Verse 3: Tower Of Restriction (Part2)

666 47 0
                                    

All Rights Reserved ® TheoMamites Stories 2016

"Ermack's PoV"

Ikinagulat ko ang biglaang pagsulpot ng grupong tumulong sa amin dito sa loob ng tore. Tamang tama ang dating nila dahil na-offguard ako ng kaaway na guardian. Ang masasabi ko lang ay hindi sila basta-bastang mga wizards. Kaya parin nilang gamitin ang kanilang vrahl dito sa loob ng tore. Lubha sigurong mataas ang ressistance nila sa ganitong uri ng vrahl. Kahit nga mga adeph wizards ay hirap sa ganitong ancient level of protective vrahl. Isa pang napansin ko sa kanila ay ang kanilang mga kasuotan. Kakaiba ang pananamit nila, wala pa akong nakikitang ganyang mga kasuotan kahit sa aming village.

"Holy Push!" sumigaw ang isa sa kasama nilang nakasalamin sa mata. Tumalsik naman kaagad ang guardian sa pader at halos maubos na ang buhay.

Nakita ko namang pagugod ang isa pang lalake na medyo umiilaw ang mga braso. Sinipat ko ang pangalan nito..

Dirk ang nakita ko at nasa level 50 na siya. Di ko makita pa ang ibang detalye dahil mukhang mataas na ang hiding ability nilang anim. Sinuntok lang nito ang guardian at napatay kaagad niya ito.

★Received XP 3500★

Level Up!: Level 29

†Stat Gain†

Str +2
Agi+3
Luk+1

Ayos din ang nanyari.. Kahit sila ang nakatalo dito ay may nakuha parin kaming XP ng mga kasamahan ko. Ngayon ay nasa level 26 na sina Elgor, Ryuben at Froy habang si Danae naman ay nasa level 27..

"Sino kaya sila?" mahinang sabi sa akin ni Froy.

Kami ngayon ay nakatayo lang sa gilid ng floor three. Nakatingin lang kami sa mga bagong dating na grupo.

"Hindi natin malalaman kung di natin tatanungin." sabi ko bago nagsimulang lumapit sa mga ito.

Habang papalapit ako ay nakita ko ng maayos ang mga itsura nila. Dalawa sa kanila ay mga babae. Si Michaela at si Alexis na pareho din na nasa level 50. Felix naman ang pangalan nung may kakaibang vrahl na tumulak sa guardian. Si Wilson naman yung sobrang bilis kumilos at Dirk na mukhang tumatayong leader nilang anin.

"Salamat mga ginoo,.." sabi ko sa mga ito.

"Walang anuman yon.. Mukhang tama lang ang dating namin." malumanay na sagot ni Dirk sa akin.

Nginitian ko sila at sinenyasan ang mga kasama para lumapit narin. Ipinakilala ko sila sa grupo nila Dirk at ganon din sila sa amin.

"In fairness madali namin kayong natagpuan. Thanks to Arran." magiliw na sabi ni Michaela.

"Hinahanap niyo kami?" tanong ni Danae sa kanila.

Tumango lang sa kanya si Michaela at ibinaling ang tingin sa katabing si Felix. "Ikaw na magpaliwanag Felix." sabi niya.

Magsasalita na sana si Felix pero hindi na ntuloy dahil biglang lumitaw ang isang pataas na daan patungong fourth floor.

"Umakyat na muna tayo bago maglaho ang daan na yan." baling saamin ni Elgor.

"Samahan na namin kayo." sabi ni Dirk sa amin.

Kaya hayun isa-isa na kaming umakyat ng 4th floor. Pagkaakyat namin ay kaagad kaming sinalubong ng isang taong bato. Agad na gumulong kami nila Danae sa kaliwa para umilag. Sila Dirk ay di naalis sa kanilang kinatatayuan habang papalapit ang kamao ng golem.

Nakita kong nabasag ang golem na sumalubong sa kanila. Nagkapirapiraso ito dahil sa isang harang na biglang lumitaw sa harap nila. Nalaman kong galing pala ito kay Michaela.

Wizards Chronicles (The Journey Begins) CancelledWhere stories live. Discover now