ELKIANS 4

234 15 3
                                    

ELKIANS 4

*

Ihing-ihi na talaga ako. Arg!! Bakit ngayon pa ako tinamaan ng pagka-ihi. Sa kabilang gusali pa ang chamber namin. Dagli akong naglakad palabas dahil sakto naman na kalalabas lang ng aming maestro.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Ryoma sa akin na mukhang napuna ang paglabas ko at sumunod sa akin.

“Comfort room,” maikli kong sagot sa kanya.

“Ahhh. Dumiretso ka lang. Sa may dulo lang ng pasilyong ito ang palikuran. Dalian mo, mahigpit pa naman ang susunod nating magiging maestro.” Turo niya tsaka bumalik na sa loob ng aming klase.

Medyo kinabahan ako sa sinabi niyang magiging sunod naming tagapagturo kay sa halip na sa chamber ako magpunta ay naglakas loob na lamang akong sa palikuran nang gusaling ito dumiretso.

Narating ko rin sa wakas ang sinabi ni Ryoma sa akin na CR. Medyo alangan ako sa pagpasok lalo pa’t CR ito para sa mga sa mga lalake pero dahil hindi ko na talaga mapigilan pa ay naglakas loob na ako dumiretso papunta sa isang cubicle na nakayuko at hindi na pinag-akasayahan pa ng panahon para tignan kung may kasama ba ako.

Sa wakas! Nakaraos rin ako. Nakahinga ako ng maluwang. Nagflush muna ako ng bowl tsaka nagdesisyong lumabas.

Napahinto ako sa akmang paglabas dahil sa rinig kong tawanan sa labas. Nakalimutan kong nasa CR boys nga naman pala ako ngayon. Aish! Paano ako makakalabas nito! ‘Isip Runa kundi mahuhuli ka sa klase mo ngayon.’ Pipi kong utos sa sarili ko.
Mukhang wala akong ibang mapagpipilian kundi ang lumabas na lang. Pagkabukas ko pa lamang ng pinto ay nakasalubong ang isang lalake na papasok rin sa isa sa mga cubicle. Ang iba naman niyang kasama ay nagtatawanan  lang habang nakatayo doon sa bagay na hindi ko alam ang tawag pero duon sila umiihi.

Bakit ba kasi ako nasa ganitong kalagayan!

Dahil sa labis na pagkatuliro ay nadapa ako at nahila ko ang pantalon nung isang lalake pababa. Nanlalaki ang mga mata ko na pilit tumayo lalo pa’t pinagtatawanan na siya lahat ng mga kasama naming nasa loob ng CR ngayon.

Natigil lamang sila nang humarap yung lalake. Takot ata sila sa kanya. Halata naman, itsura palang niya ay nakakatakot na.

“S-sorry, n-nadapa ako.” Nahihintatakutang paumanhin ko.

“Sorry huh? You think you can get away with that shitty sorry of yours?” Galit niyang sigaw sa akin.

“Lagot. Si Kaoru(Kawru) pa ang nakabangga niya.” Narinig kong turan ng isang kasama naming dito.

“Oo nga, malas niya. Baka hindi nay an makasama sa paligsahang magaganap kinabukasan dahil siguradong ngayon pa lamang ay bugbog na siya.” Dagdag pa ng kasama niya.

“’Di ba yan iyong bagong lipat?” Bulong ng isa pa.

“H-hindi ko sinasadya.” Maalumanay kong sabi pero hindi siya nakinig at sinugod ako gamit ang isang suntok galing sa kanyang kanan. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang iyon kaya hindi ako nakadepensa agad. Bagaman nasangga ko ito ay tumilapon parin ako.

“Sorry talaga.” Sabi ko muli tsaka pilit tumayo at sumandal sa pader.

Muli siyang sumugod sa akin kaya napa-iwas ako at ang pader na nasa likod ko ang kanyang nasuntok.

Napa-aw naman ang lahat na tila ba naramdaman ang sakit sa kamao ng tinatawag nilang Kaoru matapos itong tumama sa matigas na pader.Tatakbo na sana ako palabas ngunit hinarang ako ng mga kapwa naming nasa loob ng CR. Itinulak nila ako kaya’t napasubsob ako sa mismong harapan niya.

HE is a SHE: The Kingdom of ElkiaWhere stories live. Discover now