Sophie's POV
MONDAY / DIXON RESIDENCE
Naglalakad ako pauwi ng bahay na maghalong saya at lungkot ang nararamdaman. syempre masaya ako na kahit di ako nanalo bilang president ng SC, nanalo naman ako bilang V.P., pero nanghihinayang din ako kay Jay-pee, ano ba kasing pumasok sa utak non at nkipag-suntukan, mabait naman yon, di nya ginagawa ang mga bagay na yon, kaya nga ngustuhan din sya ni Kelly eh.
nag-doorbell na ko kahit dala ko ang susi ko, tinatamad akong gumalaw ngayon eh.xD
"hello manang, si mom at dad nakauwi na?"
"ay nako Sophie, hindi pa"
"ah, ganun po ba eh si Kuya at si Sabby "
"nanjan na sila, sinundo yata ng Kuya mo si Sabby eh, sabay silang nakauwi"
"wow, buti naman at bumabawi si Kuyal haha, sige manang pasok na ko"
pag-pasok ko nakita ko sina Kuya na nanood ng horror movie sa sala.
"hoy kuya! pinapanood mo si sabby nyan, pagyan di nakatulog, bahala ka!"
dinilaan nya ko"hindi matatakot to, mana sakin to, hindi sayo haha"
oo,inaamin ko I hate horror movies, masyado kasi akong matatakutin, mas prefer ko ang comedy.xD
"bahala ka kuya"dinilaan ko rin sya
nagtungo ako sa kwarto ko para magbihis ng damit, bumaba rin ako para mag-merienda, hindi kasi ako masyadong nakakain ng maayos kanina eh.
nag-lalakad ako papuntang ref.
"Sophie, pengeng Chuckie" sigaw ni Kuya
"hay nako kuya, ang tamad-tamad mo"
"me too, ate"sigaw rin ni Sabby
kumaha ko ng anim.
"here" sabi ko habang binababa ang chuckie sa tabi ni kuya Nico.
"ang dami naman"sabi nya habang nagkakamot ng ulo
"para mag LBM ka" dinilaan ko at tumakbo dahil alam ko kukurutin ako non
bumalik din ako ng my dalang chichiria, kumuha rin ako ng malaking V-cut dahil alam ko paborti ni Kuya yon.
"oy penge"
"ayoko haha" loko ko sakanya
"mano, kukuha nalng ako dun" akmang tatayo na sya.
"wala na last na to. hehe"
"ehh?"
"bibigay ko sayo to" paglalahad ko ng v-cut "kung comedy ang panonoorin nyo .hihi"
"NO."matiga na sabi ni kuya
"okay" bubuksan ko na sana ang V-cut ng..
"hay, sige na nga" pag-suko, nya alam kong kahinaan nya ang v-cut dahil paborito nya yun.
tumayo sya para palitan ang cd
"anong gusto mong panuorin?"tanong nya
"kahit ano, basta hindi nakakatakot"
nilagay nya ang cd ng avengers
![](https://img.wattpad.com/cover/1847465-288-k463711.jpg)
YOU ARE READING
My Handsome Nerdy Boyfriend (Compeleted)
Teen FictionSabi ni Sophie, boring daw ang buhay nya dahil puro bahay, school at konting gala lang, pero nagbago lahat yon ng makilala nya si Dave, isang mabait, gwapo at matalinong bata, isa syang heartthrob sa school nya dati, pero nang lumipat sya ng school...