Chapter 60: He Loved her FIRST

41.5K 573 24
                                    

A/N:

Updated since may mga nagbibigay ng spoilers, mukhang alam niyo na naman, papatagalin ko pa ba (Maldita mode ON!!) Chos XD!! 1 chap to go and epilogue, matatapos na ang MIWTG T^T...waaaa!!naiiyak ako!!!! Chos XD!!! Meron pa namang sequel and special chaps. Pero sa author’s note ko na sasabihin yung ibang details tungkol doon. Sa ngayon, kilalanin na muna natin ang unang lalaking nagmahal kay Hell. Sino kaya ang creature na itey?

Here’s the UD!!! Enjoy reading!!

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

 

 

 

 

CHAPTER 60: HE LOVED HER FIRST

 

 

 

 

THIRD PERSON’S POV

Bagaman maaliwalas ang paligid ay napupuno ng kalungkutan ang lugar na iyon. Tanging mga hikbi na sanhi ng pagdadalamhati ang maririnig. Habang binabasbasan ng pari ang kabaong ng yumao na unti-unti nang ibinababa sa lupa ay nagtatapon naman ng puting rosas ang mga minamahal nito na pawang mga nakaitim

Matapos tuluyang mabasbasan ng pari ay tuluyan nang inilibing sa lupa ang kabaong. Mas lalong napuno ng iyakan ang lugar. Sa isang tabi ay pilit na inaalo ng iosang lalaki ang babaing minamahal na patuloy sa paghagulgol. Hindi inakala ng mga ito na saglit na nga lamang nilang nakasama ang yumao ay ganun na din lamang nila kadaling makakasama ito at babawiin sa kanila ng Maykapal. Matapos tuluyang mailibing ay nanalangin na ang mga ito.

“Salamat...salamat sa lahat ng mga ginawa mo, salamat at kahit sandali ay nagawa naming makasama ka. Sana maging masaya ka na kung nasaan ka man. Hinding-hindi ka namin makakalimutan.”

Samantala, sa may di-kalayuan sa libing na iyon ay piniling lumayo ng isang naka-itim na binata. Base sa ekspresyon nito ay malalim ang iniisip nito. Nananatiling nasa malayo ang tingin nito nang biglang may isang kamay ang banayad na gumagap sa kamay nito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“MineKo, ba’t ang lungkot mo? Hindi naman ako namatay huh?”

Moving IN with the GANGSTERS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon