Verse 2: Strange World (Part 2)

1K 53 1
                                    

All Rights Reserved ® TheoMamites

"Alexis POV"

Kalahating oras narin kaming naglalakad sa kakaibang gubat na binagsakan namin. Very strange place and I think na hindi magiging madali ang lahat for us. Hindi parin kami talaga makapaniwala sa mga sinabi nung misteryosong lalaki kanina. At lalo na sa kakaibang mundong ito. May mga kakaibang sistema or functions na present sa mundong ito. Sabi nga ni Arran na parang nahahalintulad ito sa mga online games na nilalaro sa aming mundo.

"Teka lang, may kung anong gumagalaw sa unahan!" pinigilan kami ni Dirk sa paglalakad. Meron kasing mga gumagalaw sa aming harapan. At sa pagtingin namin ay nakakita kami ng kung anong uri ng hayop.

Mukha itong aso pero kakaiba ang kulay at ang balat nito ay parang sa bayawak, hindi balahibo kundi mga kaliskis. Tinitigan ko ito ng mabuti at nabigla ako dahil biglang may nag-appear na bars at pangalan sa itaas ng ulo nito.

"Are you seeing what I'm seeing guys?" agad kong tanong sa mga kasama. Sabay silang napatango bilang sagot. Bahagya rin kaming napaatras dahil nakuha namin ang atensiyon ng dalawang Herus Hounds.

Monster Info:

Name: Herus Hound
Level: Level 40
Type: Agility
Category: Uncommon (Aggressive)
HP: 10,000
ATK: 1050-1200
Def-Armor: 650
Skills: Blood Lust, Fire Burst, Fatal Claw.

"Teka, ano ng gagawin natin nito?" tanong ni Michaela.

"Yung binigay ng lalaki. Sabi niya ito daw ay mga weapons natin. Focus lang daw ang kailangan para palabasin ito." sumagot si Arran.

Tama siya, yun nga ang sabi ng lalaki sa amin kanina. Then meron pa siyang sinabi about us possessing extraordinary abilities. Ngayon namin iyon kailangan dahil mukhang hindi kami sasantuhin ng mga monsters na ito.

"Slowly step backwards and stay behind me! Mukhang lalapit na ang isang monster dito." pautos na sabi samin ni Dirk.

Bago pa kami makahakbang ay mabilis na tumakbo ang isang Herus Hound patungo sa aming anim. Nasa unahan si Dirk, hindi siya umalis dun at handa siyang salubungin ang monster. Lumundag ito sa harap niya at bumuka ang bibig na may mga matutulis na pangil at naglalaway. Kitang-kita namin ang pagkagat nito sa kaliwang braso ni Dirk na ipinangharang niya dito. Napasigaw kami ni Michaela dahil sa pag-aakala namin ay nilapa na nito ang brasong iyon pero hindi.

"Hindi ako nasaktan! Ok lang ako." sabi ni Dirk.

"Shit! Ang braso mo kuya parang naging metal. Look!" puna ni Arran dito.

Tumingin kaming lahat sa braso ni Dirk at ito nga ang nakita namin. Doon nakakagat ang hound pero wala itong naidulot na sugat dito. Kita rin na parang may puting aura na sumisingaw sa parteng ito ng braso niya. Sinamantala ko ang pagkakataon para gumawa ng hakbang. Since nasa gilid lang ako ni Dirk ay madali kong nasipa sa tiyan ang hound. Umikot pa ako ng isa pa at muling sumipa and this time sa leeg naman ang pinatamaan ko. Parehong tumama ang mga ginawa kong sipa kaya napaatras ang hound na mukhang nasaktan sa ginawa ko.

"Nabawasan ang HP bar niya sa ginawa mo Lex. 240 points ang naibawas to be exact. At pansin ko, medyo lumakas ang physical strength mo ngayon. Nararamdaman mo ba?" sabi sa akin ni Felix. Oo nga, tama siya. Ibang-iba ang lakas ng mga sipa ko ngayon hindi lang yun, tingin ko kahit suntok ko ay mas malakas narin kumpara sa dati.

"Ito na yata ang sinasabi nung lalaki. Iba tayo sa normal na tao, we have gift!" sabi ni Dirk na biglang sumugod sa monster. Sumuntok siya dito gamit ng kanang kamao.

Sumunod ako pero sinabihan ko ang iba na huwag munang sumunod sa amin. Hindi tumama ang suntok ni Dirk dahil mabilis na umiwas ang hound kasabay ang pagbubuga nito ng apoy. Fire Burst ang tawag dito.. Sinalag lang ito ni Dirk gamit ng bagong tuklas na ability.

Wizards Chronicles (The Journey Begins) CancelledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon