Chapter 1

16.9K 266 70
                                    

"HAPPY BIRTHDAY, Treen!" Sigaw nilang magkakaibigan sa loob ng bar lounge na kinaroroonan nila.

Maingay ang mga tao sa paligid. Mga neon lights ay sumasayaw na tila sumusunod sa musika na pinapatugtog ng DJ. Maraming tao, marami ring mga kilalang personalidad na naroon. Birthday kasi iyon ng kaibigan ni Joselle na si Katreen Faith Vasquez. Anak ng isang pinakasikat na business tycoon sa bansa. Tahimik lamang na nakaupo si Joselle habang pinapanood ang mga taong sumasayaw sa dance floor. Nilagok niya ang vodka at tumayo na rin.

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Jaina, ang malapit niyang kaibigan. Pinaalam niya naman dito na pupunta lang siya sa counter para um-order ng kanyang inumin. Hindi siya kasi sanay uminom ng vodka. Para sa kanya, dull ang lasa niyon. Hindi naman siya tinatamaan ng kalasingan kaya nasa huwisyo pa siya sa mga oras na iyon.

Dinig niya ang maingay na music na isang mash up sound na tila bumabalot sa loob ng bar na iyon. Simula kasi nang naging eighteen siya, ay pinabayaan na siya ng kanyang daddy na gumimik kahit saan. Isa pa, may tiwala naman ito sa kanya. Paborito siya ng kanyang daddy kung tutuusin. Kaya minsan naging brat na rin siya dahil sa pagpapalaki nito sa kanya.

Halos kalimutan na nga niya ang nangyari noon sa pamilya niya. Tila isang panaginip lang iyon na pagkagising niya'y wala na ang mommy at ang kuya Justin niya. Naalala pa niya ang sinambit ng kuya niya bago umalis ito sa bahay nila. Naalala niya kung paano siyang umasa na babalik ang mommy at kuya niya para isama siya papuntang Amerika.

Pero lahat lang iyon ay pawang istorya lamang.

Unti-unti namang bumalot ang sama ng loob niya sa mga realisasyong iyon. Agad na siyang umupo sa stool at tiningnan ang mga wine glasses nakasabit sa bandang taas ng counter.

"Ano'ng drinks po sa inyo, ma'am?" Biglang bungad sa kanya ng bartender na tumambad sa harap niya. Napalunok siya. Tiningnan niya muna ang mga katabi niya tinitigan niya ang mga inuming iyon. Sawa na siya kasi sa mga iniinom ng mga kaibigan niya kaya para maiba naman ay gusto niya ang mga cocktail drinks.

"I want... martini." Aniya at pumuwesto ng mabuti sa stool.

"Garnished with what, Ma'am? Olive fruit, lemon, or l—"

"Olive fruit." Tipid na turan niya roon sa bartender. Tumango na lamang ito at ginawa na ang order niya.


HALOS crowded na ang tao sa loob ng bar. Iyan na yata ang tinatawag nilang 'happy hour.' Nakatingin lamang si Joselle sa gawi ng kanyang kaibigang si Treen na ngayon ay naroon na sa pole at sumasayaw. Pinagpipiyestahan na ito ng mga kalalakihan dahil sa paraan ng paggiling nito sa dance floor.

Treen was almost worshipped by other hot lads in the bar. Napailing na lamang si Joselle at hinayaan niya na lamang ang kaibigan. Tutal, kaarawan naman iyon ni Treen kaya wala siyang ipag-alala. Tumungo naman ang tingin niya sa sofa na kung saan ay iniwan niya ang isa pang kaibigang si Jaina. Sa kanilang tatlo, si Jaina ang pinakamatanda sa kanila. Tinuturing nila itong ate sapagkat dalawang taon ang tanda nito sa kanila. Nakita niyang okay pa naman doon si Jaina ay tumango na lamang siya.

"Seems you're alone, huh?" Napapitlag siya pagkuwan nang makarinig siya ng isang boses. Agad niyang nilingon ito at ngumingiti ito habang nakatingin sa inumin niya.

"What's yours, sir?" Biglang tanong ng bartender sa lalaki. He tilted his head while looking at the liquors list.

"I want that boulevardier." Anito sabay turo sa nakalistang mga inumin.

Nang maubos na ni Joselle ang alak na iniinom, ay agad niya na ring kinain ang olive fruit. Kaya kasi nilalagay iyan sa mga inumin para mapawi ang pait na lasa nito. Hindi pa siya nakuntento sa ininom niya.

Unwanted Sin (COMPLETED)Where stories live. Discover now