Chapter 5

187 15 2
                                    

SCARLETT


Sumandal ako sa driver's seat habang pinagmamasdan ang timer ng stop light. 40, 39, 38, 37........Dalawang kotse lang ang pagitan ng sasakyan ko at ng kotse ni Julianna. Hindi 'to pwede mawala sa paningin ko. Tsk. Bakit kasi ako pa naatasan dito.


Ipina-intindi naman sa akin ni Kuya Jenesis ang mga nangyayari kaya pumayag na ako. Kaysa naman yung kilos ako ng kilos tapos hindi ko naman alam ang nangyayari, muntanga lang diba.

Pero ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit ako pa ang in-assign sa pag-babantay dito kay Julianna bukod sa magkakaibigan naman kaming lima pero myghad talaga as in kakarating ko lang dito sa bansa may ganitong pa-effect na? Jusko.


Nang mag-green na ulit ang light ay nag-simula na ulit akong mag-maneho. Ibinaba ko ang shades ko mula sa ulo ko dahil ginawa ko itong parang headband kanina at pinagmasdan ang paligid. Wala namang kahina-hinalang mga nilalang na nasunod sa amin kaya buti naman at dapat lang talagang wala! Dahil stressed ang beauty ko, kulang ako sa rest guys nako sinasabi ko sa inyo.



Naka-rating kami ng school ng walang ka-hirap hirap at mga panggulo kaya naman medyo nawala ang init ng ulo. Ganyan dapat lagi. Ipinark ko na ang kotse ko di kalayuan sa sasakyan ni Julianna. Kinuha ko na din ang bag ko mula sa shotgun seat nang makapag-retouch ako ng make up atsaka binuksan ang pintuan para bumaba.




"Move and your dead." Akmang isasarado ko na ang pintuan ng kotse ko ng marinig ko ang boses ng kung sinoman galing sa kabilang gilid ng kotse ko at ramdam kong naka-tutok ang baril nito sa akin kahit naka-talikod pa ako. Syempre hindi naman ako tanga para hindi agad marealize yun ano.




Napa-ngiti naman ako dahil hindi naman niya makikita yun. Akala ko hindi niya mapapansin na sinusundan ko siya. "Who fucking send you to follow me, miss?"





Napa-tawa naman ako sa tanong niya sa akin. Kung alam mo lang ang dahilan. "Relax, Julianna. Di ako kalaban." Sabi ko at humarap sa kanya tsaka itinaas ang suot kong shades. Nan-laki naman ang mata niya ng marealize niya kung sino ako. "Pero in fairness ha, mas intimidating ka ngayon." Nginitian ko siya.





"Scarlett?"





"The one and only."




--------------


THIRD PERSON



Nang maka-tapos kumain ang lahat ay dumiretso na sila sa office ni Jetro upang masimulan ang meeting.



Tahimik silang pumasok sa isang conference room sa loob ng office at nag-hanap ng kanya-kanyang upuan. Panay pa din ang pangungulit ni Neal kay Zobelle kaya nasiko na nito ang lalaki sa dibdib dahilan para maka-likha ng ingay sa loob ng napaka-tahimik na kwarto ang dalawa. "Aray naman Zobabe!" Nag-tinginan naman ang lahat sa kanila ng masama lalo na kay Neal dahil sa ingay nito.

The Teenage Emissary (Revised)Kde žijí příběhy. Začni objevovat