Chapter 17: Without You

1.9K 71 1
                                    

Mabilis kong napatumba ang pangalawang Evil Witch na nakita ko, pinatama ko sa leeg niya ang kutsilyong hawak ko kanina. Mas mabilis ko sigurong matatalo ang isa pa kung wala akong pino-protektahang mga babae sa likod ko.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga dahil sa binato sa aking upuan ng Evil Witch na kalaban ko ngayon. Hindi niya ko kayang gamitan ng black magic kaya kung ano-ano ang hinahagis niyang bagay sa direksyon ko. Sunod-sunod ang pagbato ko sa kanya ng kutsilyo kanina kaya naubusan ako nito agad. Bakit ba hindi ko dala ang binigay ni Amelia saking Bow and Arrow.?

Nakita ko ang pag ngisi ng Evil Witch na nakatayo ilang kilometro ang layo sa akin. Masyadong malaki ang lugar na ito kaya madali siyang nakakagalaw gamit ang wand niya.

"Ezra.. Gamitin mo to. "

Napalingon ako sa likod ko at nakita ang babaeng may maputing balat at mahaba ang buhok. Mukha siyang mas bata sa akin. Hawak niya ang isang kahoy na may matulis na dulo, hinagis niya ito papunta sa akin at bumalik sa isang silid malapit sa kinatatayuan niya. Binalik ko ang tuon ko sa Evil Witch na mukhang nanghihina na rin dahil sa pagtama ko ng kutsilyo sa balikat niya, kanina pa umaagos ang dugo mula roon.

Inabangan ko ang pagkilos niya, nilibot niya ang paningin niya at wala na siyang makikitang ihahagis sa akin kaya mabilis akong kumilos papunta sa pwesto niya hawak ang kahoy. Hindi siya nakagalaw agad kaya hindi ako nahirapang itusok sa katawan niya ang kahoy na hawak ko. Pinagmasdan ko ang pagbagsak niya sa sahig at ang pag agos ng dugo. Ginamit ko ang isa sa mga nakasinding nakalutang na candelabra na nakadikit sa dingding at hinagis ito sa katawan ng Evil Witch. Lumayo ako nang makita kong naging abo na ito.

Nagulat ako ng makitang tumakbo ang isang babae sa direksyon ko, niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ako makahinga. "Bitawan mo na ako" walang emosyong utos ko sa kanya. Bumitaw siya kaagad at nakita ko ang ngiti sa mukha niya. "Salamat, Ezra." sabay sabay na sabi ng mga babaeng nasa likod ng yumakap sa akin. Tiningnan ko lang sila. Naalala ko ang sinabi ni Leon "Sarili mo lang iniisip mo, Ezra." Nanikip ang dibdib ko. Kaya ba niya nasabi yun ay dahil mas pinili niya ako kaysa sa kapatid niya pero hindi ko siya nagawang tanggapin?

Inayos ko ang sarili ko bago magsalita sa mga babaeng pinagmamasdan ako ngayon pero hindi ko pa nabubuka ang aking bibig ng mag iba ang direksyon ng mga mata nila, nakatingin na sila sa likuran ko ngayon. Lumingon ako at nakita si Leon. Magulo ang buhok niya at namamaga ang mata niya. Napatingin ako sa balikat niya, dumudugo ito at puno ng galos ang katawan niya. Sinaktan siya ni Estrella?

"Ez..ra! Anong ginagawa mo rito?" bungad na tanong niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya sinagot. Nilapitan ko siya at tinastas ang damit niya gamit ang kamay ko. Ipinulupot ko sa balikat niya na dumudugo ang tinastas kong tela mula sa damit niya. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin pero hindi ko ito pinansin.

"Umalis na tayo rito." tugon ko sa mga babaeng pinagmamasdan lang kaming dalawa ni Leon.

Mabilis silang lumapit sa amin. Inalalayan ko si Leon sa paglalakad, hindi na siya nagsalita ng hawakan ko ang braso niya habang naglalakad.

