Drew ang palad ni Markie. Naramdaman niya ang panlalamig nito at nang titigan niya sa mukha ay may mga butil-butil ng pawis sa kaniyang noo kahit malamig naman ang buga ng aircon.

Ngiti lang ang tugon ni Markie sa sinabi niya tungkol sa sasabayan siyang magshower muna.

"First time mo ba?" muli niyang tanong.

Hinawakan niya ang laylayan ng damit ni Markie para tulungan din itong maghubad.

"Hindi naman." Kinagat niya ang kaniyang labi. "Hindi lang ako sanay."

"Pero gusto mo ba 'to?"

"Sasama ba ako dito kung hindi?" halata ang panginginig sa boses ni Markie.

Hinayaan niyang itaas ni Drew ang kaniyang damit.

Nakita ni Drew ang maputi at makinis na katawan ni Markie. Itinaas ni Markie ang dalawa niyang kamay para tuluyang matanggal ang kaniyang damit. Nang pantalon na lang ang suot ni Markie ay mabilis niyang itinago ang katawan sa pamamagitan ng kaniyang dalawang braso.

"Payat ko ih. Huwag ka kasing tumitig ng ganyan." Reklamo niya.

"Hindi naman ah. Tama lang." nakangiti si Drew.

Inilagay niya ang palad nito sa baywang ni Markie. Ramdam ng palad niya ang mainit na katawan nito. Sanay siyang siya ang nagsisimula sa tuwing mas bata sa kaniya ang isinasama niya sa kuwartong ito. Marami na siyang nakatalik sa isang gabi na katulad ni Markie. Bata, mahiyain at may kainosentehan sa sex.

ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon