Chapter 42

6.8K 247 20
                                    

[BELLE MARIE TOLENTINO]

"SEE YOU NEXT SEMESTER CLASSMATES~~~" nangibabaw ang malakas na sigaw ni Blake sa room sabayan pa ng maingay na pagpukpok ng lamesa ni Luis at Kurt. Hindi ko na sinaway last day naman na ng 1st sem e. Oo ang bilis natapos ng 1st sem parang kaka'start lang noong isang linggo tapos, tapos na.

"Hey! Hey! Wala munang aalis." sabi ni Silver kay Amiel na nagmamadaling lumabas ng room. Kaya bumalik siya sa loob at sumalampak sa upuan.

"Bakit anong meron?" takang tanong ni Aliyah. Kahit ako nagtataka. Ano na naman kayang plano nitong si Silver?

"Di'ba sembreak na? Three weeks halos tayong di magkikita kita. Tapos kababalik ko lang last week. So naisip ko na magbakasyon tayo sa Batangas. Sagot ko na lahat. Doon tayo sa may rest house namin. Okay ba sa inyo?" sabi ni Silver. Lahat naman ay nagkantyawan na. Mga baliw -,-

"Oo naman pare!! Libre lahat?! Kahit sa inyo na ako tumira okay lang." masayang sabi ni Kurt. As always! Hahaha!

"Masaya yun. Unli pagkain!!!!" gatong ni Blake.

"Okaaaaay~ plano na tayo guys!" masayang sabi naman ni Valerie.

"Hep hep! Saan punta mo? Kasama ka dito." sita sa akin ni Charlie.

"I know. Count me in. May kakausapin lang ako." nakangiting sabi ko kaya binitawan na din niya ako.

"Guys, may kakausapin lang ako. Kahit wag niyo na akong intayin." paalam ko.

"Hoy! Hoy! Belle ano? Wag mo sabihing di ka sasama. Lahat dapat sasama." sabi ni Lesley.

"Oo nga~" sabi ng iba.

"Sasama ako. Hindi ko naman matitiis na nagmumukmok ako sa bahay tapos kayong lahat nasa Batangas? That's unfair." I said kaya naman natuwa na sila at hinayaan na akong makalabas.

Naglakad na ako papuntang garden. I will talk to someone really important. Buti nga pumayag siya. Nang makarating ako doon agad ko siyang nakita na nakaupo sa isa sa mga bench doon.

"Oh? Belle. You're here na pala." and she smiled at me.

"I'm sorry Cleo did I made you wait for too long?" I said.

"Hindi okay lang. Wala pa rin namang text si Amiel kaya okay lang." sagot niya. A part of me broke when I heard her answer.

"Ah. Ganun ba? Nga pala. Bakit hindi ka pumasok? Sayang naman last day na e." sabi ko. Hindi siya pumasok kanina kaya hindi ko sigurado kung makakausap ko siya buti na lang nagtext siyang makakapunta naman daw siyang school ngayon.

"Ah. Galing kasi akong airport hinatid ko si Mommy." sagot niya.

"I see." sagot ko. Paano ko ba sisimulan ito?

"Ah. Belle, ano nga pala yung pag-uusapan natin?" tanong niya. This is it.

"Cleo. I'm inlove with Amiel." agad na nabura ang mga ngiti niya sa sinabi ko.

"You're kidding right?" she said ng maka'recover siya sa pagkagulat.

"No. I'm not. Alam kong ex ka niya and you're trying to prove yourself to him. Then I'll prove myself to him also." I said.

"Ha-ha-ha? Great so now you're threatning me huh?!" sabi niya sa tono ng medyo maldita.

"No I'm not. Sinasabi ko lang na ipaglalaban ko na si Amiel ngayon." sagot ko.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now