Chapter 10

6.8K 118 39
                                    

TAHIMIK lang na nakatitig si Joselle sa kanyang cellphone. There are lots of messages in her phone that came from different senders. Isa na riyan ang mga kaibigang sina Jaina at Treen, si Ruther, at ang kuya niyang si Justin. Pagkatapos ng 'A friendly date' nila ni Ruther ay mukhang nabigla siya sa biglaang panliligaw nito ni Ruther. Crush niya si Ruther. That means, she likes him. Pero bakit parang mayroon sa kanya na hindi niya maipaliwanag? Gusto niyang pagbigyan si Ruther na ligawan siya pero may side naman sa kanya na parang ayaw niya itong sagutin. Her world is full of crap! Hindi niya alam ang gagawin. Bigla naman tumunog ang kanyang cellphone at doon bumungad ang mukha ni Treen sa cellphone screen niya.

"Treen?" Aniya pagkasagot niya sa tawag. Dinig niya namang may tumitili sa kabilang linya. She knows that it was Treen. Si Jaina pala ang humahawak ng phone nito. Bumuntong hininga siya dahil ang ingay sa kabilang linya.

"Selly? Pumunta ka nga rito sa bahay nina Treen. She's ugh... getting wild here! Hindi ko alam ang gagawin dito sa babaeng 'to!" At bumuntong hininga ito. Bakit naman tumitili si Treen? Sa isip-isip niya lang ay nakakita ito ng ipis o baka may dumapong ipis sa mukha nito. She smiled in that thought.

"Tantrums?" Tanong niya sa kaibigan. Paano naman kasi ang ingay ng tili nito sa kabilang linya at naririnig pa niyang paulit-ulit itong nagsasabing 'Oh my gosh' na animo'y nanalo sa loto o 'di kaya sa casino. She rolled her eyes as if she was seen by her friend.

"Eh kasi... Katreen Faith! Umayos ka nga! Para lang nag-text sa iyo ng hi eh naglulupasay ka na! Ang babaw mo, ateng! Pumunta ka na rito, girl. Baka hindi ako makapagpigil tatawag talaga ako ng ambulansya." Tinatamad pa naman siyang bumangon pero gusto niyang malaman kung ano ang dahilan kung bakit naman nasobrahan sa hyper si Treen. Na-exorcist kaya ito? Tumawa na lamang siya ng mababaw.

"Tawagan mo ng quack doctor." Binaba na niya ang tawag at dumiretso ng banyo para maligo. Hindi na niya nabasa pa ang ibang mga mensahe sa phone niya. She toss it on her bed.

Iisa na naman ang tumatakbo sa isip niya. Maybe her brother is the one who texted her friend, Treen. Alam niya naman iyon kasi nalaman at nahalata na ng kuya niya na may gusto iyon kay Justin. Okay lang iyan, Joselle. Turan ng isip niya. Pero bakit ganoon? Bigla siyang nasaktan—may kung ano'ng sumundot sa dibdib niya na siyang sumakit bigla. Text lang iyon. Maybe he wants to be friend with her bestfriend. Pagbabawalan pa ba talaga niya kahit iyon lang naman iyon?

Matapos ng ilang minutong pagliligo ay agad na siyang pumili ng damit sa walk-in closet niya. Bumuntong hininga siya. What day is it today? It's Saturday. Isang araw na pala ang lumipas simula nangyari ang friendly date nila ni Ruther. Mabilis naman siyang nakapili ng damit na susuotin. Isang loose shirt na kita ang kanyang collarbones at maikling shorts. Itinali niya rin ang kanyang buhok ng messy bun at naglagay ng kaunting makeup. She loves being simple. Agad na niyang kinuha ang maliit na bag at lumabas na ng apartment.

Pagkalabas niya'y doon na niya binasa ang mga mensahe. Una niyang binuksan ay ang galing kay Treen.

BFF Treen: SELLY! OMG OMG. YOUR KUYA TEXTED ME 'HI'! I'M DYING.

K. Naisaloob-loob niya. Mga limang send siguro iyon kasi paulit-ulit lang naman ang mga mensahe ng kaibigan niya. Sunod naman ay kay Jaina.

BFF Jaina: Punta ka rito. May nababaliw. Si Katreen Vasquez. Dalhin na natin ito sa mental bago pa lumala ito. Lakas ng tama niya sa kuya mo.

That hurts... a little. She rolled her eyes. Agad niya namang binuksan ang galing kay Ruther.

Ruther: Hey, you okay? How are you?

Unwanted Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon