"Anak." Napatingin si Bella sa nagsalita mula sa harapan niya. Tumatakbo itong nilapitan siya at niyakap ng mahigpit. Dinig niya ang paghikbi nito pero wala siyang maramdamang kahit na anong emosyon. Ni hindi niya ito niyakap pabalik man lang, tanging pagkuyom lamang ng kanyang kamay. "Salamat sa diyos at maayos ka. Nag alala kami sa'yo anak." Hagulgol ng kanyang ina.
"Bitaw." Malamig niyang utos dito pagkatapos habang nakatingin sa ama at sa dalawang kapatid sa harapan niya. Bumitaw naman sa pagkakayakap ang ina pero nanatiling nakahawak sa kanyang magkabilang braso. "I'm tired. I'll go to my room, please." Paos at nanghihina niyang sabi pero hindi sa kanyang ina sinasabi iyon kundi sa ama na ngayon ay nanatiling tahimik na nakatingin sa kanya. Naramdaman niya naman ang tuluyang pagbitiw ng ina sa kanya kaya hindi na siya naghintay pa ng kahit na anong salita mula sa kanila. Nilampasan niya ang mga ito at umakyat na sa kanyang kwarto. Isinara niya iyon at walang lakas na naglakad patungong kama niya. Malalim siyang napabuntunghininga, ni hindi niya namalayang may luha na palang tumulo. Mabilis niya iyong pinahid. Umigting ang kanyang panga at parang baliw na kinausap ang sarili. "Wala ng mananakit sa'yo, pangako Bella. Wala na. Mula ngayon kontrolado mo na ulit ang buhay mo. Mula ngayon." She chose to shut her emotions off to avoid pain. And again, she'll be the Ysabella who'll use people in order to survive. That's the path she's choosing. Again. She'll pretend nothing happened. She'll pretend she never met anyone. Not her family, and not even Van Andreigh Flabella.
***
"Saan ka pupunta?" Agad na tanong ng kanyang ama ng makita siyang may dalang maleta. Hindi niya pinansin ang tanong ng kanyang ama, bagkus ay nagpatuloy lamang siya sa pagbaba mula sa hagdan. Nang makababa ay agad siyang sinalubong ng nakakunot noong si Gustavio. "I'm talking to you. Saan ka pupunta?" Malamig at may halong panganib nitong tanong. Nag angat siya ng tingin at sinalubong ng mas malamig na titig ang ama bago matigas na nagsalita.
"Away. From. you. and this hell." Mariin niyang sabi. Kumuyom ang kanyang isang kamay dahil sa pagpipigil na sigawan ito at sisihin sa lahat ng kamalasan at paghihirap na nararanasan niya. Saglit na natulala at napamaang ito sa inasta niya kaya naman ginamit nya itong pagkakataon upang lagpasan niya ito pero hindi pa man din siya nakakahakbang ay may humawak na sa kanyang isang braso. Ni hindi na niya nilingon kung sino dahil alam na niyang si Paul iyon. "Let go, Paul." Matatag niyang utos sa nakakatandang kapatid pero imbes na sundin siya ay humigpit lalo ang pagkakawahak nito sa kanya kaya nagpupuyos sa galit na siyang tumingin dito. "Bitawan mo ako! Ayoko na dito. Ayoko na sa pamilyang ito. Hindi ko kayo pamilya! Wala akong pamilya kagaya ninyo. Kaya please, pakawalan na ninyo ako." Pinigilan niya ang sariling huwag maiyak kaya mas pinalamig at pinatigas nya ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Mukhang nagulat naman si Paul kaya nabitawan siya. Mariin siyang pumikit bago nagmulat muli at nagsalita. "I don't want to live with your world. I maybe a bad person, but never did I wish I'd be bad like you. Yes I'd once asked to be rich, but not this way. I'd rather be a gold digger than have this kind of wealth. A wealth that came from killing people, from drugs and other internal transactions that caused the lives of people. I hate you for opening my eyes in this kind of life. I hate you for giving me this kind of life. Pinakatitigan niya ang kanyang ama ng puno ng galit at hinanakit. Nanatiling nakatingin sa kanya ito kaya nagpatuloy siya. "You want your family complete huh? But I don't see this as a family daddy. I can't even call this a family. Ang alam ko kasing pamilya ay yung masaya, malinis, at puno ng pagmamahal, hindi paghihiganti at kasamaan. Yan ang alam kong pamilya. Pero kung hindi tayo magkapareho ng pananaw? Then, spare me. Spare me with the bullshits and family you want to complete! Because hell be damn, I'll never try to fit in and let let myself be blinded by your rules. I.AM.NOT.A.MADRIGAL. I am not." Mariin niyang salita sa huli. "Let's just end this game and dropped me off. Let me go so I can breath. Free me so I can at least be happy. That's my only wish. Iyon lang." Tuluyan siyang nanghina kaya napaupo siya sa sahig. "Tama na, pagod na po ako kasi. All my life I tried to be strong. Mula noon sinigurado kong maging matatag eh. Pero nakakapagod din pala. Nakakapagod maging malakas at magpanggap na matatag. I'd been a strong girl since I was a kid. Ginahasa ako, pinagkaitan ng magandang buhay at hinayaang gumamit ng ibang tao para lang mabuhay. At sa kabila ng lahat ng hirap at sakit na hinarap at ininda ko, pinili ko pa ring tumayo at lumaban eh. Pero ngayon? Sa ginagawa ninyo sa akin? Putangina. Ito na ang pinakamasakit. Pakiramdam ko di ko na kayang gumapang eh. Ni hindi ko na yata kayang tumayo at magpakakatag. Pagod na pagod na pagod na ako. Tama na! Tama na!" Sumigaw sigaw na siya. Lahat ng inipon niyang sama ng loob ay unti unting lumabas. Nakalimutan na din niya ang sinabi niya sa sariling hinding hindi na niya hahayaang saktan ng iba. Dahil na din siguro sa naipon lahat lahat kaya tuluyan na siyang sumabog.

YOU ARE READING
Love me Mr. Assassin (Completed)
RomanceBACHELOR SERIES III A teacher in daylight; a seducing gold digger at night. Katherine Ysabella Mendoza perfectly designed herself into different disguised. "Never been kissed, never been touched; that is what her students and co-workers know about h...