•Second Run•

61 0 0
                                    

TRG: [Second Run]

A/N: I edited everything magmula una hanggang First Run. You might wanna check it, thanks. :)
-----

"Choi, Minho."

Kunot-noong tumingin sa glass window sa front ang naghihintay na Park Chanyeol. Nagtaka siya sa in-announce nung babae sa registrar. Choi daw? Letter C na agad?

Bakit hindi tinawag si Byun? Alphabetical diba?

"Choi, Seunghyun."

Narinig niyang magsalita ulit yung babaeng naka-assign sa harap. Lalong kumunot ang noo ni Chanyeol dahil sa pagtataka. Sinubukan niyang lumingon-lingon sa paligid, tinatanaw kung makikita niya ba si Byun Baekhyun sa lugar na 'to.

Wala. Sa sobrang daming tao, ang hirap maghanap. Ang dami kasing freshman ngayon. Na lalo niyang pinagtaka. Mapili ang school na 'to sa enrollees. Pero ano ba naman ang pake niya sa ngayon, diba? Mas mahalaga dito ang ipinunta niya.

May nakita siyang lalaking matangkad na naglakad papunta dun sa window ng registrar. Pinasa niya na yung mga pinakahuling forms niya at kinuha yung susi ng dorm na titirhan niya sa school na 'to.

Bumuntong-hininga si Chanyeol.

Nandito siya ngayon sa Inexorable Music and Arts School. At tulad ng nakagawian, ang mga bagong enrollees ay pumupunta sa registrar ng university para ipasa yung mga kulang na forms para sa enrollment at kunin yung uniform nila, dorm keys at schedule.

Hindi alam ni Chanyeol kung bakit, sa lahat ng lugar na pwedeng puntahan dito sa Korea, dito pa ginusto ni Baekhyun na pumunta matapos niyang layasan ang mga Byun. Lalayas siya para mag-aral? Hindi kaya pinapahirapan lang ni Baekhyun ang sarili niya?

Kilala ang IMAS bilang isa sa pinakasuccessful at pinakastriktong Art School sa Korea. Marami sa mga sikat at successful na music instructor, choreographer, director pati na mga KPop idol ay dito gumraduate. Kung sakali mang nag-enroll lang dito si Baekhyun para sa joy of learning, mukhang mahihirapan lang siya. Survival of the fittest ang eskwelahang 'yon. At isa pa, imposible rin. Ayon din kasi sa details na bigay ni Kyungsoo kay Chanyeol, graduate na si Baekhyun.

Dalawang taon ang tanda ni Baekhyun sa kanya, third year college na si Chanyeol ngayong school year samantalang isang taon namang graduate ng business management si Baekhyun. Ang hindi ma-gets ni Chanyeol, ay kung bakit nag-enroll si Baekhyun ulit.

Hindi kaya... eto talaga yung gusto niyang pasukang school?

Ang daming naiisip ni Chanyeol na dahilan. Ang dami niyang naiisip na possibilities kung bakit. Siguro, hindi gusto ni Baekhyun yung mundo ng business? Pinilit lang siya dun ng mga Byun? Posible. Siguro rin, music ang gusto niya. Kumakanta kaya siya? Nagko-compose? Tumutugtog? Acting? Ano kayang hilig niya? Bakit ginusto niya sa art school?

Kaya siguro naglayas siya. Para habulin ang gusto niya.

Bumuntong-hininga ulit si Chanyeol.

"Ang lalim nun ah." Isang boses ang muntik nang maging dahilan ng pagkahulog ni Chanyeol sa kinauupuan niya. Nilingon niya yung nagmamay-ari nung boses. Aba loko 'to ah.

Nginitian siya ng isang lalaking may singkit na mga mata at nag-alok ng handshake. Nung una, akala niya si Baekhyun na 'yon, medyo hawig niya kasi. Pero hindi pala.  "Kim Taehyung nga pala. Freshman ka din?" sabi nito.

Inabot na lang ni Chanyeol ang kamay nung nagpakilalang Taehyung at binalik ang atensyon sa mga taong isa-isang lumalapit sa harap. Mamaya kasi baka makita niya na si Baekhyun. Siya naman kasi talaga ang ipinunta niya dito eh.

The Runaway Groom [ChanBaekYeol Mpreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon