Chapter 12 - Kiss Me, Gavin...

6.8K 154 3
                                    


Ilang sandali na ang nakalipas, nanatiling nasa loob pa rin ako ng aking kotse. Nakakatawang isipin na ganito yung eksaktong eksena nung araw na pinuntahan ko siya sa opisina niya para sa isang proposal na nagdulot sa akin ngayon ng sobrang pagkalito. Ang bigat sa pakiramdam.

Huminga muna ako ng malalim bago tiningnan yung relo ko.

Mag-aalas nueve na pala ng umaga. Siguro naman andun na siya sa opisina niya.

I gathered my strength first bago bumaba ng kotse. Hindi pa nga ako nakapasok ng kanyang gusali parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

But like I've said, it was my choice to put my heart at risk. Tiredly, I stepped outside from my car.

I wore a black crew-neck bodycon dress with black stiletto heels. Actually, it wasn't my idea, it was Zaza's choice. Kung ako lang ang papipiliin mas gugustuhin kong jeans at shirt lang yung isusuot ko. Nagkataon kasing dumaan si Zaza sa unit ko kanina bago pumunta sa coffee shop nito.

Papalapit na sana ako sa may entrance ng Berrones Winery Corporation nang biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Sophie..." Nakilala ko agad kung sino yung may-ari ng boses at nilingon yung kinaroroonan nito. It was my cousin.

"Chad, what are you doing here?" kunot-noo kong tanong nito.

"Couz, let me remind you, okay? First, kaibigan ko yung CEO ng kompanyang to. Second, pag-aari ko yung tatlong sikat na bar sa bayang ito. And lastly, isa rin akong Campoverde, remember? Sino bang negosyante ang tatanggi sa mga Campoverde?" pagmamayabang nito.

"Fine..." walang emosyon kong sagot.

"Wait, ano naman yung ginagawa mo dito? Don't tell me, namiss mo na siya agad? Ikaw talaga, Couz, napaka-atat mo. Why don't you wait for him after his work or any appointments?" nakangisi nitong tugon.

I gave him a death glare. "Wala ka ng pakialam dun. Hmmpp... Maiwan na nga kita dito." Inirapan ko ito at walang atubiling tinalikuran. I headed straight to the entrance.

Teasingly, he laughed at me as I heard him and shrieked so loud. "Ang aga-aga mainit kaagad yang ulo mo! Namiss mo nga talaga yung kaibigan ko."

I just shook my head in disbelief. How could he tease me that way, thinking like we were still teenagers? Ugh.

"Good morning po sayo Maam!" nakangiting bati sa akin ng isang guard na nakatayo sa may sliding door. Naalala ko, ito yung guard na sumaway sa akin noon nung hindi ko na iparada nang maayos yung aking kotse.

"Good morning din po sayo," I replied.

"Maam, congratulations po sa inyong dalawa ni Mr. Berrones!" Isang kataga na nakapagpalito sa akin nung una. Seconds after, I realized that it was all about the engagement thing.

"Po? Ahmm... T-Thanks..." I retorted, stuttering. Humugot muna ako ng malalim bago tuluyang nagpaalam kay Manong Guard at agad pumanhik dun sa loob ng elevator.

Yung mga nakasabayan kong empleyado lahat sila ay nakangiting nakatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy para akong binuhusan ng isang baldeng tubig na malamig sa sobrang hiya ko sa mga titig nila sa akin. Alam ko kung ano yung nasa isipan ng mga taong ito.

Marahil kung totoo lang talaga yung engagement namin ni Gavin, hindi ganito yung mararamdaman ko ngayon. Baka ipagpangalandakan ko pa sa buong mundo na masaya ako dahil ako yung pinakamasuwerteng babae sa planetang ito.

But...

The fact was...

Everything is set to fool everyone.

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now