first set- B-2, ring tone

6.5K 69 5
                                    

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Bake)

-Fist set

B2, Ring tone

COL's POV

_____

My name is Antonette Nicole Truffles D. Magalianes. "CoL" ang code name ko sa social network man o txt line. Ayaw ko kasi ng "ANT" para naman akong langgam nun. Ewan ko ba kung bakit 'yan ang binigay na pangalan sa'kin kahit pa ang ganda ko at kamukhain ko daw si Angel Locsin.

Gayon pa man, mayroon at mayroon pa ring tumatawag sa aking orihinal na palayaw.

Si Blake Octavious Orlando Kingson C. De Vega.

Ang kababata ko at malapit na kaibigan na rin. BOOK nga ang tawag ko sa kaniya lalo pa't bagay na bagay ang pangalan niya sa personalidad n'ya. Mahilig kasi si BOOK sa MANGA, 'yung japanese comics daw na baliktad kung basahin. Hindi ako nagbabasa nun pero nagkakasundo naman kami dahil ang kinahiligan ko ay ang Anime.

Nagtatalo lang kami ni BOOK kapag iniingganyo niya ako magbasa n'on. Nagkataong ayoko ngang magbasa dahil nahihilo ako sa mga libro. Siya naman ayaw niyang manuod ng Tv kasi daw may radiation. Sus, KJ LANG TALAGA!!!

At eto na nga siya after ten years nakarating din dito sa Jollibee.

Papabayaan ko nga siyang maghanap.

Nakita ko siyang kanina pa paikot-ikot nakakaawa na kaya tumayo na ako at nageskandalo.

Biro lang. Tinawag ko lang siya ng pagkalakas-lakas.

"BLAKE OCTAVIOUS ORLANDO KINGSON!!!" Pinagtinginan ako ng mga kumakain dahil napalakas ang sigaw ko.

Whaaaa!!!! pinagtitinginan ako!anu ba yan.

Nakita ko naman si BOOK na napatawa. Ang kyut niya palang tumawa kahiit mukha talaga siyang nerd. Cute talaga. Hindi ko mai-iwas ang tingin ko sa mukha niyang iyon.

Lumapit siya sakin tapos napaupo na lang ako at sinamual 'yung cheese burger ko.

Kasar ka talaga BOOK, napahiya ako.

"Natutuwa ako at nagpakita ka na sa'kin" sabi niya habang nakangisi. Kaasar.

Bakit ang pogi niya ngaon? Wew ayaw kong mapuling.. puling inlab wid BOOK.

Lagi siyang naka thick eyeglasses at nakadouble uper shirt sa tuwing makikita ko siya. Pero bakit ngayon ko lang napansin na pogi din naman pala itong si BOOK. Pero kahit na. Hindi ako dapat magpahalatang napansin ko na talaga ang kagwapuhan ng best friend ko.

"Heh. Tama lang na paghanapin kita tagal mo kayang dumating." Patampo kong sinabi na halos pagalit dahil sa ginawa niya pagpapahintay sa isang prinsesa.

Prinsesa ako ng pamilya ko at mahal na mahal nila. I'm not that spoiled pero pakiramdam ko, I'm gifted than any other female.

"Pero hindi mo pa rin ako natiis... ANT."

Ayos na sana ang usapang gwapo siya at prinsesa ako kaya lang nangasar pa.

E di ikaw na, pag ikaw naman talaga hindi ko magawang matiis ng limang minuto man lang. Haitz.

Gusto ko itong sabihin sa kanya pero hindi niya dapat malaman kaya nanahimik na lang ako.

"Tama na nga BOOK, napahiya na nga ako kanina e." Malungkot kong sabi sa kaniya. Alam naman niya na ayokong napapahiya ako sa nga tao pero kapag siya ang kasama ko lagi kong napapahiya ang sarili ko.

"Kaya mahal na mahal kita ANT e. I love you." Sabi niya sa akin tapos tumabi sa upuan ko at ginulo-gulo 'yung buhok ko.

Kaasar bakit ba pakiramdam ko namumula ako nung sabihin niya y'un?

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Where stories live. Discover now