CHAPTER 28

6.2K 168 42
                                    

*** Author's Note: Those who have a weak heart, I would like to warn you guys to take up your medicine first. LOL enjoy. :)

…….

….

“Huy.”, tawag sakin ni TOP.

“Ano??”

“Kanina pa kaya tayo sumasakay ng rides, wala kang imik dyan. Ok ka lang?”

Nakalipas na ang ilang oras at gabi na nga. Malapit na nga daw ang fireworks mamaya pero di pa rin nagpapigil si TOP. Gusto daw kasi niyang sumakay sa Ferris Wheel. Kaya eto, nakapila na naman kami.

“Ha? Oo naman.”

Hindi ko na lang sinabi sa kanya. Pano ba naman kasi. Sinong hindi mawiwindang? Una, yung ketchup. Tas kanina yung lollipop! Sa dalawang beses na yon, para bang walang nangyari kung umasta siya. Para bang natural lang sa kanya yung ginawa niya. Iniisip ko tuloy yung kung pano niya nilapitan yung mga babae kanina….siguro ganun lang talaga siya kumilos sa kahit na sinong babae…

HAY NAKO ATHENA. Bat mo ba iniisip pa yun?! EH ANO NAMAN kung ginawa niya yun? Act normal, tulad ng ginagawa niya. Wag kang papaapekto! Whewww.

“HOY!!!”, tawag na naman niya.

“ANO BA?!”

Ngumisi naman siya.

“Masarap naman yung lollipop eh.”, ngiting-ngiting sabi nito.

*_______*

“Tch. Ewan ko sayo!”, pinalo ko nga siya sa may braso niya.

“Oh? Bat ka namumula dyan???”, biglang tanong nito.

Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at nilapit ang muka niya sa akin.

“A-A-Ako…?? Tss. Hin---di naman eh.”

Ang totoo nyan, para na kong sasabog sa loob-looban ko. NAKO YUNG MATA NIYA ILAYO NIYO PO SA AKIN.

Ngumiti siya at nagpakita na naman yung dimples niya. Gaaaaaaad.

“Pwede ba bitawan mo yang muka ko!”, pagtutulak ko sa kanya.

Tumawa naman yung halimaw. TCCHHH.

“Alam mo simula ng napasama ka kay Clyde, hindi ka na rin mabiro.”, tawa pa nito.

“Bat naman nadamay dito si Clyde, ha??”

“Parehas na kayong seryoso. Akala mo hindi ko nakita yung nangyari sa auditorium kahapon???”

O___O

Teka. Anong nakita niya?? Wala naman siya dun ah.

“Anong nakita?...”, kinakabahan kong tanong.

May tinuro siya sa bandang taas ko.

“Yan. Diba galing yan kay Clyde?”, seryosong tanong nito.

Kinapa ko naman yung clip sa ulo ko.

“Ahh..ito? Oo…binigay niya sakin kahapon to.”

Nakita ko namang parang nanggigil siya. Uhm…pinagpapawisan na ata ako sa kaba.

“Bakit kailangan lumabas pa kayong dalawa sa auditorium? Kailangan talaga, mag-isa kayo???”, tanong niya.

O___O

“SINUSUNDAN MO BA KAMI???”

“Wag mo kong sagutin ng tanong, Athena. MAY GUSTO BA SAYO YUN SI CLYDE, HA???”, halos sumigaw na siya.

Hinawakan ko siya sa may kamay niya, nagdadasal sa loob-loob ko na sana kumalma naman tong halimaw na to. Hindi magiging maganda kung dito to magiiskandalo.

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن