Bad #23

50.2K 1K 8
                                    

-BAD #23-







Anong oras na pero eto pa rin ako at nag aaral lang sa online school ko. Iniisip ko paano kaya kung pumapasok talaga ako sa college? Lawyer na kaya ako ngayon? Umiling iling na lang ako. Naginat ako at saktong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Halos mapatili ako pero nang makita ko si Wade na pumasok ay hindi iyon natuloy. Ang gwapo niya. Nakasuot siya ng itim na V neck shirt at faded jeans. May gold cross pa siyang kwintas. Magulo ang buhok niya at mukang galing sa party o ano dahil amoy ko ang alak sa kaniya.






"Pano ka nakapasok?" Tanong ko kaagad sa kaniya. Bumuntong hininga siya at ibinaba sa lamp table ko ang susi ng sasakyan niya tinanggal niya din ang relo niya.






"I climb the gate and you left your front door open." Kumunot ako. Sigurado ako ni lock ko yon kanina bago ako umakyat dito sa kwarto ko. Umiling iling na lang ako. Kung nilock ko yon edi sana wala siya dito. Mukang hindi ko nga nalock.






"Bakit ka nandito? Umuwi ka na anong oras na magpapahinga na ko." Sinarado ko ang laptop ko at inilagay iyon sa table sa gilid ng kama ko. Parang walang narinig si Wade at nagtanggal pa ng tshirt at pants.






"Hoy! Hoy! Psst! Ano yan?! Bakit ka naghuhubad dito?" Nagiwas ako ng tingin. Jusme! Ayoko tignan yung katawan niya. Magkakasala ako!






"Did you already forget what i told you? Diba sabi ko dito ako magiistay? Geez Ema you need some memoplus or something. Mas ulyanin ka pa sa matatanda." Masungit na sabi niya. Seryoso siya?? Nahiga siya sa kama ko at tinalikuran ako. Nag kumot pa siya at mukang matutulog na.






"Seryoso ka? Ang laki laki ng bahay mo ehh doon ka na lang!" Niyugyog ko siya kasi parang matutulog na talaga ehh! Hindi nga siya pwede dito. Hindi kami pwedeng nagsama!






"If i stay there you'll stay there. Ano mas gusto mo dito o sa mansion ko?" Seryosong tanong niya. Nakakunot pa ang noo ng loko.






"Wala! Basta di tayo pwede magsama sa iisang bahay Wade! Wala tayong relasyon tsaka magagaling iyong girlfriend mo!" Napaupo rin siya tulad ko at napaharap siya sa'kin at mukang naguguluhan.






"Girlfriend? Sinong girlfriend?" Tanong niya sa'kin. Naguluhan ako.






"Iyong babaeng binigyan mo ng flowers kanina? Yung hinalikan mo sa harap ko? Yung babaeng kung anong ganda niya eh iyong panget ng ugali niya." Ngumisi siya at tumawa ng konti. Ang gwapo ng  tawa nitong nilalang na to. Napalunok ako. Kalma ka nga Ema!






"She's not my girlfriend. She is my girl Friend. I didn't kiss her, she kissed me." Napanguso ako. Sus! Ulol!






"Mayabang na nga sinungaling pa. Uwi ka na nga! Matutulog na ko." Humiga ulit siya at binelatan pa ko. Abay! Ayos to!






"Wait let me ask you something.." Umupo ulit siya at humarap sa'kin. Seryoso ang mukha niya. Anong trip neto?






"Who's wearing my shirt?" Naginit ang pisngi ko at napayuko. Suot ko nga papa ang tshirt niya. Pagod kasi ako galing trabaho eh kung ano lang mahugot ko sa damitan ko iyon na lang ang sinuot ko. Malay ko ba na nasakin pala tong damit niya.






"A-ako. Eh kasi naman-" bago pa ko makapag depensa ay nagsalita na ulit siya.






"Sino kasama ko ngayon?" Tanong niya pa ulit.





"Ako?"



"Then you're my girlfriend. Simple as that." Humiga na ulit siya. Naginit ang pisngi ko at niyugyog ulit siya.







"Wade ano ba! Hindi ka nga pwede dito ehh!" Humarap siya sa'kin ulit at mukang naiinis na.






"What? Can you just let me sleep, Emalee? I'm tired. Ano bang mali kung dito ako matulog? You're my girlfriend. I own you whats wrong with that?" Ano daw? Ang pagkakaalam ko wala akong boyfiend?






"Girlfriend ka jan? Kelan pa kita naging boyfriend? Hindi mo nga ako nililigawan ehh tapos boyfriend na kita? Aba edi wow!" Pinagkrus ko ang mga braso ko at siya naman ay napakamot sa ulo niya. Inis na inis na.






"Pag sinabi kong girlfriend kita, girlfriend kita. Do you understand? I own you. I can do everything i want to you. Get that?" Sinungitan niya ko at humiga na ulit. Hay nako! Bakit ba ko nakikipag talo sa kaniya? As if naman mananalo ako diba?







"Bahala ka nga jan! Sa kabilang kwarto na lang ako matutulog." Tumayo ako at lalabas na sana nang maabutan niya ko. Hinila niya ang kamay ko at napaupo ako sa kandungan niya.







"Ano ba Wade!" Sigaw ko sa kaniya. Napaka landi naman kasi ng lalaking to!






"Dito ka lang." Bulong niya sa'kin. Nagtaasan ang balahibo ko sa lamig ng boses niya. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang ipulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko.






"Stay with me. Please..." Bulong niya sa'kin. Para akong natunaw at tumango na lang ako. Humiga kaming dalawa at tulad noong huli ay natulog lang kaming dalawa na magkayakap.






Hindi ako makatulog pero siya mabilis na nakatulog. Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha habang mahimbing siyang natutulog. Hinaplos ko ang pisngi niya at napatingin ako sa labi niya. Parang may kung ano sa dibdib ko na parang ang sakit sakit. Parang may lungkot, parang may pangungulila akong nararamdaman sa kaniya. Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko. Hindi naman ganito ang naramdan ko kay Vince-.. Umiling iling na lang ako. Bakit ko ba siya kinukumpara kay Vince. Napabuntong hininga ako. Dahan dahan akong lumapit kay Wade at marahang hinalikan ang labi niya.







"Bakit ba ko nangungulila sayo eh nandyan ka lang naman lagi.." Mahinang sabi ko.. Para akong tanga na nagtatanong sa tulog pero ganun ang pakiramdam ko eh.

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Where stories live. Discover now