Chapter 29 - Seperate from one another

3.9K 52 13
                                    

Pagpasensyahan nyo ako kung napakatagalllll ng update. May buhay rin po ako outside the wattpad world. Sana maintindihan nyo. Thanks hips! :) 

Chapter 29

Ella's POV 

Binaba ko yung cellphone ko. Sino naman kaya yung tumawag na yun at di man lang nagsalita? Bakit pakiramdam ko kilala ko yung tumawag? 

"Sino yung tumawag?" tanong saakin ni Jace ng lumapit siya saakin. 

"Di ko alam eh. Pipi siguro. Pinagtitripan ata ako." sagot ko sakanya. 

'Ahh." sang-ayong sagot niya. Hinawakan niya yung kamay ko. "Samahan mo nga ako sa restaurant, tulungan mo ko. Ibebreak ko yung girlfriend ko ngayon." ngek?! Madami na yun ah? Mga 6 na siguro yung na break namin ilang araw ang nakaraan. Uber naman sa pagkaplayboy tong si Jace. Sayang naman yung beauty ko! 

Yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay hinila ko para matumba siya. "Aray naman Sofia!" 

Sofia? Di naman yung yung pangalan ko! "Anong Sofia ka diyan? Ella kaya! Tumigil ka nga!" 

Pinagpag niya yung damit niya. "When I discovered your real name, I just want to call you Sofia because It looks cute." 

Agad naman ako umiwas ng tingin dahil namumula ako. "Che! Wag mo nga akong tawagin nun! Ella pangalan ko okay? E-L-L-A!" pagkasabi ko nun ay pinalo ko siya ng malakas sabay tulak. 

"Masyado ka namang defensive. I just want you to call you that. Kasi ang cute." 

"Whatever Jace Alcantara. O siya, hintayin mo na lang ako sa sala. at magbibihis na rin ako. May bayad to Jace ah! Patay ka saakin!" 

Tumakbo siya at hinabol ako. Kaya ang ginawa namin? Naghabulan. Para nga kaming tanga kasi para kaming bata, tawa kami ng tawa. Ang saya kasi, parang namiss ko yung childhood ko. "AHH!" napatumba ako ng hilahin nya yung beywang ko kaya napabagsak kami pareho sa carpet. "HAHAHA!" sabay kaming tumawa pagkatapos nun. "Hoy Jace! Haha! Tama na kasi! Haha! Ayoko na! Haha!" lechugas na Jace to! Kilitin ba naman ako! "Tama na Jace! Haha! Ayoko na nakikiliti na ako! Haha!" tawa pa rin ako ng tawa. 

"Ano? Manghihingi ka pa ng bayad?"

"Hahah! H-hindi na. Haha!" nakahinga ako ng maluwag ng tumigil na siya sa kakakiliti saakin. 

"Please be fast. Hihintayin na lang kita sa sala." tumango lang ako sakanya---- dumiretso agad ako sa kwarto. Habang naghahanap ako ng masusuot ay may nahagilap ako. -- Ito yung dress na binili saakin ni Drake para sa party. 

Agad akong umiwas ng tingin at tinapon yung damit na yun sa basurahan. Ilang weeks na ang nakakalipas, simula nung nangyari yun. Kapag nakakakita ako ng bagay na related sakanya. Naalala ko siya kasama si Stella sa kama. 

"SOFIAAAAA!!!" 

"OPO BOSS! WAIT LANG!" agad akong nagsuot ng kung ano madampot ko. Nag skater skirt ako at white blouse tapos white sandals para bagay. 

Inayos ko yung sarili ko sa salamin bago lumabas. Paglabas ko, natigil ako dahil natulala ako sa ayos niya. Yung ayos niya, parehong-pareho kay Buenavista.

"Oh? Why do you stare like that? Masyado na ba akong gwapo? I know that." 

Naka black leather jacket rin siya.. Yung pang badboy look. Same as Drake.

"Let's go?" inilahad niya yung kamay niya saakin. 

"Sure." tinanggap ko naman yun ng buong-buo. 

-ON THE WAY-

Seryoso? Anong nationality kaya girlfriend niya? Dati yung japanese, may chinese rin, tapos british! Ayy! Grabe! Nosebleed ako nung oras na yun. T__T 

MCG 2 : One More Chance [KathNiel] (COMPLETED)Where stories live. Discover now