03 ⌇ 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐢𝐬 𝐚 𝐠𝐫𝐚𝐯𝐞 𝐚𝐡𝐞𝐚𝐝

433 47 24
                                    








                  "HEH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


                  "HEH . . . I BEG TO DISAGREE, BUT THIS GIRL–" naramdaman ko ang tingin ng Orlem sa akin– "is mine."

"Shut it!" galit na balik ni Roman. "I saw her first! That's why she belongs to me!"

"Oh, you shut yourself first," kalmadong sa sagot ni Orlem. "I saw her first. You are just this dirtbag you interferes with my prey before I could."

"Hah?" The other man frowned, confused.

Sa pagitan ng argumento nila, agaran akong umupo at inayos ang aking sarili.

"You know the rules, Roman." Pagkasabi ni Orlem, bigla na lang niya akong hinila palikod mula sa aking kwelyo. "I know that you felt my presence before you came after her."

Ramdam kong dumilim lalo ang ekspresyon ni Roman. Kitang-kita pa rin ang pagka-iritable sa kanya. Nais niyang mangatwiran, pero hindi niya magawa. Parang may patakarang mula kay Orlem na hindi mababali ninuman.

"Tch–" sinhal at tumalikod na ang lalaking nagtangka ng buhay ko– "you're a dumb shit, Orlem."

"Heh." Narinig kong ngumisi si Orlem, mapanukso, nang tuluyan nang sumuko paalala na dagdag niya.

"Shut it." Pagkasabi ni Roman, bigla na lang siyang nawala. Parang isang pikit ko lang, naglaho siya.

Nakahinga naman ako nang maluwag. Mabuti naman at nawala na siya. Kahit na nagtataka ako kung paano nila nagagawa iyon. Ang bigla-bigla na lang silang nawawala.

"S-Salamat nga pala." Naiutal ko habang tinitignan ang mga sugat ko. At hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sampal ni Roman sa akin.

"For what?" Narinig kong wika niya.

Tinignan ko siya, kahit likod lang ang nakikita ko. "A-Ano . . . Dahil dumating ka at pinaalis mo siya."

"Really, you feel so honored that I 'saved' you?"

"Oo." Tanging naibulong ko. May tono sa kanyang boses ang pagka-uyam.

" . . . hmph. Well, unfortunately . . ." Pinihit niya ang kanyang ulo sa aking direksyon. At kitang-kita ko ang isang mala-demonyong ngiti na naka-ukit sa kanyang mukha. Katulad din ng lalaki kanina, mayroon din siyang mga mata na mapupula.

Napalunok ako dahil sa kaba. Isa rin siya sa mga ibang uri na nilalang?

". . . You're still not safe with me." Patuloy niya sa kanyang pinakanakakatakot na bulong.

Napatulala na lang ako. Natatawa ako na naiinis.

Anong klase naman ng mundo ang napasukan ko?

Ang gandang buhay.

Hindi na ako nabigla noong napahiga ulit ako sa kumpol ng mga puting rosas na may mga tinik. Hindi ko na napansin ang hapdi ng pagkatusok ng mga tinik sa katawan ko. Parang nagmanhid na ako sa nangyayari ngayon.

━━━━  𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 𝐎𝐅 𝐄𝐋𝐄𝐆𝐈𝐄𝐒Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon