Bad #45

35.1K 687 3
                                    

-BAD #45-




Kinagabihan ay sinundo ako ni Vincent sa opisina. Ayoko pa nga sana pero paglabas ko ng office ay nandoon na siya. Ngayon ay nandito lang ako sa loob ng sasakyan niya at tahimik na nakatingin sa bintana. Si Wade lang ang nasa isip ko ngayon. Medyo gumaan ang loob ko dahil nakausap ko siya kahit sandali lang. Sabi niya pa pagbalik niya papakasalan niya ko. Alam ko naman na biro lang iyon para mapagaan ang loob ko pero may konti sa'kin na excited mangyari yon.




"The guy you're with at the event... Boyfriend mo ba siya?" Tanong ni Vincent. Tumingin ako sa kaniya at proud na sumagot ng...




"Oo. Boyfriend ko siya."



Tumahimik lang ulit si Vincent. Alam ko kung anong balak niya kaya siya nandito. Ganito rin siya noon bago niya ako ligawan. Pasimple simple lang tapos bibiglain ka. Ang sarap alalahanin iyon mga nangyari sa'min ni Vincent dati na walang bigat sa dibdib. Dati pag naaalala ko naiinis lang ako pero ngayon hindi na. Kasama ko pa siya ngayon pero wala na doon iyong takot na nararamdaman ko. Nakakahinga ako ng maluwag. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin kami. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at simple akong nagpasalamat.




Kilala ang restaurant na ito. Ilang beses na ito nafeatured sa tv at ang pagkakaalam ko 4 star restaurant ito. Sinundan ko lang si Vincent na ngayon ay nakikipagusap sa isang waiter. Narinig kong binanggit niya ang pangalan ng mga Ledesma at sinabi naman ng waiter na sundan siya. Napaisip ako bigla. Connected kaya si Kaith Ledesma na nasa painting sa bahay ni Wade at ang mga Ledesma ngayon na haharapin ko? Naalala ko na binanggit sa'kin ni Wade na hinahanap nila ang nawawala nilang anak. Baka kilala ni Wade iyon kaya magkakilala sila ng magasawang Ledesma?




Umiling iling na lang ako. Tsaka ko na nga iisipin yan pag nakabalik na si Wade. Pwede ko naman itanong na lang sa kaniya. Siguro naman alam niya. Habang naglalakad kami sa malaki at magandang restaurant na ito may mga nakikita akong artista na kumakain din dito. Nakakatuwa naman. Nakita ko sa di kalayuan si Aileen Dela Vega at ang asawa niyang si River Dela Vega. Dati nakikita ko lang silang dalawa sa billboard at magazine na magkapartner lang bandang huli sila din pala magkakatuluyan. Ang sweet sweet nila sana ganyan din kami ni Wade. Maging kami din sa huli.



"Goodevening Tito, and Tita. Tita you look beautiful." Narinig kong sabi ni Vincent. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakikipag beso beso kay Amara Ledesma. Hindi ako nagkakamali siya nga iyon.




"Nangbobola ka nanaman ha." Nagtawanan pa sila. Nakatingin lang ako sa mag asawa. Nakaramdam nanaman ako ng sikip ng dibdib. Parang noong una ko lang kila nakita. Huminga ako ng malalim at nilapitan sila.



"Goodevening po." Bati ko sa kanila. Nginitian nila ako parehas. Nakikita ko talaga sa kanila ang mga magulang ko. Nakaramdam nanaman ako ng pangungulila. I miss them.


"Goodevening, Hija. We're very happy that you accepted our request. Pasensya ka na kung naistorbo ka namin." Bakit ang sarap pakinggang ng boses ni Mrs. Ledesma? Iba talaga pakiramdam ko sa kaniya.




"Wala po iyon. Salamat po sa pag imbita sa'kin." Sagot ko sa kaniya at nginitian siya. Umupo na kami at umorder na sila ng pagkain. Ganon na lang din ang ginawa ko.




"I'm guessing sinabi na sayo ni Wade kung bakit ka namin inimbita." Sabi ni Mr. Ledesma. Nagkatinginan pa sila ng asawa niya.




"Opo. Sinabi niya na din po sa'kin ang tungkol sa paghahanap niyo sa anak niyo? Sana po mahanap niyo siya." Nginitian ko sila at napangiti rin sila sa'kin. Ang bait talaga nila.




"Alam ko kaedad mo sana sila. I see my daughter in you Emalee." Nacucurious na ako kaya hindi ko na pinigilan ang sarili kong magtanong.




"Sila? Dalawa po iyong nawawala?" Tanong ko. Nagkatinginan ulit si Mr. And Mrs. Ledesma.




"Kaith died. Tero Sandoval killed her. Her twin sister- Katrina is the one who's missing. She ran away before Kaith died. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nahahanap." Kwento ni Vincent sa'kin. Tero Sandoval? Hindi ba't iyon ang Ama ni Wade. Kaith? So anak nga nila iyong Kaith Ledesma na nasa painting sa bahay ni Wade.




"Maitanong ko lang po. Magkaibigan po ba si Wade at ang anak niyong si Kaith?" Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para bang gusto kong maiyak. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?




"Actually they're not just friends. They're lovers. My daughter was 16 and Wade was 18 that moment. Nagkakilala sila noong humingi kami ng tulong sa mga magulang niya para mahanap ang anak namin na si Katrina. Unfortunetly hindi kami tinulungan ng magulang ni Wade. Pero si Wade he helped us because of our daughter Kaith. Hindi namin alam na may koneksyon sila. Nalaman na lang din namin na sobra ang pagmamahalan nila noong namatay na ang anak ko. Wade killed his own father because he killed the woman he loves. Pero kahit ganoon ang ginawa niya ay hindi pa rin namin maiwasan kamuhian ang buong pamilya niya. He was the reason why our daughter got killed that night." Medyo naluluha luha na si Mrs. Ledesma habang kinukwento iyon. Kahit ako ay nagpipigil na lang din ng luha. Ang sakit sa dibdib.





"Our daughter Kaith is in heaven now. I know she wants us to find her sister kaya hindi kami sumusuko habang hindi namin nahahanap ang anak namin. That is also the reason why you're here." Mahinahon na sabi ni Mr. Ledesma. Napalunok ako. Kinakabahan ako bigla.

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Where stories live. Discover now