CHAPTER 13

7.8K 188 19
                                    

Sabi nila LOVE IS BLIND. Bakit hindi na lang ako binulag? -______-

Okay. Anong echos yan? Sisimulan ko ang pagkwento noong umaga. Isang umaga na akala ko, magiging masaya.

Nagsimula na kasi ang rehearsals for Mr. and Miss ROA. Excused kami nina TOP at Kian sa klase naming the whole day. Sa WAR daw gaganapin ang event kaya kami ang naghintay sa ibang mga participants. As usual, late si TOP. Kaming dalawa lang ni Kian ang nakaupo sa may auditorium, naghihintay sa iba.

“Ilang schools ba ang dadating?”, tanong ko kay Kian.

“Hmm. Ang alam ko, tatlo. Ang St. Dominique High, Marlin Acad., at…Gregorian High School.”

“Ah! St. Dominique? Yun yung school for girls??? Diba?”

Para atang nagulat si Kian sa tanong ko. Ewan ko pero parang di siya naging komportable.

“Ha? Ah..oo. Yun nga. Nauuhaw ka ba? Gusto mo kuha kita ng drinks?”

“Nako, ok lang—“

“Sige, wait lang!”

O anong nangyari dun? Parang taeng tae umalis ah? Wala naman ako nagawa kasi dali dali siyang lumabas ng auditorium. Matapos ang ilang saglit, may narinig akong paparating na sa loob. Akala ko si Kian, pero laking gulat ko na dalawang babae ang biglang pumasok.

Hindi na ata ako sanay na makakita ng babae kaya parang nainsecure agad ako. Ang gaganda kasi nila. Yung isa, parang blonde-brown ang buhok at ang ganda ganda talaga. Tapos yung isa, simple lang siya pero yung aura niya, ang lakas lakas. Halos mapanganga ata ako sa mga nakikita ko ng bigla nila akong nakita.

“Hi, are you the coordinator?”, tanong sakin ng nakablonde-brown na buhok.

“Uhh…uhm,”

“We don’t know if this is the right place for rehearsals eh. Can you help us out?”, sabi naman nung black yung hair.

Di pala ko nakauniform kaya siguro akala nila staff ako o kung ano. Sinikap kong wag matameme lang sa mga babaeng to at sagutin na lang sila.

“Uhm…dito nga. Hindi pala ako yung coordinator.”, halos nanliliit kong sabi sa kanila.

Nagulat ako ng bigla na lang may umakbay sakin. Akala ko andyan na si Kian, nakita kong si TOP pala.

“TOP?!”, sigaw nung dalawa.

“Girls, this is Athena. Athena, meet Jessica and Sabrina.”, nakangiting sabi ni TOP.

Hindi naman maipinta ang mukha ng mga babae. Parang gulat na gulat sila na nandito si TOP. Pero ako rin syempre nagulat. Nasa harap ko ba naman si Sabrina. And vibes na vibes ko…eto yung Sabrina na ex ni Kian.

“Uhh…Hello sa inyo.”, sabi ko na lang.

“Will you excuse us for a while?”, sabat naman ni TOP.

Tumungo lang si Jessica at Sabrina samantalang ako ay hinila na ni TOP papalayo sa kanila. Nang makalabas ako ng auditorium, bumitaw ako sa akbay ni TOP.

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin