Verse 3: Tower of Restriction (Part 3)

638 43 0
                                    

All Rights Reserved ® TheoMamites Stories 2016

"Ermack's POV"

Tanaw ko na ang pulang ilaw na galing sa floor guardian na kinakalaban namin. Akala ko ay tatamaan na kami kung hindi lang biglang bumaling sa ibang direksyon ang tira nito. Paglingon ko ay nakita ko si Felix na nakataas ang palad paharap sa guardian.

"Ryuben, ilawan mo lang ang paligid gamit ng staff mo." utos ko dito.

"Sige, akong bahala!" itinaas ni Ryuben ang hawak na staff at mas pinaigting ang liwanag na inilalabas nito.

Muli ay itinyon namin ang tingin sa higanteng estatwa. Looks like he's guarding something behind him. Baka ang relic na yun.

"Dirk, kaya niyo ba ang guardian?" tanong ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala kaya namin to. Hanapin niyo na lang ang relic." sagot nito sa akin.

"Elgor, Froy sumunod kayo sa akin." tawag ko sa dalawa. "Gawin niyo ang lahat para paalisin yan sa pwesto niya Dirk. Sa tingin ko nasa likuran niya ang hinahanap natin." sabi ko kay Dirk bago tumakbo sa bandang tagiliran ng guardian.

"Void Spikes!" tinusok ko ng void vrahl ang kaliwang parte ng katawan nito para sana paalisin ito sa kinatatayuan.

"Mystic Pull!" narinig kong sumigaw si Felix. Napansin ko na nagsisimula ng matumba ang estatwa. Parang hinihila ito ng isang malakas na pwersa.

Sumunod si Dirk at Alexis na pumatong sa likod ng guardian at doon ito inatake. Isang sipa ang pinakawalan ni Alexis at suntok naman mula kay Dirk. Nagtagumpay ang mga itong mapatumba ang guardian. Tumambad sa amin ang isang kahon na nakapatong sa isang stone tablet. Tama nga ang hinala ko.

"Dito lang kayo ako na ang kukuha." pigil ko kina Elgor. Ginamit ko ang active blink ko para makalapit kaagad sakahon.

Kinuha ko kaagad ito at ipinasa kay Froy.

"Froy saluhin mo!" sabi ko sa kanya sabay hagis ng kahon.

Ginawa ko iyon dahil bumangon muli ang guardian. Ngayon ay nasa 60% ang remaining HP nito. Nakita kong hahampasin ako nito gamit ng kaliwang braso kaya gumulong ako pakanan.

"Water Bullets!" nagbato naman ng water vrahl si Elgor upang maibaling sa kanya ang atensiyon ng guardian.

"Lightning Wave!" ginamit ni Froy ang pagkakataon habang basa pa ang parte na tinamaan ng vrahl ni Elgor.

Agad akong lumundag pataas at muling gumamit ng vrahl.

"Dark Drilling!" marahas akong umikot upang sipain ang dibdib ng guardian.

Mababa parin ang naidudulot kong pinsala dito. Hahayaan ko na lang na sina Dirk ang tumapos sa isang ito. Sinabihan ko na sila na ibuhos na ang lahat upang matalo ang guardian. Umatras na muna kaming tatlo nila Froy at lumapit kina Danae.

"I wish I could help kuya. Pero teleportation lang ang kaya kong gawin eh." sabi ni Arran sa akin.

"Okay lang yun." sagot ko.

Tumulong narin si Wilson sa mga kasama at inatake ang guardian ng walang humpay. Umaalalay naman si Michaela sa lanila gamit ng barrier vrahl nito.

"Tapusin mo na Alexis!" utos ni Dirk ng mag 7% na ang HP ng guardian.

Mabilis na tumakbo patungo sa guardian si Alexis at sinuntok ito sa ulo.

"Ki Punch!" tumalsik ang heganteng estatwa dahil sa suntok ni Alexis. But it was not enough para matalo ito. May natitira paring 2% sa buhay nito. Kaya naman ay muli kong ginamit ang aking void.

Wizards Chronicles (The Journey Begins) CancelledWhere stories live. Discover now