ELKIANS 5

311 13 27
                                    

ELKIANS 5

*

Tinakbo ko ang natitirang ilang minuto papunta sa pagdarausan ng paligsahan ngayong araw. Asar! Kung bakit ba kasi sa lahat ng araw na pinili kong mahuling magising ay ngayon pa?

Kasalanan ng Athrun na yun eh. Magdamag niyang binulabog ang utak ko kaya kulang ako sa tulog.

Late na talaga ako! Napatigil ako sa pagtakbo at tinanaw ang halos apat metro na pader sa harapan ko. Dinig ko ang sigawan ng mga kapwa ko mag-aaral sa kabilang bahagi nito.

Dagli akong napangiti dahil sa ideyang pumasok sa utak ko. Aabutin pa ako ng tatlumpong minuto kung iikot pa ako pero kung tatalunin ko ang pader na nasa harapan ko ay aabot pa ako sa takdang oras.

Agad akong umatras ng ilang metro at kumuha ng bwelo para makatalon at maabot ang pader. Napangisi ako ng maabot ko ito, good thing na magaan lang ako kaya't hindi malabong kayanin ko ang taas nito.
Pasimple akong umakyat at tumalon papunta sa kabila. Abala naman ang mga kapwa ko estudyante na naroon kaya hindi nila ako napansin.

Saktong pagtawag sa mga estudyante ay ang pagdating ko roon. Agad akong nakisiksik at hinanap ang lugar kung nasaan sina Ryoma at Tezuka sa may gitna ng bulwagan. Nasa palibot naman namin ang iba pang mga mag-aaral na mula sa iba't ibang antas.

"Akala ko natuluyan ka na." Bungad niy Ryoma sa akin nang mapansin niya ang presensya ko.

"Tss, hindi mo ako ginigising." Sinimangutan ko siya pero sa halip na manahimik ay bigla niya akong inakbayan at ginulo-gulo ang buhok ko.

"Kasalanan mo, masyado ka kasing tulog mantika. Ilang beses kaya kitang kinatok. Akala ko masama parin ang pakiramdam mo," turan niya habang pilit akong kumakawala sa kanya.

"Tigilan mo ako, Shihimaya! Baka matanggal 'yong benda sa ulo ko." Naririnding sabi ko pero tinawanan niya lamang ako. Sa lahat ng nakilala kong lalake, so far siya talaga ang pinakamaingay.

"Oo na. Ayan lalampa-lampa ka kasi. Saka bakit ba kasi si Kauru pa ang napili mong labanan," tumatawang sabi niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakla lang ang umiirap, Haruka." Dagdag pa niya kaya nainis na talaga ako.

"Aw! Sorry na, biro lang 'yon."

Pss, kailangan lang palang batukan para matigil ang gunggong.

"Makinig na tayo sa sasabihin nila, narito na sila." Awat naman ni Tezuka kaya't bumitaw na rin siya sa akin.

Sabay-sabay kaming napayuko lahat bilang paggalang nang makita naming naglalakad na ang mahal na Reyna Ciera. Ito ang unang pagkakataon na makikita ko siya.

She walks with prim and full authority. Wala kang mababakas na emosyon sa mukha niya maliban sa pagiging blangko ng ekspresyon niya and one thing caught my attention. It's weird. Natatakpan ang mata niya ng isang manipis na tela hanggang sa may gitna ng ilong nito.

"Bakit nakasuot ang kamahalan ng ganun?" Wala sa sarili kong naitanong.

"Walang nakakaalam, mula kasi nang una ko siyang nakita ay ganyan na ang kausutan niya. Pero ayon sa mga usap-usapan ay dahil raw sa kulay ng mata niya na ang mga umuupong reyna lang ang mayroon. Siguro ay sa kadahilanang namatay ang susunod na tagapagmana ng trono nung sanggol palamang ito." Sagot ni Ryoma kaya kunot noong napatingin ako sa kanya.

"Wala ka talagang alam sa mga totoong nangyayari sa paligid mo Haruka. Sabagay, hindi rin kita masisisi. Ipinagbawal na kasing pag-usapan ang tungkol roon. Pero huwag kang mag-aalala, tinuturo iyon sa ating mga mag-aaral dito sa Elkian Academy," Aniya nang mapansin niya ang naging reaksyon ko.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Jun 03, 2016 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

HE is a SHE: The Kingdom of Elkiaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें