CHAPTER 14

7.7K 165 18
                                    

Tatlong araw din bago ako pinayagan na umalis na ng ward. Syempre, si roommate kong Brent ang nagbantay talaga sakin. Madalas din na nandun sina Zelo at Liam na walang ginawa kundi kulitin din naman ako. Masyado daw silang nag-alala ng nalaman nila ang nangyari. Sweet nila no?

Halos buong 4-B dumalaw, actually. Pinapalabas na nga yung iba kasi parang may artista daw sa ward. Dun ko naman nafeel na ang babait pala ng mga tao dito. Kahit papano, kahit di halata, may puso rin pala ang mga to.

Si Kian naman, bumibisita araw-araw with matching pagkain lagi. Kahit na nasa clinic ako at nakaratay, feeling ko parang wala naman nag-iba. Patuloy siyang nagrerehearse kasama si TOP pero wala siyang kinekwento kung ano nangyayari. Ang lagi niya lang sagot at, ‘OKAY LANG.’.

Syempre, di ko maiwasan maisip na nandun si Sabrina. Kung nag-uusap o nagkakatinginan ba sila o hinde, hindi ko alam. Medyo narealize ko naman tuloy na parang hindi gumaan ang loob ko sa ginawang confession ni Kian. Mas lalong naging mahirap ang mga bagay-bagay sakin. Mas lalo naging komplikado.

Umaga ngayon at sinamahan ako ni Zelo at Liam palabas ng clinic.

“Uy Athena, ok ka lang ba sa crutches mo? Gusto mo buhatin kita?”, sabi ni Zelo.

“Nako, hindi na no. Sa payat mong yan.”

“Ako na lang, Athena! Kaya kita!”, sabi naman ni Liam.

“LIAM. Wala naman kayong pinagkaiba ni Zelo sa katawan oh.”

Muntik-muntikan na kong matumba ng makasalubong namin ang mga tumatakbong mga estudyante. Akala mo naman mga nakalabas ng hawla nila.

“Ano ba yun?? Hindi man lang marunong tumingin sa daan!”, naiirita kong sabi.

“NAKO! Ngayon nga pala yung Basketball game!”, sigaw ni Zelo.

“Ha???”

“OO NGA no? Naisahan tayo ni Brent ah.”, sabi ni Liam.

“Kaya pala tayo pinasundo niya kay Athena. Tsk. Uhhh…Athena? Pwede bang diretso tayo sa court? Please??”, pagmamakaawa ni Zelo.

“Ano ka ba Zelo! Kita mo ng di ok yung paa ni Athena eh. Dalhin na muna natin siya sa room nila.”, sabi naman ni Liam.

“Teka teka nga. Anong basketball game???”

“AYSHHH. Sige na, Athena! Halika, i-piggyback ride kita!”, sabi ni Zelo.

So sobrang kulit, sumakay na lang ako kay Zelo. Kahit na nagreklamo si Liam sa pagmamadali niya, tuloy tuloy pa rin siyang tumakbo buhat buhat ako papuntang court. Jusko, takot ko lang na malaglag!

Nang makarating na kami dun, ang lakas ng hiyawan ng mga tao. May mga nakikita akong nakaBLUE at RED na jersey at magsisimula na nga ang laro. Hinanap namin kung nasan sina Brent at nakita namin sila sa di kalayuan.

Nanlaki yung mga mata ni Brent nung nakita ako.

“OY ZELO! BAKIT MO DITO DINALA SI ATHENA???!!!”, paghi-hysterical niya.

“Gusto mo bang pektusan kita ha Brent?! Porket nakalimutan ko lang na ngayon yung game! AKALA MO AH!”, sabi ni Zelo.

“Akin na nga si Athena!”

Kinuha ako ni Brent ng dahan-dahan kay Zelo at pinaupo niya ko sa upuan niya.

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang