•Introduction•

219 4 0
                                    

TRG: [INTRODUCTION]

----

Malamig na hangin ang sumalubong sa kanya pagpasok ng pinto. Doon siya sinalubong ng isang mamahaling five-star restaurant, isa sa pagmamay-ari ng pamilya ng taong imi-meet niya ngayon.

Bumuntong-hininga na lang siya bago nagpatuloy sa paglakad para hanapin kung saan pumuwesto yung kakausapin niya Hindi niya napigilan ang biglaang pagbuntong-hininga. Hanggang ngayon kasi hindi niya pa rin alam kung ano bang pumasok sa utak niya at pumayag siya sa kalokohang 'to.

Seryoso ka ba talaga dito, Park Chanyeol? Tanong niya sa sarili niya.

Park Chanyeol. 21. 3rd year student sa isang art school. Matangkad, gwapo, matalino. Talented.

Okay naman ang buhay ni Chanyeol kung titingnan. Maraming tao, mapa-professor man o estudyante din, ang naiinggit sa kanya.

Pero parang may kulang pa rin. Hindi niya nga lang alam kung ano.

Kaya nga nagtataka siya kung bakit bigla niya na lang nakita ang sarili niya sa loob ng restaurant na 'to, dahil kung tutuusin, nung una pa lang na sinabihan siya ni Kyungsoo, naisip niya na isang malaking kalokohan lang ang lahat. Yung mga narinig niya na may ipapagawa daw si Kyungsoo sa kanya na related sa anak ng isang sikat na pamilya na naglayas daw sa kasal niya. Na di naman alam ni Chanyeol kung anong pake niya dun at kung anong mapapala niya.

Pero dahil na nga rin sa mga problema niya sa buhay, pumayag na rin siya.

Sa totoo lang, akala ng marami napakaperpekto na ng isang Park Chanyeol. Maraming lalaki ang naiinggit sa height niya, at ina-admire naman siya ng mga babae dahil do'n. Idagdag pa yung mapupulang labi, malaking mata at tenga na 'nagpapacute' nga daw sa kanya.

Pero akala lang naman nila 'yon. Si Chanyeol kasi, kahit anong pag-eexcell ang magawa niya sa pinapasukang art school, alam niya sa sarili na pag-graduate niya ay manghihimasok na naman ang mga panggulo sa buhay niya, kasama nung problemang matagal niya nang iniiwasan.

At dahil sa frustration, naisipan niya tuloy na patulan yung sinabi sa kanya ni Kyungsoo na sa tingin niya ay kalokohan lang.

"Chanyeol."

Narinig ni Chanyeol na tinawag ang pangalan niya. Lumakad siya papunta kay Kyungsoo, na nakapwesto sa isang table sa gilid. Umupo siya sa tapat nito. "Kyungsoo." pagbati niya dito pabalik.

Huminga muna ng malalim si Kyungsoo bago iabot kay Chanyeol ang isang brown envelope na kanina niya pa hawak. "Oh eto."

Napakunot-noo ni Chanyeol habang binubuksan ang inabot sa kanya. "Ano 'to?"

Isang picture ang tumambad sa kanya nang buksa niya ang envelope.

Tiningnan ni Chanyeol ang lalaki sa picture na 'yon. Oo, picture 'yon ng isang lalaki. Kung tutuusin dapat wala siyang ire-react, pero iisa lang ang nasa isip ni Chanyeol habang nakatitig siya sa picture na hawak niya.

Ang ganda-ganda naman niya.

Totoo naman kasi. Masyado itong maganda para maging lalaki. Isama pa yung maganda niyang ngiti, na para bang ang saya-saya niya.

Simple lang ang suot nung lalaki sa picture. Khaki pants, plain white shirt at tsinelas. Ganun lang.

Pero yung nakapagpa-special dun sa lalaki ay yung mga ngiti sa labi niya.

Parang kasing sobra niyang saya ng mga panahong yun. Sobra-sobra to the point na gusto na rin ni Chanyeol na sumaya at ngumiti na lang.

Idagdag mo pa yung mga cresents na nagfo-form sa mga mata nito dahil sa pagngiti.

The Runaway Groom [ChanBaekYeol Mpreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon