Chapter 30

1K 14 1
                                    

Dave's POV

"Anong gingawa mo ditoI?" - pagkakita palang nya sakin yan na agad ang bungad nya.

"A-ah, Sophie, wag kang masyadong sumigaw, di makakabuti yan sa lagay mo."- pambabalewala ko sa tanong nya.

"Where's Dad? Ano ba kasing ginagawa mo d-dito? pwede bang umalis kana." pilit syang tumayo pero hindi nya kaya, kaya muntik na syang matumba, buti nalng at nahawakan ko agad sya.

"Ano ba!? Don't Touch me!"- sigaw nya nang mahawakan ko ang braso nya.

"A-ah, wala kasi yung d-dad mo, umalis, kaya ako nalang ang magbabantay sayo."- bakit ganon? bakit nabubulol akong magpaliwanag sakanya? parang first time ko lang ulit sya naka-usap.

"Umalis ka nalang Dave, kaya ko na ang sarili."-Sophie, kinakausap nya ng hindi tumitingin manalang sakin.

"P-pero..."

"No but's, umalis ka na. please"- Sophie

"NO. tignan mo nga ang sarili mo. ni hindi ka nga makatayo eh, kaya alam kong hindi mo kaya mag-isa ngayon."- napatingin sya sakin saglit, pero binawi nya rin kaagad.

"Haha." tumawa sya ng pilit "Hindi ko kayang mag-isa? I've done that for over a year. wala akong kasamang umahon sa sarili kong problema, at ngayon sasabihin mo hindi ko kayang mag-isa?"

Natigilan ako sa sinabi nya.

"U-umalis ka na. Please" umiiyak ka ba sya?

"S-sorry. pero hindi ako aalis."

"F-freak!"- hindi na sya naki-pagtalo pero humiga sya ulit at nagtalukbong ng kumot.

"S-Sophie, k-kumain ka muna bago ka ulit matulog."- sabi ko habang lumalapit sa gilid ng kama nya.

"..."-Sophie

"Sophie?"

"...."- alam ko hindi pa sya tulog, ayaw nya lang akong pansinin.

"Sophie, Please?"

"...."-Sya

"Sophie?"

"..."

"Soophieeeee?"

"..."

"Wifey!?"

"What the Hell!?"- padabog nyang inalis ang kumot nya. "Lumayo ka sakin, kakain ako."

Kinuha nya ang tray sa side table nya at nag-simula nang kumain, ako naman ay nag-punta sa couch sa kwarto nya para dun umupo. malayo ng konti sakanya.

Pinag-mamasdan ko lang sya habang kumakain sya. walang pinagkaiba, kahit saang anggulo maganda sya.

Naalala kong bumili nga pala ako ng bulaklak at prutas kanina, naiwan ko yata sa sala kaya lumabas ako saglit.

Pagpasok ko sa kwarto nya, kumakain parin sya. inilapag ko yung mga prutas sa side table.

"S-sophie, flowes para sayo."

Inangat nya ang ulo nya para tignan ako pero agad din syang yumuko para ipagpatuloy ang pagkain nya.

Tinignan nya lang ako. T_T

"Sophie?"

"..."

"Sophie?"

"..."

"Sophie?"

"..."

"Sophie?"

"..."

"Wifey?"

"Freak! ilagay mo jan!"

Nasigawan ako. pero atleast tinanggap nya kahit pa ilagay mo lang jan ang sinabi nya, at feeling ko naaapektuhan sya pagtinatawag ko syang wifey. ^__^

Ipinagppatuloy nya ang pagkain nya habang nakatitig lang ako sa kanya.

Naramdaman nya sigurong nakatitig ako sakanya kaya tinignan nya ko at inirapan.

Tapos na syang kumain kaya naman kinuha ko yung gamot at inabot sakanya.

"I can handle."- sya

Kinuha nya yung gamot at tubig.

After nyang uminom, isinoli na nya yung baso sa side table at humiga. humarap sya sa side kung saan nakatalikod sakin.

"Sophie? kausapin mo namana ako oh? Please?"

No respond.

"Sophie?" pumunta ko sa kabilang side ng kama nya para tignan kung natutulog na sya.

Nakapikit at mabigat narin ang paghinga nya, baka nga tulog na sya, ganon naman talaga ang may sakit diba? madaling makatulog.

"Sophie" kinakausap ko sya kahit na alam kong tulog na sya "Sana mapatawad mo ako. Hindi ko naman talaga gustong magstay sa America ng ganon katagal eh, Inipit ako ni Abby. Wala na akong nararamdaman sakanya, ngayon siguro oo, meron, pero galit at pagkamuhi nalang. Sa isang taon ko pamamalagi dun, araw-araw kitang iniisip, araw-araw kitang namimiss at araw-araw ding tumitindi ang pagmamahal ko sayo kahit pa malayo ka. noong natanggap ko ang sulat mo non sborang tuwa ko, kasi akala ko sasabihin mong miss na miss mo na ako, pero hindi ko naman inaasahan makikipag-break ka sakin sa sulat na yon, pero naniniwala akong hindi parin tayo naghihiwalay, hindi naman ako pumayag eh. natanggap mo ba yung sulat ko? sumulat ako pabalik sayo. sabi ko sa sulat ko intayin mo ako. pero bakit ganon? hindi ka ba pwedeng maghintay kahit saglit?" pinunasan ko ang kumawalang luha sa mata ko. "Sobrang mahal kita Sophie, at kung bibigyan mo ko ng isang pang pagkakataon, ipapakita ko sayo at sa buong mundo kung gaano kita kamahal."

-------------------------------------------------------------------------------------

  A/n

UD! haha. konti nalang guys. as in xDD

Please

VOTE

COMMENT

KEEP ONE READING!

-LALA

My Handsome Nerdy Boyfriend (Compeleted)Where stories live. Discover now