Tahimik kaming umalis sa lugar na iyon. Nagpasalamat ako at wala mga Evil Witches kaming nakita habang binabaybay ang palabas ng Archimedes Forest.

---

Limang araw na ang nakakalipas mula ng mailigtas namin ang mga babaeng naging bihag ng mga Evil Witches. Limang araw na rin na walang kaguluhang nangyayari sa bayan ng Arkandi at sa mga ibang bayan sa lugar namin. Ni wala ng bakas ni Estrella na makikita sa lugar namin at yun ang pinagtataka ko. Anong nangyari sa paglalaban nila ni Leon?

Hapon na ngayon at magtatakip silim na, nandito ako sa bayan ng Hercules , sa bahay ni Tandang Simon. Katatapos lang namin kumain at maagang nahimbing sa pagtulog si Tandang Simon sa kwarto niya. Si Seraphine naman ay nasa bayan ng Arkandi kasama si Amelia.

Nakaupo ako sa isang silyang gawa sa kahoy sa tabi ng bintana. Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga ibong lumilipad sa bakuran ni Tandang Simon. Maingay ang mga huni nito ngunit masarap pakinggan dahil mapayapa ang tono nito. Hindi katulad ng pakiramdam ko ngayon, para bang may mali sa lahat ng nangyayari ngayon na huwag naman sana. May bumabagabag sa isip ko lalo na sa nangyari at napag usapan namin ni Leon noong araw na makalabas kami ni Leon.

Pinuntahan ko siya sa silid niya ng malaman kong tapos na siyang gamutin. Gusto kong malaman kung maayos na ang kalagayan niya. Nang makapasok ako sa kanyang silid, mahimbing siyang natutulog. Umupo lamang ako roon sa kama niya at ilang minutong pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Wala ng galos ang mukha niya at may benda na ang balikat niya. Tumayo na ako sa kama niya ngunit naramdaman ko ang mainit niyang kamay na nakahawak sa kanang kamay ko. Hinila niya ako para mapaupo muli, bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin.

"Dito ka lang, Ezra. Wag mo kong iwan." ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Hinayaan ko lang hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero naging kumportable sa hawak niya. "Tabihan mo ko, please! " Wala sa sarili akong humiga sa tabi niya. Naramdaman ko lang ang pagpulupot ng mga braso niya sa katawan ko at pagsiksik ng ulo niya sa leeg ko. Ganun lamang ang naging posisyon namin ng ilang oras. Walang nagsasalita, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid pero napaka komportable sa pakiramdam na kasama ko siya.

"Mahal kita, Ezra. Gagawin ko ang lahat para sa iyo kahit na ako na ang kapalit. Sana balang araw, matanggap mo na ako. All of these are nothing without you. But if being without you is the only choice i have to make you happy, I'm willing to sacrifice myself."

Mahal din kita, Leon. Kung alam mo lang. You are my only Happiness.

.......

"Leon....."

"Totoo ba?"

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Gusto kong malaman kung totoo ba ang mga narinig ko.

Ayokong maniwala.

Hindi naman totoo yun, diba?

Hindi naman totoong kadugo n'ya si Estrella, diba?

"Kapatid ko siya, Ezra."

Unti-unting napalitan ng pagkamuhi ang pagmamahal ko sa kanya.

Bakit niya nilihim?

Bakit kailangan ko pang malaman sa iba?

---

"Aalis ako, Leon.. Hindi ko kayang makasama ka sa iisang lugar."

"Wag mo namang gawin to, Ezra. Akala ko ba mahal mo ako? Bakit hindi mo kayang tanggapin ang pagkatao ko?"

"Intindihin mo na lang ako, Leon. Mahirap para sa akin ang makasama ang kapatid ng taong pumatay sa mga magulang ko."

"Magkaiba kami... Hindi ako siya, Ezra. Please.. Wag mo kong iwan."

"I'm sorry. Hindi mo na ako mapipigilan."

Ezra "The Witch Hunter"Where stories live. Discover now