Chapter 5 : Great White Witch

2.6K 101 1
                                    

Isang burol ang nakita namin paglabas ng kakahuyan. Tanaw ang buong kagubatan sa baba nito at nakakalula ang taas. Isang malaking bato na malapad ang nasa dulo nito, kasya ang isang tao kapag humiga rito sa sobrang laki.

"Hindi ako makapaniwala. Totoo ngang may burol dito, akala ko nag iimbento lang si Tandang Simon sa sinabi niya na may burol dito" mahabang litanya ni Seraphine habang manghang mangha sa nakikita.

Kanina lang ay tahimik siya pero ngayon napakaligalig niya naman. Ang moody niya masyado!

Pinagmasdan ko ang lawak nitong burol, napansin ko ang isang malaking butas sa gilid ng nilabasan namin. Mukha itong kweba dahil sa hugis nito.

"Papasok ba talaga tayo, dyan? Paano kung dyan pala nagpupulong yung mga Evil Witches na nakatira dito?  Edi patay tayo!" pagrereklamo niya. Kung hindi ko lang siya kilala pinaghinalaan ko na siya, mas babae pa siyang kumilos kaysa sakin.

Sinamaan ko siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagpasok sa kweba. Sumunod siya sa akin at rinig ko ang pag bulong bulong niya sa likod ko. Hindi ko ito pinansin at nagsindi ng apoy gamit ang kahoy na dala niya, medyo dumidilim na sa parte ng dinaraanan namin.

Itinapat ko ang ilaw sa daraanan namin at isang hagdan pababa ang nakita ko. Mukhang Isang sikretong lagusan.

"Mauna ka, Sa likod ako"

Pinauna ko siya at wala na siyang nagawa ng pababa na kami. Witch Hunter ako pero takot ako sa dilim, epic diba?

Ilang hakbang ang ginawa namin bago makarating sa pinakababa nito, isang malaking double door ang bumuluga sa amin.

"Tatlong babae na lang at handa na ang orasyon, magiging Immortal na ang lahat ng Evil Witches. Hindi na tayo mapapatay ng apoy o anumang bagay sa mundong ito. "

Ilang pagtawa ang narinig ko sa loob ng double door sa harap namin matapos kong marinig ang sinabi ng isa sa mga to.

Sinenyasan ko si Seraphine na tumahimik ng makita ko na magsasalita siya. Pinakinggan ko ang usapan nila.

"Kelan ang susunod na pag-atake? Kailangan nating mag iba ng destinasyon dahil marami ng Hunters ngayon at nangunguna ang anak ng isang Great White Witch"

Sino naman kayang Hunter ang tinutukoy nila?

"Ang anak ni Celestine? Buhay siya? Hindi ba pinatay na ni Estrella ang nag ampon dito, bakit niya hinayaang mabuhay ang batang iyon?" sabi ng isa na may katandaan na ang boses.

Naramdaman ko ang paghawak ni Seraphine sa kamay ko, doon ko lang namalayan na nanginginig na ako sa galit. Pangalan pa lang ni Estrella ang naririnig ko pero napupuno na agad ang puso ko ng sobrang galit sa kanya. Napapikit ako at kinalma ang sarili ko.

"Sa susunod na araw, maghanda kayo at lulusob tayo sa Bayan ng Herkules"

Narinig ko ang pagtayo nila at ang paghakbang palabas. Shit! There's no way that I would let them enter that place.

"We need to go" bulong ko kay Seraphine at nagmadali kaming bumalik sa taas. Narinig ko ang mga Evil Witches na papalapit ng makalabas kami. Pinatay ko ang apoy na dala ko at hinila si Seraphine pabalik sa kakahuyan.

Nagtago kami sa isang malaking puno , hindi ko napansin ang masyadong malapit na katawan ni Seraphine, nakayakap siya sa akin at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa nakalapat na kamay ko sa dibdib niya.

"Wala na sila" sabi niya at tinanggal ang pagkakayakap sakin. Pinagpag ko ang aking suot dahil sa mga dahong nalaglag dito.

Naramdaman ko muli ang pag lapit sakin ni Seraphine at ang kamay niya na may kinuha sa ulo ko. I feel uneasy.

"May dahon ka pa sa ulo" natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin at naglakad palayo.

"Pupunta ba tayo sa bayan ng Hercules?" tanong niya habang sinasabayan ang paglalakad ko.

Tumango lang ako.

Ang anak ni Celestine? Buhay pa? Hindi ba pinatay na ni Estrella ang napampon dito? Bakit niya ba hinayaang mabuhay pa ang batang iyon?

Naalala ko ang sinabi kanina ng isang Evil Witch. May anak pala ang namatay na Great White Witch na si Celestine. Sa pagkakaalam ko siya ang tagapagtanggol noon sa bayan ng Arkandi. Sino kaya ang anak niya? Siguro katulad ko rin siyang piniling maging Hunter para mapatay si Estrella.

"Isantabi muna natin ang paghahanap kay Estrella, may isang bayan na kailangan ang tulong natin" pahayag ko kay Seraphine.

"Handa kana bang makita si Leon Edgewood?" tanong niya.

Leon Edgewood? Ang Witch Hunter ng bayang Hercules. Ang lalaking minahal ko noon dalawang taon ang nakakalipas.

  I think I'm ready to face him and the reality beyond everything.

Ezra "The Witch Hunter"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon