4

4.2K 158 3
                                    

Alden's POV

"A-aray." Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Nasa bahay na pala ko. Pano ako nakauwi? Ang naaalala ko lang, uminom ako kagabi for the first time.

*tok tok*

May kumakatok sa pinto ko. "Pasok."

Bumukas 'yung pinto. Si mama pala.

"Gising ka na pala. Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni mama, umupo siya sa kama ko.

Umupo rin ako. "Break na kami ni Anne, ma."

"Bakit? Anong nangyari?"

"May iba siyang boyfriend, ma. Malandi pala 'yun." Sabi ko. Nasasaktan padin ako pero kapag naiisip ko 'yung ginawa niya, napapalitan ng galit 'yung lungkot ko.

"Hay, RJ." Hinawakan niya 'yung kamay ko. "Lahat ng bagay may dahilan. Baka hindi siya ang babaeng para sayo. Wag kang magmukmok. Ang pogi pogi mo e."

Natawa ako.

"Ayan nakangiti na ang baby ko."

"Ma naman. Hindi na ko baby." Napakamot ako sa ulo ko. "Hindi narin ako pogi. Puro pasa na nga mukha ko eh." Nag pout ako.

"E basta baby kita. At pogi ka." Kinurot niya 'yung pisngi ko.

"Si mama talaga oh." Inakbayan ko siya. "Pano nga pala ako nakauwi?" Tanong ko.

"Hinatid ka ni Sam. Anong balak mo sa bumugbog sayo? Nakilala mo ba?" Tanong ni mama.

"Hayaan nalang natin, ma. Wala naman tayong mapapala kung magdedemanda pa tayo." Sabi ko.

"Are you sure? Kung ako tatanungin, hindi ako papayag. Pag bayaran niya ang ginawa niya sayo."

"Ma. Please. Wag na." Hinawakan ko 'yung kamay niya.

"Fine. Pero pag naulit pa 'yan, hindi mo na ko mapipigilan." Nag cross arms pa siya. Cute talaga ng nanay ko!

"Love you, ma." Niyakap ko siya.

"Halika na. Lunch na tayo." Tumayo si mama. "Let's go."

"Lunch?" Tanong ko.

"Yes. 12:30 na kaya. Tara na." Haba pala ng tulog ko.

Kumain kami ng lunch. After nun, umakyat ako sa kwarto ko at naligo't nagbihis. Bumaba nalang ako ng living room at nanood ng tv.

"Hindi ka ba pupunta sa resto?" Tanong ni mama. Nakabihis na siya. Pupunta sa resto.

"Pass muna ko, ma. Masama pakiramdam ko eh." Sabi ko habang naglilipat ng channel. Walang mapanood eh.

"O sige. Bye anak." Kiniss niya ko sa cheeks at umalis na. Naiwan akong nanonood mag-isa.

*2 hours later*

"Excuse me po, sir. May bisita po kayo." Sabi ng maid namin.

"Sino?" Sabi ko habang kumakain ng chips at nanonood padin.

"Si Sir Sam po."

"Sige po, papuntahin niyo nalang siya dito. Salamat po."

"Bro!" Bati ni Sam. Tumayo ako at nag manly hug kami. Umupo kami pagtapos.

"Okay ka na ba? Ano bang nangyari? Sinong bumugbog sayo?" Dami nanaman niyang tanong.

"Sino pa ba? Edi 'yung boyfriend ni Anne." Umirap ako.

PhotographWhere stories live. Discover now