Kabanata 38: I love you like you do

3.8K 81 0
                                        

Ilang araw na ang lumipas simula noong mabasa niya ang mensaheng galing kay Van pero hindi pa rin niya makalimutan ang bawat salitang nabasa niya doon.



"Ma'am. May nagpapamigay po ng flowers. Ayiee. Si ma'am. May secret admirer." Pang asar sa kanya ng kanyang estudyante noong inabot sa kanya ang bugkos ng rosas. Kunot noo niya itong tinanggap.





"Nelson. Who gave these roses to you?" Taka niyang tanong. Nagkibit balikat lamang ang kanyang estudyante at nagkamot ng ulo."Nelson. Tell me. Who gave these to you?" Pang uulit niya. Mukhang natakot naman ang binata kaya napa amin ng wala sa oras.











"Yung gwapo pong lalake na may magarang sasakyan ma'am. Ducati po na itim. Sabi nga po niya, ibibigay niya yung sasakyan niya kung ibibigay ko sa inyo yan ma'am. Sorry po." Napayuko pagkatapos ang binata. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nagtilian naman ang iba pang estudyante at tinukso siya.






"Ayieeh. Si ma'am. Kakakilig naman." Pang asar pa ng mga ito sa kanya.






"Class. Keep quiet! Or else magpapaquiz ako. Now choose." Masungit niyang sabi kaya naman napatahimik na lahat bigla. Binalingan niya ulit ang estudyanteng nagbigay ng rosas. "Where is that guy? Ipunta mo ako sa kanya." Nagulat ang binata at mukhang aayaw pa sana kung hindi lamang niya ito pinanlakihan ng mga mata. "Class, dismiss." Saktong nag bell naman kaya okay lang na umalis na siya. Paglabas pa lang ay madami ng nagkukumpulang mga estudyanteng babae. Kumunot lalo ang kunot na niyang noo ng makita ang pagkukumpulan.







"Ang gwapo talaga niya grabe. Sa tv at magazine ko lang siya nakikita. Mas lalo siyang hot sa personal te!" Narinig niyang bulungan ng mga babaeng estudyante. Magtayanong sana siya sa mga ito pero nauna na niyang namataan kung sino ang pinag uusapan ng mga ito. Ganoon na lamang ang panlalake ng kanyang mga mata noong makilala ang taong pinag uusapan ng mga nagkukumpulan. Nakasandal sa itim na ducati si Van. Nagpunas ito ng pawis sa noo gamit ang braso. Humalukipkip ito at parang kung saan saan tumitingin sa mga nagkukumpulang mga tao na parang may ini iscan o hinahanap ito. Natigil ito ng magtama ang mga mata nila. Napaayos ng tayo ang binata bago nakapamulsang naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Bigla siyang kinabahan kaya mabilis pa sa alas kwatro siyang naglakad palayo. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay nahablot na siya ni Van at naiharap dito. Narinig niya ang tilian ng mga babae at hiyawan naman ng mga lalake. Hindi din nakaligtas sa kanyang mga mata ang mapanuring ngisi ng kanyang mga katrabaho na nandoon.






"Let's talk." Saad ni Van sa kanya. Libo libong boltahe ang dumaan sa kanyang katawan ng hawakan siya nito sa magkabilang braso.






"We're talking." Simangot niyang sagot. Seryoso siyang tinitigan ng binata kaya napalunok siya ng wala sa oras. "Ano bang kailangan mo Van? You hate my family? I get it. Okay na ako. Salamat sa message mo sa text ha?!" Sarkastiko niyang saad. Kumunot ang noo ng binata.








"What are you talking about? I didn't text you. For pete's sake. I don't even have your number Bella." Taas baba ang balikat nitong sagot. Napaawang ang kanyang labi sa sinabi ng binata. "I want you to chase me. Bakit ako gagawa ng isang bagay na magiging dahilan ng paglayo mo sa akin? Tang ina. You hurt my ego 3 years ago. Telling me that you only played my heart was my worst nightmare. And seeing you slipping away from me now is killing me Bella. Damn. I want to hurt you back but everytime I think of a hundred reasons to do that, i always find thousands of reasons not to do so. Because I am still madly in love with you. Damn it! I want to get even! But I can't do that to you. I want you back." Halos mabingi siya sa tilian ng mga taong nalapaligid sa kanila.





Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now