"YOU SHOULD TRANSFER AS SOON AS POSSIBLE."
Bumuntong-hininga na lang ako nang pumasada sa aking isipan ang habilin ng aking ama. Wala naman akong magagawa kung hindi sundin sila. Wala rin naman ako pakialam kung lilipat ako ng paaralan. At saka na rin ako napatawa nang mapakla. Wala naman ako mga kaibigan sa aking dating paaralan. Pati na rin sa mga guro ko, hindi naman ako pinapansin; sa eskwelahang iyon, isa lang akong hangin.
Napadako ang aking tingin sa labas, kasabay nang pagkakaalala ko sa aking ang kalungkot-lungkot na buhay. Kahit na hindi pangkaraniwan, wala nang tumatayong magulang sa akin. Ang aking ina, namatay siya na hindi ako tinatanggap na bilang isang anak. Ang ama ko naman, mukhang masaya sa kanyang sariling buhay at halos kinalimutan na ako.
Simula noong pinanganak ako, tila ramdam ko na mag-isa na ako. Ang apilyido na dinadala kong ito ay isa lamang salita.
Ang ama ko ang siyang nagsabi na lumipat ako ng paaralan. Siya ang nagpapaaral sa akin kaya wala akong magagawa.
Nandito ako ngayon sa loob ng isang sasakyan papunta sa bago kong tutuluyan na kolehiyo: Aeternum University.
Kanina pa ako naka-upo, hinihintay kung ano ang itsura ng paaralang lilipatan ko. Napakaliblib ng lugar. Hindi ako pamilyar sa daang ito. May mga pagdududa nang naglalaro sa aking isipan . . . Paano kung hindi talaga sa isang paaralan ako dadalhin? Dahil para sa isang establishimentong pang-edukasyon, masyado itong malayo sa sibilisasyon. Nakakatawa kung gano'n. Ganoon ba nila ako kinamumuhian at ito ang paraan nilang naisip para burahin ako sa mundo.
Nagkibit-balikat na lang ako; kung mamamatay, edi mamatatay. Wala na akong nosyon para ro'n.
"Matagal pa ho ba?" tanong ko sa nagmamaneho nitong kotse.
"Mga kinse minutos pa, hija." sagot niya. Isang malamig na malalim ang kanyang boses. Nakakapangilabot, kung ako ang tatanungin.
"Ah, sige po," magalang na sagot at tumingin sa labas.
Nilabis ko ang aking oras sa panonood ng mga puno rito. Nakakainip.
Kahit hindi ko na gaanong matandaan ang konteksto ng mabagay na namumutawi sa aking isipan, dahil sa kinahaba-haba ng biyahe at nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse, kaya hindi ko mabigyang rason kung bakit ako pinapalipat ng unibersibad (kung sakali man). Ngunit tanda ko na kinausap ako ng aking ama nang masinsinan. The only thing that struck me as strange was that final phrase, you should transfer as soon as possible. Why did he say "should"? This alone disturbed me.
Even more puzzling was the somehow forceful tone in which he spoke the words. I could not repress my doubt. But it lasted only a moment, then was buried in the end.
Mga ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami. Ah, tunay ngang may paaralan dito. Kung gayon, mukhang magtatagal pa akong mabuhay. Isang malaking gate ang pinasukan ng sasakyan. Napadako ang aking tingin sa porma ng mga gusali. Kahit papaano, 'di kapani-paniwala. Napakalaki ng paaralan. Kung hindi ako nagkakamali, ang pang-arkitektural na disenyo na mayroon ang unibersibad ay nasa kapanahunan ng Romanesque; kitang-kita ang relihiyosong sigla ng mga detalyo sa bawat gusali.
BINABASA MO ANG
━━━━ 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 𝐎𝐅 𝐄𝐋𝐄𝐆𝐈𝐄𝐒
Vampire₊ ❏ ❜ ⋮ s y n o p s i s ... ◌ೄ it was a realm of the supernaturals, he was a descendant of the enigma -- a fierce beast, a monster without a heart. whereas, she was only a girl -- a child full of woe. she dreamed of nothing, yet had nothing but sig...