Chapter 44 - Shoulders to lean on

3.7K 90 0
                                    

Sophie

Anong karapatan nila na saktan ako ng ganito? Anong kasalanan ko sa kanilang lahat para iparamdam sa akin na hindi ako karapat-dapat na lumigaya? Ano bang meron si Sab na wala sa akin? Bakit lahat ng mga lalaking mamahalin ko ay siya ang pinipiling makasama?

So, this was the reason kung bakit hindi sinabi sa akin ni Gavin yung tungkol sa mga biyahe niya? She was the reason. I hate her! Galit ako sa kanya at kay Gavin! Hinding-hindi ko sila mapapatawad. Napakatanga ko talaga kung bakit hinayaan kong paglaruan ni Gavin yung damdamin ko.

I hate you, Berrones!

I hate you...!

A friend? He told me she was just a friend. Anong klaseng pagkakaibigan ang meron sa pagitan nila? Friends with benefits? Bed friends, bed buddies? Damn it! And what about me? Panakip butas, ganun? How dare that Sabrina Martinez! Kinuha na niya ang lahat sa akin. Anong kasalanan ko sa kanya? I treated her as a real sister pero ito ang iginanti niya sa akin? Hindi pa ba siya nakontento kay Seth at pati si Gavin ay aagawin din niya?

Si Sab kaya yung sinabi noon ni Gavin na mahal niya but unfortunately iba yung minahal nito and that would be Seth? Oh no! No. No. No. Anong klaseng laro ito?

I shook my head in disbelief. Halos sasabog na yung puso ko sa sobrang sakit. Mas lalo akong nasaktan nung sinabi sa akin ni Gavin na mahal niya ako. Bakit ganun lang kadali sa kanya na paglaruan yung puso ko? Ito ba ang kapalit sa mga hinihingi kong pabor sa kanya?

I didn't see it coming. Mas masakit ito keysa sa panloloko ni Seth sa akin noon dahil sobrang mahal ko si Gavin. Ang akala ko pa naman mahal na ako ni Gavin but I was wrong.

"Madame, where do you want to go?" tanong ng driver ng taxing sinakyan ko.

I wiped my tears and took a deep breath. "Just take me straight to the airport, please..." mahina kong sagot. I saw him nodding politely.

"Okay, madame," he answered.

------------------------------------------------

Gavin

Kailangan kong makasigurado na okay at safe si Sophie. Naisipan kong tawagan yung pinsan ko na lalaki na kapatid ni Nathalie. Marami siyang koneksiyon sa Italy kaya sigurado ako na malaki ang maitulong niya sa akin. Papunta na ako ng airport, hoping that I would find Sophie there. Huminto muna ako saglit sa harapan ng isang gusali just to call my cousin.

Ilang beses kong dinial yung number nito bago tuluyang sinagot niya yung tawag ko.

"What took you so long?" inis na bungad ko sa kanya.

"I'm having a meeting here. What is it?" ganti nito sa akin. Alam kong nairita to sa pagtawag ko sa kanya dahil ayaw niya ng istorbo lalo pa't may meeting siya.

"I need your connection here in Italy," deritsado kong sagot.

"I'll just talk to you later after my..."

I cut him off. "No! I want now!"

I felt him heaving a sigh. "Gavin, you just can't scream on my ear just because..."

"I want to know where she is right now, damn it!... Hindi ko teritoryo ang Italy. It's your place and I know you have lot of men spreading anywhere."

"Did someone abduct her?" kalmado nitong tugon.

"No. No. No. It's a long story..."

"Or she found out and caught you having an affair with other woman, perhaps?" makahulugan nitong saad.

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now