ELKIANS 3

233 9 4
                                    

ELKIANS 3
*
“Wahhhhh! Natalo ako, nandaya ka kuya! Ulitin natin!”

Tumawa lang siya tsaka ginulo ang buhok ko.

“Stop doing that kuya mas matanda ka lang ng minuto sa akin so stop treating me like a little girl.”

“A game is a game, little sissy.”

“So what’s the catch?”

“Let’s cross dress for the whole day.”

“Er.”

“Kyahhh! Kuya naman eh. Para mo na ring pinagbigyan ang magiging favor ko kung sakaling ako ang nanalo sa laro.”

“Let’s do it na lang okay?”

“Ayos lang ba?” he asked. Halatang napipilitan lang sa ginagawa dahil sa pilit ang ngiti niya sa akin at namumula rin ang buo niyang mukha.

“Yes naman naman kuya. Angganda mo nga eh.”

“Para makompleto ay dapat magcontact-lense din tayo.” Dagdag niya ng humiwalay siya sa akin.

“Wear this at ako naman ang magiging gaya ng kulay ng mata mo. Okay lang ba?”

“Yes kuya, yey!! Parang nagkapalit lang tayo ng katauhan.”

I dreamed that day again. Nakaka-asar dahil paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala ko ang mga huling panahong kasama ko pa ang pamilya ko especially my kuya Haruka. He’s my brother, my twin and most especially he’s my bestfriend.

Maaga akong nagising kaya’t maaga rin akong pumasok ngayon.

I’m still not used on this environment but I’m trying my best to cope up. It’s the best that I can do to atleast start my plans.

“Hey! Why did you left me? Hindi ka man  lang nag-aya,” nakalabing sabi sa akin Ryoma.

I didn’t speak. I just don’t feel talking too much, pero itong lalaking ito. Unstoppable ang bunganga.

Nakarating kami sa dining hall and as usual, matitigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa at panonoorin kaming umorder hanggang sa maka-upo kami sa lamesa sa center wing. Naabutan namin ulit ang grupo na naroon na at kumakain.

“Goodmorning Haruka,” masiglang bati ni Kokyu sa akin at matamis na ngumiti.

“Magandang umaga,” bati ni Ryoma.

“Magandang umaga,” bati pa ng iba sa amin pero bahagya lang akong ngumiti sa kanila saka umupo na.

“You’re really a man of few words, don’t you?” wika ni Tezuka kaya napalingon ako sa kanya. Ako pala ang kausap niya.

“I’m just not used on talking pag hindi ako kinaki-usap,” maikli kong paliwanag.

“It’s fine with us, as long as you don’t do things we won’t like,” makahulugang turan ni Mizuki. Tss. Mapagmataas masyado. Siya lang ang hindi ko masyadong nagugustuhan ang ugali sa kanilang lahat.

Lumipas pa ang ilang sandali na nagkukwentuhan sila pero bigla ay nakaramdam ako ng kakaibang presensya. Napatigil ang lahat sa ginagawa at biglang nanahimik ang buong paligid.

Bakit hindi ako makalingon? I can feel it. Whoever that person is. He/she have this weird effect on me.

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko na parang hirap akong huminga. Lahat sila ay nakatitig na sa likuran ko pero hindi parin ako makahugot ng lakas para lingunin ang taong naroon.

HE is a SHE: The Kingdom of ElkiaWhere stories live. Discover now