Chapter 3 - Basketball Game

6.5K 84 10
                                    

Chapter 3 

"Sorry Sis, kung hindi kita masamahan ngayon sa basketball game. May tatapusin pa ako. Pasensya na talaga." Kim. 

I sighed. "Ok lang naman yun, naiintindihan naman kita. Nandyan naman si Jake, magpapasama na lang siguro ako sakanya." she show me a sorry look then umalis na siya.

Nilabas ko yung mga gamit para sa paggawa ng banner ni Drake. Kahit sa Poly University ako, syempre susuportahan ko ang boyfriend ko, kahit pa husgahan ako ng tao.

Drawing doon, drawing dito, color dito, color doon, design dito, design dyan. 

After 100 years, joke lang. Mga 30 minutes siguro. Chanan! Done na! ^____^

"ELLA! HINDI KA PA BA TAPOS?! KANINA PA AKO SA LABAS!" oh my! si Jake. Nakalimutan ko atang papasukin dito sa loob. Kaya ni-roll ko muna yung banner tas lumabas na. 

"Eto na! Wag ka ng sumigaw! Di naman ako bingi no!" 

"Tagal mo kasi eh, ano bang ginawa mo sa loob?" sumilip pa siya sa pinto, ayoko talagang sabihin, kaya hinarangan ko yung pinto dahil nandun pa rin yung mga nagkalat na mga crayons at etc.

Isip ng palusot Ella! Hoy utak makisama ka! "Ahmmm, ganito kasi  yun... nagbihis ako! Tama! Tama! Natapunan kasi ako... nung nerd na yun! Si Nicolas!" tas dinuro-duro ko pa siya, at sinabi kong makisakay ka na lang. Kaya um-oo na lang siya.

"Kaya naman pala, ang tagal mo. Mag-iistart na daw yung basketball game. Tara na?" sabay kaming naglakad. Mukhang may nakalimutan ata ako? Ah! Nakalimutan kong mag-retouch!

"Jake? Pwedeng pahiram ng 5 minutes? Tumatawag ata si kalikasan eh." tumango lang siya. Tapos tumakbo na agad ako sa CR. Harap sa salamin. Pulbos! Konting make-up! Suklay then violaaa! Tapos na! 

"Tapos ka na?" bigla akong napaatras ng marinig ko si Jake. Nandyan lang naman siya malapit sa cr ng girls, tapos nakasandal pa. "Wohh! Nakakagulat ka Jake! Malamang, lalabas ba ako kung hindi pa?" 

Naglakad na siya, kaya sinundan ko na lang. Pagdating sa gymnasium, marami na agad ang taong nag-aabang ng game. Yung sa kabilang bleachers, yung mga naka-blue yun yung mga supporters ng St. Agnes College tapos yung mga naka-red ay supporters ng school namin, which is Poly University. 

Buti na lang naka- P.E kaming pareho ni Jake, baka kasi kung sakali na naka-red ako tapos ipagsisigawan ko ang pangalan ni Drake, baka sabihin nila na traydor ako sa school namin.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Drake, nasaan na kaya yun? Inikot ko talaga yung buong gymnasium para makita lang siya, nakita ko siya sa gilid na naka-upo at mukhang naghahanda para sa game kaya nilapitan ko siya. "Bee!" niyakap ko siya. 

"Akala ko talaga hindi ka na sisipot Boo eh, pag di ka sumipot, mawawalan talga ako ng gana maglaro." 

"Matiis ba kita? Supportive Girlfriend kaya ito!" sabi ko sakanya. 

"Drake! All members ng Basketball team of St. Agnes come here!" sigaw ng couch. Kaya nagpaalam na si Drake saakin. "Boo, goodluck kiss man lang?" tapos ngumuso siya.

"DRAKE!"

"Ehh! Dali na dun! Baka mapagalitan ka!" tinulak-tulak ko siya pero ayaw pa rin. "Pa-kiss muna kasi!" 

"Ehh! Maraming tao!" patingin-tingin pa ako sa crowd. "Hmp! Sige na nga!" lumapit ako sakanya, at hinalikan siya. Yung smack lang. 

Nung mag-iistart na yung game, pumunta na ako sa bleachers at naupo sa tabi ni Jake.

Bago mag-istart, nag cheerleading pa yung mga babae sa mga susuportahan nilang team.

***** 

Habang naglalaro sila, minsan di ko maiwasan na maalala yung mga memories namin sa Stiletto High, yung contract girlfriend niya pa lang ako, yung nag-cheer pa ako sakanya ng Go Honey! 

MCG 2 : One More Chance [KathNiel] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon