Ember's POV
Hindi agad ako nakapagsalita. A-ang buhay ko.. Kapalit ang pagtulong niya sa'kin?
"Ano ang magiging desisyon mo?" tanong sa'kin ni Ceres, ang god of time.
Tumingin ako sa kanya. Papayag ba ako? Ito lang kasi ang tanging paraan upang makabalik ako sa academy at tulungan sila para matalo si Zardo.
Pero.. Pagkatapos ng laban, ano nang mangyayari? Mawawala ako? Ibig sabihin, hindi ko sila makakasama? Ang mga kaibigan ko, si mama, si Sky..
Nanginginig ang mga kamay ko. I gritted my teeth and bit my lower lip to control myself not to cry.
"You don't have to force yourself." biglang sabi ni Ceres. "Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. But you will stay here until the war ends."
Stay? How can I stay here kung may digmaang nagaganap sa academy?!
Hindi! Ayokong manatili dito! Gusto ko silang tulungan!
"Payag ako!" sabi ko. "Tulungan mo ako, at ibibigay ko sa'yo ang buhay ko!"
Tiningnan lang ako ni Ceres. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.
"Are you sure?" tanong niya.
Tumango ako. "Kung ito lang talaga ang paraan para matalo namin si Zardo, tatanggapin ko!"
"Okay. I'll help you." itinapat niya sa'kin ang dala niyang orasan. "Tumingin ka sa orasan na 'to."
Ginawa ko ang sinabi niya. Tumingin ako sa orasan niya at sa isang iglap bigla akong napunta sa isang lugar na puno ng mga naglalakihang mga orasan. Nasaan ako? Para akong nasa isang dimensyon?
"Ceres...?" tawag ko. Pero hindi niya ako sinagot. Sa halip, biglang gumalaw ang mga orasan. Sobrang bilis ng pag-ikot nila. Pagkatapos may lumitaw na liwanag sa harap ko. Napapikit ako at tuluyang kinain ng liwanag na 'yun. Pagmulat ko nandito na naman ako sa isang madilim na lugar. As in wala akong makita at para akong nakalutang sa kawalan.
"Ceres, ano bang nangyayari? Pinagtitripan mo ba ako, ha?" tanong ko. Para kasi akong nagtime-travel.
"My, such a beautiful young girl." nagulat ako nang may magsalita mula sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng pulang damit na parang isang greek god. Tapos pulang buhok, pulang mga mata at nababalutan ng pulang liwanag.
Sa itsura niya.. Hindi kaya siya ang...?!
"Ikaw..." sabay turo sa kanya.
Binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti. "Hmm?"
"H-hindi kaya... I-ikaw ang.. Legendary god of fire?"
"Bingo! Ako nga! Ang galing mo naman! Paano mo nahulaan na isa akong legendary god?" tanong niya.
Napastraight-face ako. Is it just me or he's acting.. Weird?
"Halata kasi sa itsura mo." sabi ko sa kanya.
"Sa itsura ko? Bakit pumapanget na ba ako? Oh no! Tumatanda na yata ako!" dali-dali siyang kumuha ng salamin mula sa bulsa niya. "May pimples ba ang mukha ko? O di kaya may wrinkles ako? Oh hindi! Baka tuluyan nang pumanget ang napakaganda kong face!"
Spell NGANGA? Hindi ko alam pero..
"Um... Legendary god, pwedeng magtanong?" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Magical Academy: The Fire Princess (COMPLETE) EDITING
FantasyDiscover a school where you can see magics..