•First Run•

152 5 0
                                    

TRG: [First Run]

-----

A few weeks earlier..

"WALA AKONG PAKIALAM SA GENDER PREFERENCE NIYA! HE'S MY SON!"

"Mamili ka, pakakasalan niya ang anak ni Mr. Kim o itatakwil ko siya?"

Nakakunot ang noo ni Park Chanyeol nang tingnan niya ang pinto ng room 2004 kung saan nagmumula ang sigaw ng isang lalaki. Mukhang may nag-aaway. Wala naman talagaa dapat siyaang pake pero di niya naiwasang magtaka kung bakit rinig hanggang labas yung ingay.

Akala niya ba soundproof mga kwarto dito?

Nandito siya ngayon sa 20th floor, VIP rooms ng Hotel de Picasso na pagmamay-ari ng businessman at painter na si Kris Wu. Kaibigan niya yung may-ari, kaya nga siguro yun yung dahilan kung bakit siya yung inutusan nito para mag-ayos ng mga files kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Jongdae.

Pero kahit ano namang gawin ni Chanyeol, di magbabago yung katotohanang dinig na dinig yung sigawan hanggang sa hallway. Tsk tsk. VIP guests pa naman ang mga naka-check in sa 20th floor. Mamaya niyan may mag-report pa.

Pero wala naman siyang magagawa, mukhang away-pamilya naman kasi yun. Kaya inayos niya na lang yung mga files and folders na bitbit niya at patuloy na naglakad

"Anak ko din siya!" Ibang boses naman ang nagsalita.

"Pero ako ang ama!"

"Pwede ba tama na!!" Panibagong boses ang nangibabaw. Yun na yata yung anak. "Wag niyo akong susundan, aalis ako!"

Oo na. Sinabi na ni Chanyeol sa sarili na di na siya makikinig, diba? Pero kasi nakalagpas na siya't lahat-lahat sa room na yun dinig niya pa rin yung sigawan. Nakalunok yata ng megaphone ang mga yun.

Nagulat na lang siya nang magring ang cellphone niya. Tumatawag si Jongdae.

"Hello?" Sagot niya.

[Yeol, nasa'n ka na??? Kanina pa kita hinihinta--]

"Kung naghintay ka nalang sana ng kahit mga limang segundo pa, edi sana nakarating na ko diyan kesa ngayon na nag-aaksaya ako ng laway dito habang kausap ka. Matuto ka ngang maghintay, Kim Jongdae. Kaya hindi ka sinsagot ni Minseok-hyung eh." Inasar niya pa ito. Pambawi lang. Nakakainis kasi eh, nadistract siya dun sa ingay nung nag-aaway. Kay Jongdae niya tuloy nabunton.

[Kumalma ka nga. Kung anu-anong sinasbi neto. Oo na, hihintayin na kita. 5 seconds ah, nandito ka na.]

Sasagutin pa sana siya ni Chanyeol kaso hindi niya nagawa. Paano, bigla naman siyang napa-dive sa hallway ng wala sa oras.

Hindi dahil biglaang gusto niyang magswimming kahit patapos na ang summer, kundi dahil nabangga si Chanyeol ng isang lalaking papatakbo sana.

Nagliparan ang mga papel. Tumilapon yung mga folders. Napa-dive si Park Chanyeol sa hallway...

...kasama ng isang lalaki na naka-business suit pa.

"A-ahhh..s-sorry." Sabi ng nakabangga kay Chanyeol. Naiilang itong umalis sa pagkakapatong sa kanya.

Sa dami ba naman kasi ng pwestong pwede magawa yun pang gaya ng nasa mga cliche na pangyayari sa mundo ang nangyari sa kanilang dalawa. Pearego silang nadapa nung lalaki ng magkapatong.

Nasapok na lang ni Chanyeol ang sarili niya sa isip.

Masyado naman kasing mabilis ang mga pangyayari para sa kanya. Ang alam niya lang, may kausap siya sa telepono. Inaasar niya pa nga eh. Pero yung sumunod na nangyari, nalaman niya na lang na nakahiga na siy sa hallway na kinatatayuan niya kanina lang, at ang masama pa, may nakapatong sa kanyang lalaki.

Sa kakaisip niya ng lahat ng 'yon, ni niya namalayang nakalayo na pala yung lalaking nasa ibabaw niya kanina. Pano kasi siya, nakanganga pa rin.

Masyadong na-shock.

Ikaw ba naman makakita ng lalaking umiiyak na bukod sa mga nagkalat na luha (at baka pati uhog) sa mukha eh may bakas pa ng eyeliners na nagkalat din, hindi ka ba masha-shock?

"A-ah...s-sorry."

Sinubukan ni Chanyeol na i-recall yung boses nung lalaki.

Yung lalaking nakabangga sa kanya. Siya kaya yung anak nung mag-asawang nag-aaway sa room 2004? Sobrang magkapareho eh.

Sigurado akong kanya yung boses dun sa room na yun. Sigurado ako.

"Oy. Tinatanga-tanga mo diyan?"

Siya yung lalaking yun. Sigurado talaga si Chanyeol. "HUY!"

"H-ha?"

Nabalik ang higante sa realidad. Nakita niya ang sarili niyang nakaupo parin sa sahig ng hallway, tulala.

"Uy, Chanyeol, tara na anong oras na!" Tawag ni Jongdae sa kanya. Inalalayan siya nitong tumayo. "Ano ba kasing ginagawa mo diyan sa sahig, lasing ka na naman ba? Tingnan mo yung mga papeles, nako lagot tayo kay Kris-htung niyan!" Inunahan na rin siya nitong maglakad. "Ikaw pumulot niyan, bahala ka!" Sabi nito bago bumalik sa kwartong nilabasan niya kanina.

Napailing nalang si Chanyeol sa sarili.

Aish, Chanyeol. Kalimutan mo na yung madungis na lalaking bumangga sayo. Maganda siya pero dugyot. At isa pa, magtrabaho ka na.

Bigla niyang naalala, oo nga pala, makikipagkita si Kyungsoo sa kanya. May ipapagawa daw. Ano na naman kaya 'yon?

-----x

XOXO

-THECRAZYKPOPLOVER

The Runaway Groom [ChanBaekYeol Mpreg]Where stories live. Discover now