Kabanata 48: Let me go, daddy

3.1K 76 0
                                        

"Oi. Diretso na sa tulog. Huwag na kayong gumawa ng milagro!" Tatawa tawang paalala ni Van sa mag asawa ng maghiwa hiwalay sila ng landas. Nakaakbay siya kay Bella. Nag middle finger naman ang naka akbay ding si Blue sa asawang si Sabrina.

"Nah. Not yet tired, man. I'll own her all over again till dawn. Right babe?" Nakangising baling ni Blue sa asawa. Masamang titig naman ang nakuha nitong sagot kaya agad din lang binawi ang sinabi. "Uh. I was just kidding babe. Tara uwi na tayo. Let's just sleep." Napalunok pang dugtong nito halatang natakot sa klase ng titig ni Sabrina. Natawa naman sila ni Van.

"Oh. Di pa ba kayo uuwi?" Biglang singit ni Louie. Kalalabas lang nito sa bar at ngayon nga'y nasa parking area na din gaya nila. Nabaling amg atensyon nilang apat sa binata.

"Uuwi na pare. Kayo ba? Nasaan na yung date mo?" Tanong ni Blue kay Louie.

"Naiwan sa loob. May bibilhin lang ako saglit sa drugstore. Sige. Mauna na akong umalis. Ingat kayo." Nag iwas ito ng tingin matapos sagutin ang tanong. Nagkatinginan naman silang apat.

"Hoy Lou! Anong bibilhin mo sa drugstore?! Don't tell me, pregnancy kit yan ha! Nabuntis mo ba yung kasama mong babae ha?! Inaraw araw mo ba? Ano?" Napatingin silang lima sa bagong dating na si Selena. Nakataas ang kilay nito at nakahalukipkip. Sa tabi ng dalaga ay ang nakaakbay na si Bryan.

"Ingay mo talaga Sel. Kahit kailan! Daig mo pa ang nanay ko!. Sige mauna na ako sa inyo. Emergency lang to. Next time na lang tayo mag usap lahat.!" Nagpaalam na si Louie sa kanila at mabilis na naglakad patungong sasakyan.

"Aba't! Hoy kinakausap pa kita." Gigil na tawag sigaw ni Selena.

"Ingay mo Yna. Hayaan mo na yung tao.Uwi na tayo. Ihahatid na kita. Dami mong nainom." Sabi naman ni Bryan. Sumimangot naman si Selena pero hindi naman umangal pa.

"Mauna na kami. Magbobonding pa kami ng unggoy na ito. Namiss ko eh. Bye bestfriends. I love you all." Lasing na ngang paalam ni Selena. Muntikan pa itong matumba kung hindi lamang mabilis na nahawakan ni Bryan.

"We'll go ahead. Bye." Nakangiting paalam na din ni Van sa mag asawa.

"Okay. Drive safe. Thank you for coming." Paalam at pagpapasalamat naman ni Sabrina. Iginaya na siya ni Van papuntang sasakyan. Pinagbuksan siyaa nito. Pinagmasdan niyang umikot ang binata papuntang kabila bago kumaway sa labas upang tuluyang magpaalam kina Blue at Sab.

"Ihatid mo ako sa mansion." Bigla ay salita niya dahilan upang mapatigin sa kanya si Van na nakakunot noo. "My brother called me kanina. He wants to talk to me. At isa pa, i miss them too. Ilang buwan na ba akong di umuwi sa amin? Four? Five? Or six months na yata." Dugtong niya bago tumingin sa labas ng bintana. She heard him sighed.

"Okay. If that's what you want. Kelan kita pwedeng sunduin?" Sagot at tanong nito makalipas ang ilang segundong pananahimik.


"Hindi na kailangan. Ako na lang ang pupunta doon." Maiksi lamang niyang sagot.


"Okay." Mabigat sa loob na tugon ni Van. Hindi na sila nag imikan pagkatapos non. Isang oras din siguro ang itinagal nila sa byahe bago nakarating sa mansion. Sumilip mula sa bintana si Van bago siya binalingan. "You sure you won't be staying in my place tonight?" Tanong nito sa kanya. Halatang di mapakali. Umiling lamang siya bago hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata.

"Babalik ako sa'yo. Huwag kang mag alala okay? Gusto ko lang makasama ang pamilya ko ngayon. I'll come back. I will miss you." Hinalikan niya sa noo ang binata bago bumaba. Umalis din naman si Van ng masigurong nakapasok na siya.

Love me Mr. Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon