twenty seventh set- we are the kins of the masters

333 5 0
                                    

Bago po ang lahat. Credits po sa Author ng Human Butterfly at Blue Haze Prince. Kanila po sina Shyian, William, Cress at Yoichi!!

Hehehe... Love ko talaga yang magpartner na yan tapos yung mga characters nila. Credits sa kanila. I don't own those characters hehehe

Blake's PoV

 

Nagising ako ng may narinig akong kalabog.

"Tumigil ka! HUwag mo syang kunin!" si Kyohei iyon. Alin naman kaya ang kukunin?

Agad akong napabalikwas ng may mga naka-armor at may mga hawak na sibat. Ice age?

"Anong nangyayari!" bago ko pa lingunin ang mga kasama ko, agad na akong pinalibutan ng mga gwardyang may armor at itinali.

Ano ba talagang nangyayari, bakit nila ako kinukuha. At bakit kahit kaunting aurah nila, hindi ko maramdaman?

"Bitawan nyo ang kapatid ko!!" bahagya akong lumingon dahil iyon lang ang kaya ko. At nakita kong mas maraming gwardiyang naka armor ang pumipigil sa paggalaw ng mga kasama ko. Pilit akong inaabot ng kanang kamay ni Risetsu pero mas malakas sa kanya, sa amin ang mga gwardyang naka armor.

"Mukhang hindi mo naiintindihan Uke. Sasama sa amin ang lalaking ito parapakasalan ang prinsesa."Sabi noong isang lalaki na na kulay pula ang armor.

"Tanga ka ba? Hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko kilala." sagot ko naman at agad na kumawala sa mga humahawak sa akin.

Nakatakas ako sa kanila at gumamit ng spell para hindi nila kami makita. Sa kasamaang palad, mahina ang spell ko sa lugar na ito. Hindi ko malaman kung bakit pero sa tingin ko dahil ito sa mas malakas at mas asensado sila sa amin pagdating sa labanan.

Inilabas ko ang aking espada. Oo may espada ako. Isa itong itim na piraso ng pakpak at lagi itong nasa aking bulsa. Nagtransform na ang espada pero hindi ko sinugod ang mga gwardyang naka armor. Ano ako? loko? e sa dami ng mga yan wala akong kakayanin ni isa.

Lumapit na lang ako sa mga kasamahan ko. Hindi pa ako masyadong nakikita noong mga kalaban kaya hinilapan ko sila ng braso at ng mabitawan nila ang mga kaibigan ko, itinulak ko agad sila sa bintana at pinatakbo.

Malapit ng mawala ang spell nakikita ko kasing nakatingin ng sa dereksyon ko yung lalaking may pulang armor kaya naman tumalon na rin ako sa bintana at nagtatakbo palayo. Nakita ko na sila matapos ang ilang sigundo kong pagtakbo. Lumiko silang lahat sa kanan kaya naman iyon din ang ginawa ko. Napunta ako sa isang lugar na napapalibutan ng mga dahong halaman na pinalilibutan ang isang puno. Malaking puno. Agad akong lumapit sa puno ng makita kong parang may gumagalaw doon.

"San ba kayo nagsususuot!"sigaw ko kahit na medyo malayo pa ako sa puno. Mainit masyado ang araw kaya naman nagmadali na akong sumilong sa ilalim ng puno.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang