Chapter 23: Ambush

561 18 2
                                    

A/N: Here's the update.. Happy 1.3K reads.. :)



-Nyx Khione's POV-

Ang sakit ng ulo ko.. Parang may mga maliit na martilyo ang pumupukpok sa loob nito. Masakit din ang buong katawan ko. Darn! Ano bang nangyari?

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko saka nilibot ng tingin ang paligid.

Nasa kwarto ako.. Hayy, mabuti naman. Akala ko nadukot ako tapos tinorture.

May nakita akong isang rose sa bedside table saka may note.

--

Thank you for last night, wife.

Love,

Rushmore ♥

NP: I'm in a business meeting. I'll be back soon. I love you. *kisses*

--

Yan ang nakalagay sa sulat. Wala sa sariling napangiti ako at kinuha ang rose saka sinamyo.

Teka.. Ano bang nangyari kagabi?

Bigla akong inatake ng kaba. Kahit sumasakit ang ulo ko ay pinilit kong alalahanin ang lahat na nangyari.

"Birthday ko kahapon. Nag-celebrate kami sa restaurant ni Rushmore. Tapos nagbigay sila sakin ng greetings and message tapos kainan, dessert, saka nag-inuman kami ni Rushmore. Hala! Kaya pala sumasakit ang ulo ko kasi nalasing ako kagabi." Pag-iisa-isa ko sa mga nangyari kagabi.

"Kaya siguro nagpapasalamat si Rushmore dahil sa date namin kagabi." Napapatangong saad ko sa sarili ko.

Kumilos ako ng bahagya para bumangon sana pero napatigil ako dahil may masakit. At dun ko lang narealize na ang damit ko kagabi ay nasa paanan ng kama.

"Oh no, anong ginagawa ng damit ko dun?" Kinakabahan kong tanong.

May nabubuo ng conclusion sa utak ko pero ayaw kong tanggapin. Dahan-dahan kong tiningnan ang katawan ko sa ilalim ng kumot para patunayan na mali ang hinala ko.

Agad kong nayakap ang kumot saka nasapo ang noo ko ng mapatunayan na tama pala ang hinala ko. Bakas ang blood stain sa bed sheet. The only proof na may nangyari sa amin ng asawa ko.

Darn! Wala na.. Wala na ang iniingatan kong puri.. Huhuhu.

Ayy teka, ano bang pinagdadrama ko? Kasal naman kami saka normal lang yun sa mag-asawa. At higit sa lahat asawa ko ang nakakuha nun, not just any other man. After all, we love each other.

Binalot ko ang katawan ko sa kumot at pinilit tumayo kahit masakit ang part na'yun. Nagtuloy ako sa shower.

Tanghali na, I have to check on the kids. Saka, baka magtataka sila Hades at Grandpa kung bakit tinanghali ako.

Pagkatapos kong magshower at magbihis. Inilagay ko ang bed sheet na may blood stain sa isang maleta saka lumabas ng kwarto.

Sakto naman na nakasalubong ko si Hades. Bumaba ang tingin niya sa dala kong maleta.

"What is the meaning of that?" Takang tanong niya sabay turo sa maleta na hila ko.

"Good Morning." I just greet him instead of answering his question. Bumaba na ako sa hagdan at nagtungo sa dining room.

Naabutan ko ang quadruplets na kumakain ng lunch. Tumigil sila ng makita ako.

"Good morning, Mama." Sabay sabay na bati nila.

"Good morning, Alexandra." Bati ko kay Cassandra saka hinalikan siya sa noo.

"Good morning, Cassandra." I greeted at Cassandra and kissed her forehead.

TGA: The Downfall of the Prodigious Experimenter AssassinWhere stories live. Discover now