04 ⌇ 𝐧𝐨𝐜𝐭𝐮𝐫𝐧𝐞𝐬 𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐟𝐮𝐠𝐮𝐞𝐬

396 47 28
                                    







               IN A QUIET SUNRISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

               IN A QUIET SUNRISE . . .

Bahagyang bumukas ang mga mata ko nang may nararamdaman akong malambot na bagay na humahawi sa paligid ng mukha ko.

Naaninag ko kung ano man ito, sabay pihit ng ulo ko kung saan ito nanggagaling.

. . . At parang amoy pusa.

Napasimangot ako sa isipan kong iyon. Tuluyan nang nagising ang diwa ko . . . At may pusa nga sa aking tabi—ikinikiskis niya ang kanyang pisngi sa akin.

Umayos ako ng upo. Paano nagkaroon ng pusa rito? Naitanong ko na lang sa aking sarili at saka dinala ito sa aking kandungan. Ang hahaba ng mga balahibo niya, at malalabot ito. Sinuklayan ko ang kanyang buhok at tila gustong-gusto niya ito.

At . . . Katangahan mang sabihin na halos huli ko nang matanto na nasa isang 'di pamilyar na lugar ako.

Napakunot ako ng noo at ibinaling ang ulo ko sa bawat anggulo ng kwarto. Hindi mapagkakaila na mas grandioso at maluwang kaysa ng kwarto ko—batid sa aking pagkakaalala.

Nagsimula na akong mag-alala, lalo na't unti-unting bumabalik ang memorya ko sa mga pangyayari kagabi na parang piyesa ng mga puzzles.

"Good, you're awake."

Dumako ang atensyon ko sa direksyon ng nagsalita.

Si Orlem. Nakasandal ang kanyang braso hamba ng pinto habang nakahalukipkip.

The cat only purred for the last time on me, then went to where Orlem was.

Napansin ko rin na wala ako sa dorm ko. Mas malaki ito kaysa sa aking kwarto. Naka-upo sa malaking kama na may pulang kumot.

"Nasaan ako?" mahinang tanong ko.

"In my room," thus he replied in a passive voice.

Napatango na lang ako. "Dito ako natulog?"

Lumapit si Orlem sa kama papunta sa aking direksyon. Bahagya akong napa-urong, pero wala na akong mauurungan pa; nakadiin na ang aking likod sa headrest ng kama.

"Does it not obvious?" balik niyang tanong, ang isang kilay niya ay naka-angat.

Lalo akong napahiya at hindi na nakapagsalita nang tuluyan.

Knight only sat on the edge of his bed, a downward arc was created as soon as his weight made contact on it.

"I brought you here after you fainted last night," he simply explained.

Last night.


Naalala ko ang nangyari kagabi. Oo nga pala . . . Labag man sa aking rasyonalidad, pero isa siyang bampira.

At sa pagkakaakala ko, mamamatay na ako kagabi . . . Pero, bakit hindi niya pa ako pinatay?

"You . . ." I paused as I inhaled, having no idea what were the right words to say. "You kept me alive . . ."

━━━━  𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 𝐎𝐅 𝐄𝐋𝐄𝐆𝐈𝐄𝐒Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon