Chapter 71

6.6K 274 90
                                    

[KRISTOFER MONFORT WU]

Hindi ko alam kung bakit pumasok pa ako ngayon. Tss! Ayoko silang makita, ayokong makita silang magkasama. Ang sama ko ba? Hahaha! Wala eh, mahirap makita yung taong mahal mo na may kasama at masaya sa iba. Siguro matatanggap ko pero hindi pa ngayon.

Pumasok lang ako ng school pero hindi ako pumasok sa klase. Nandito ako sa rooftop... Tumalon kaya ako dito? Nahh, hindi ako suicidal type. Tss! Kung ano ano na naiisip ko, ganito ba talaga kapag sawi? Tngina! Kung alam ko lang edi sana...

Napabuntong hininga na lang ako. "Hindi rin naman ako nagsisisi na nakilala ko siya. Tngina! Ang weird ko." sabi ko at nilagok yung coke in can na dala ko.

Paano kapag nakita ko sila? Siya? Anong gagawin ko? Hindi ko naman sila pwedeng iwasan. Nangako ako sa iba na kahit anong maging desisyon ni Erliyah ay hindi ito makaka-apekto sa samahan namin. Sa maikling panahon na nakasama ko ulit sila, na buo kami, ayoko na rin namang iwanan sila katulad ng ginawa ko dati.

"K-Kris..." nanlaki ang mata ko sa tumawag sa akin. Hingal na hingal siya at parang inis na iiyak na hindi ko maintindihan.

"Bakit?" tanong ko.

"Bakit di ka pumasok? Bakit di mo sinasagot mga tawag namin?! Nag-aalala kami sa'yo!" bulyaw niya.

"Patay phone ko. Sorry." sagot ko. Tumayo na ako at balak ko na siyang iwanan dun.

Nang makalagpas ako sa kanya ay muli akong nagsalita. "Favor lang, pwedeng ikaw na ang umiwas sa akin?" pakiusap ko. Nadinig ko naman siyang napasinghap.

"Mas makakabuti kasi sa ating lahat kung iiwasan mo na lang ako katulad ng dati. Kunwari hindi tayo magkakilala..." sabi ko at bumuntong hininga ako. Ayoko sanang gawin to eh! Pero eto lang naiisip ko, respeto na rin kay Charlie.

"Sige aaminin ko hindi ko pa tanggap kaya wag mo munang ipamukha sa akin na hindi ako ang pinili mo." sabi ko.

Nilingon ko ulit siya. "Bakit ka ba nandito? Hindi ba't dapat na kay Charlie ka? Okay lang ako kung ayun ang tanong mo. Wag kang maguilty." at pilit akong ngumiti.

"Please don't make me regret my choice." bakas ang lungkot sa boses niya.

"I'm no--"

"Please don't make me regret choosing you over him." hindi ako nakapagsalita. Anong sinabi niya?

"A-Ano?"

"Kris... I chose you." sabi niya at pilit na ngumiti then she looked away

Ako ang pinili niya? Pero si Charlie ang pinuntahan niya. Nakita ko iyon, nandun sila sa SC Room kagabi, magkayakap pa sila. Anong sinasabi niya?

"P-Pero..."

"Pinuntahan kita kagabi sa garden, wala akong nadatnan kundi libro at bulaklak. Sobrang alalang alala ako sa'yo kagabi. Sinubukan kitang tawagan pero hindi mo sinasagot. Pupuntahan sana kita sa inyo kaso hinahanap na ako ni Tita kagabi. Nalaman ko kay Kraze na nakauwi ka naman ng maayos kaya okay na ako. Tapos ganito lang? Kris naman... Don't make me regret choosing you." at nagulat na lang ako ng umiyak siya.

Agad ko siyang niyakap. "I-I'm sorry. Erliyah, sorry. Sht! Hindi ko alam. Sorry." paulit ulit kong sabi.

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Hindi ko napigilang maiyak. Hindi ko kasi inaasahan na magiging ganito sa akin si Kristofer. Nasaktan ako sa mga sinabi niya.

Pinuntahan ko siya kagabi, nalate lang ako dahil nag-usap pa kami ni Charlie.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon