44

3.4K 129 29
                                    

Alden's POV

"Oh, Alden. Sino 'yung kinausap mo? Sit down. Madami pa tayong pag-uusapan at pagkkwentuhan. Right, Louise?" Ngumiti si mama.

"Yes, ti-"

"Thank you po sa dinner, tita, Louise. I'm sorry but I have to go." Sabi ko habang nagmamadaling magpaalam.

Tumayo si mama. "You are not going anywhere, mister. Maupo ka dito. Don't be rude. Mahiya ka nga sa Tita Elvie mo." Matigas na sinabi ni mama.

"It's okay, mare. Urgent ba iho?" Tanong ni tita.

"Yes po, tita."

"Okay then. Go." Sabi niya.

"Thank you po." Tumakbo ako palabas at sumakay sa kotse ko. Narinig kong tinawag pa ni mama 'yung pangalan ko pero hindi ko na muna siya pinansin. Nagmadali akong nag drive papunta sa address na binigay sakin ni Pat. Ano kayang nangyari kay Meng. Nandun lang pala siya.

Bumaba ako. Eto na siguro 'yung bahay ni Pat. Nag doorbell ako. Maya maya lang ay lumabas siya. Hindi ako mapakali.

"Pat! Anong nangyari kay Meng?"

"Kanina pa siya umiiyak, Alden. You have some explaining to do pero mamaya na 'yan. My best friend needs you." Huh? Kumunot 'yung noo ko. Anong kailangan kong i-explain? "Ayaw kumain ni Meng. Kanina pa siya tulala at hindi nagsasalita. Follow me."

Pumasok ako sa bahay nila Pat at sinundan siya. Ano ba naman, Meng. Pinagaalala mo naman ako. Hay. Ano bang nangyayari.

Pagkabukas ni Pat ng isang pinto, may nakita akong babae na nakahiga sa kama. Pumasok ako. Nakatagilid siya, yakap yakap ang tuhod niya, tulala at umiiyak. Lumuhod ako sa gilid ng kama. Hindi niya ako pinapansin. May tumutulo lang na luha sa mga mata niya. Hinawakan ko 'yung kamay niya.

"M-meng? A-anong problema? Ayaw mo raw kumain. Bakit ka umiiyak?" Nagaalala kong tinanong. Hindi siya umimik. Bumaling lang siya sa kabila. Bale dun na siya nakaharap sa kabilang side. Iniiwasan ba niya ko? Lumipat ako sa kabila. Bumaling ulit siya.

"Meng, ano bang problema? Kausapin mo naman ako. Please." Pagmamakaawa ko. Pumikit lang siya at hindi ako pinansin.

"Alden." Tinawag ako ni Pat. Lumabas ako ng kwarto at iniwan muna si Meng mag-isa. Sinara ko 'yung pinto at tinanong agad si Pat.

"Ano bang nangyari kay Meng?" Tanong ko.

"Wala ka ba talagang idea?" Masungit na tinanong ni Pat. Nag cross arms pa siya.

Umiling ako. "Wala. Hindi ko pa siya nakakausap buong araw."

"Bakit? Dahil nakipag date ka sa iba?" Sagot niya. Hindi ako nakapag salita.

"Uhm. O-oo, pero-"

Hindi ko natuloy 'yung sasabihin ko nang biglang bumukas 'yung pinto. Si Meng. Mukha siyang nanghihina at namamaga 'yung mga mata niya.

"Meng." Niyakap ko siya ng mahigpit. "I'm sorry. Please let me explain."

Tinulak niya ko ng mahina. Unti unti siyang kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. "Umalis ka na, Alden."

"Meng... mageexplain ako." Hinawakan ko siya sa mukha at pinunasan 'yung luha niya. Naiiyak nadin ako. Ayokong nakikita siyang malungkot.

"Please. Umalis ka na." Sabi niya. Hindi ako nagsalita at niyakap ko siya ulit.

"Uhm, Meng. Hindi naman sa nangengealam ako... uhm, mag usap kaya kayo ni Alden para maayos niyo 'yan. Hindi ka pa kumakain simula kanina. I'm just concerned. Maiwan ko na muna kayo." Sabi ni Pat at umalis. Naiwan kaming dalawa ni Meng.

PhotographWhere stories live. Discover now