Chapter five: Kurt

12.9K 422 7
                                    

Chapter 5: Please vote and comment^___^v.

Thank God walang pasok!

Hindi padin ako makapaniwalang nasurvive ko ang unang week ko sa Class 3F.

Kahapon, dinala ako ng buong classroom sa Hide out nila sa taas ng Gymnassium, sa isang bakanteng malawak na room. Amazing nga eh! Completo sila ng gamit! My refrigerator pa sila taz aircon. Haha

Meron din musical instruments, favorite ko yung piano kaya hayun, pinatugtog nila ako ng isang oras. Malinis din. At my comfortable na sofa! And, syempre, isang malawak na kama para sa mga inaantok. Malinis din ang bathroom! At sa may veranda naman, may garden! Karamihan is cactus and mga orchids. Grabe so peaceful.

Hindi mo aakalain na yung mga nagmumukang adik at mga basagulero eh may ganitong klase na environment sila. And I feel so proud of them!

"Ikaw lang ang babaeng nakaapak dito" naalala kong sinabi ni Nathaniel.

Bawal din daw ang ibang studyante, solid mga class 3F lang. Weeeeeh!^^* and I am free to go there anytime!

Siguro nga masusurvive ko din ang mga darating pa na mga days.

Napatigil ako sa paglalakad sa mall nung makita ko si Kurt na may kasamang babae, hindi niya yun mama kasi hindi naman mataba yung babae, hmmm, judgemental.

Hindi ko napigilan ang mga paa ko na sundan sila hanggang sa pumasok sila sa isang petshop. Sakto! Baka meron silang dog laces. I need one for my non stop growing Leejoon. So I went inside.

"Hi Kurt!" Wave ko sa kanya

Parang nagulat pa si Kurt nung nakita niya ako. Pero hindi siya sumagot.

"May dog lace ba dito?"

Tumingin lang siya sa akin. Tapos nilapitan ako nung babaeng kasama niya kanina.

"Anak, ano ang hanap mo?"

"Ah, hello po, dog lace po sana mommy"

Nagulat siya sa pagtawag ko ng mommy sa kanya.

"Uhm, siya ba ang mama mo?", I asked and he nodded then I realized something, "Wow Kurt! Sa inyo ang shop na to!?" I asked him but he didn't answer. At parang nahihiya pa siya.

Ngumiti si mama niya, "ala eh oo, amin itong shop. Naku naman, ako ay masayang masaya! Dahil ba eh etong anak ko eh meron na ang kaibigang babae ang anak ko eh"

"Ma, hindi lang naman siya ang kaibigan kong babae, hindi ko lang talaga kasi sila pinapakilala sa inyo."
Sabi ni Kurt na nasa counter na.

Weh, liar.

Mukang naintindihan naman niya yung tingin ko sa kanya kaya umiwas siya ng tingin.

"Eh dito hija, dito yung mga laces. Ano ba ang aso mo hija?"

"Golden retriever, at talagang malaki na po kasi kaya kailangan ko ng mas matibay na lace"

"Ay ganoon ba," tapos may pumasok na naghahanap ng pusa para sa kasama nilang anak and they are rude! Like, sinisigawan talaga nila yung mom ni Kurt!

Napansin ko din na gustong sumabat si Kurt pero pinigilan siya ng mom niya. Then sunod sunod na yung mga pumasok! Since busy ang mom ni Kurt, at hindi niya maasikaso lahat ng guests, I need to move.

"Kurt, can I help?"

"Hindi na" ni hindi siya tumingin sa akin.

"Sige na! Akala ko ba tropa ang Class 3F? Di ibig sabihin magtulungan din tayo" hindi ko na hinitay ang sagot niya, pinuntahan ko na yung ibang guests at inintertain ko sila.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now