Chapter 21: Cry

62.6K 810 29
                                    

This chap is dedicated to her kasi po siya po ang mabait na gagawa ng twitter account ng maganda at mahaba ang hair nating bida na si Hell!!! Thank you po!!! Pa-pm na lang po ang account ni Hell. Thanks ulit ^___^

 

<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~<3~

 

 

A/N:

 

Nyahahaha XDD!!! Late ang UD -___- busy po kasi ako sa pagtatype ng ipa-publish ko na series eh. Matagal ko na kasing na-conceptualize at naisip iyon bago pa nga ito eh, hihi XDD!!!

 

Uy guys, may twitter na ko!!!! Haha xD!!! Pa-follow na lang po @KoiLineBriones and @hell_lagdameo. Gusto niyo rin po ng FB account ni Hell?? Looking for admin. PM me na lang po if interested kayo.

 

Daldaaaaallllll -___- here’s the UD!!! Enjoy reading!!!!

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

 

 

 

 

 

 

CHAPTER 21: CRY

 

 

 

 

 

 

HELAISHA’S POV

 

 

Time check: 2:30 am

 

Hindi ko maintindihan kung bakit pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako madalaw-dalaw ng antok. Mula noong bumalik kami ni Master Heaven dito sa resort----wag niyo na lang tanungin kung anong nangyari kasi OA lang ang peg ng barkada =___=-----pinilit kong ngumiti sa harap nila. Pinilit kong hindi ipakita na ni katiting hindi ako nasasaktan sa nangyari.

Sabihin niyo nang impokrita ako pero tama na yung istorbo at pag-aalala na idinulot ko sa kanila. Ayoko nang mag-alala pa lalo sa akin ang lahat. Isa pa,nandito kami sa Palawan para magbakasyon at magpakasaya. Feeling ko tuloy naiispoil ko yung kasiyahan ng lahat TT^TT

Kaya naman todo pagpapanggap ako na masaya, na walang problema, na ni katiting hindi naaapektuhan sa mga nangyari kahit sa loob-loob ko, durog na durog na ang puso ko. Kahit na sa loob-loob ko, ang gusto ko lang ay ang umiyak nang walang humpay.

Pero tinatatagan ko ang sarili ko na h’wag. Ang buong barkada, sina Master XJ, Jiro, Kuya Calvin, Ate Serene, Eli, Angela, Yrves, Senpai Chronos, Senpai Evan, Senpai Rascal, Senpai Sage, Senpai Keita lalong-lalo na si Master Heaven ang mga taong natitirang dahilan kung bakit hindi ako tuluyang sumusuko. Kailangan kong maging matapang kahit alang-alang na lang sa kanila.

Moving IN with the GANGSTERS [COMPLETED]Where stories live. Discover now