CHAPTER 35

61.4K 1.2K 24
                                    

CHAPTER 35

HANNAH

Kasalukuyan akong nakatambay sa gazebo upang sumimoy ng malamig na hangin. Lumubog na ang araw at tapos na rin ang hapunan kaya't naisipan ko na magmuni-muni muna rito. Kasabay namin na mag-dinner si Papa at Apollo dahil dumating ang dalawang tauhan na tinawag ni Papa para pumalit sa kanila sa piggery. Panlimang araw na ni Apollo ngayon sa hacienda at ang madalas niyang ginawa ay ang pag-aalaga ng mga kulig at pagpaligo ng mga kabayo sa kwadra. Isang araw nalang ay babalik na ito sa Luzon.

"Aren't you cold?" Kahit hindi ako lumingon ay kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"No. I'm fine."

"A penny for your thoughts?"

"A penny? Sign a cheque." I chuckled.

He laughed. "Easy."

Hinarap ko ito at sumandal sa balustre ng gazebo. "May tanong ako, Apollo."

"I'm ready."

"Kailan mo naramdaman na gusto mo ko?" Diretso kong tanong sa kanya. "Kasi kung nararamdaman mo lang ay awa, kung maaari lang ay itigil mo na 'to. Hindi mo naman kailangan mahirapan."

"Kailan? Hindi ko alam." He sighed. "I don't even know if this is love or simple affection—"

"You aren't sure and you're doing this."

"Let me finish." Saway nito. "I don't know if this is simple affection, love, or greater than that. Hindi ko makumpara ang nararamdaman ko towards you and Tallia. This is different."

"Paanong naging iba?"

"The day I met you, I had no idea how it would turn out. Everything about you makes me feel the most comfortable I've ever been. Not just your presence but your actions, your words... the way you make me feel. The way you inspire others, the way you treat those people around you, the way you laugh, it's amazing. You have a talent to transform anything into something more beautiful than the moment it was created."

"Thank you, Apollo. Thank you for making me feel better."

"I'm not pressuring you fall in love with me right now, Hannah. I understand the circumstances you're having right now. I respect that. Narito ako para ibalik ang tiwala mo sa akin. I want to assure that this time will be different. I'm serious when I say I can't lose you again."

"I have a request, Apollo. Will you hear it?" Tumango ito. Nagbuntong-hininga ako bago magsalita. "After a week of staying here, will you leave without me?"

Bumaba ang tingin nito at may bahid iyon ng kalungkutan. "If that's what you really want."

"Thank you."

"When can I see you again?"

"When I'm ready."

Tumango ito. "I will wait for that day to come."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Apollo ay umalis na ako sa gazebo at iniwan ito. Sa mga natitirang araw nito sa hacienda ay tanging si Papa lang ang madalas niyang kasama. Nagkikita lang kami kapang umagahan at hapunan na ngunit hindi ko ito kinakausap masyado. Hindi sa galit ako or iniiwasan ko siya, kundi dahil gusto kong ipahinga ang puso kong pagod na.

"Anak, bakit hindi ka pa nakabihis? Hindi ka ba sasama sa paghatid kay Apollo mamaya?" Tanong ni Mama habang binababa ang pagkain sa mesa.

Sumulyap ako kay Apollo at nag-iwas ng tingin nang mapansin na nakatingin rin pala ito sa gawin ko. I bit my lower lip. "Hindi na, 'ma."

Nagkatinginan si Mama at Papa. Tila may ideya si Papa sa kung ano ang napag-usapan namin ni Apollo sa gazebo. Marahil ay binanggit iyon ni Apollo kay Papa n'ung magkasama sila. Pagkatapos ng almusal ay umakyat na ako agad sa aking kuwarto at itinuloy ang pag-aaral ng expenses ng hacienda.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora