Chapter 20

44.6K 1.4K 12
                                    

Sky's  POV

Pansin ko na kakaiba ang kinikilos ni Ember ngayon. Hindi siya nagagalit sakin tuwing inaasar ko siya, sa halip natutuwa siya?

"Busog nako," sabi niya.

"Ha? Busog ka na eh ang konti lang kaya ng kinain mo," sabi ni Clay.

Tumayo siya. "Maliligo pa kasi ako. Gusto kong maging malinis."

"Kailan ka pa naging OA sa pangangatawan mo?" pang-iinsulto ko. Pero sa halip na magalit siya ay ngumiti lang siya sakin.

"Ayaw kasi ng isang babae na madumi siya. Ikaw Sky, baka gusto mong sumabay sakin sa pagligo?" tanong niya with a seductive smile on her face.

Nagulat ako sa tanong niya. Even Clay at Dylan nagulat din. Muntik pa nga mabilaukan si Clay eh. Takaw kasi. =_=

"Just kidding! Kayo naman ang dali niyo maloko hahaha.  Okay maliligo na ako. Maiwan ko na muna kayo dyan." then she left.

"May napapansin ba kayong kakaiba kay Ember? Ang weird ng mga kinikilos niya," sabi ni Clay.

"Yeah. May kakaiba nga sa kanya," sabi naman ni Dylan.

So hindi lang pala ako ang nakapansin pati pala sila Dylan T Clay napansin din nila na kakaiba ang kinikilos ni Ember. Tumayo ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ko.

"Saan ka pupunta, Sky?" hindi ko sinagot ang tanong ni Clay at umalis agad ako. I need to know kung si Ember ba talaga 'yun o isang impostor lang.

Ember's POV

Pagmulat ko, nasa isang maitim na lugar ako. As in maitim na lugar na halos wala kang makitang kahit ano. Napahawak ako sa ulo ko. Teka sandali, nasaan nga pala ako? At anong lugar ito? Nasa isang dimension ba ako?

May napansin akong isang liwanag kaya nilapitan ko ito. Paglapit ko, nakita ko 'yung gubat kung saan kami nagpapahinga. At nakita ko rina ng sarili ko dun sa may ilog at naliligo. Siguro hinubad niya lahat ng damit.

Naalala ko nga pala, napunta ako sa lugar na ''to dahil kay Hera at nagpanggap siya bilang ako para patayin sila Sky at kunin ang legendary crystals. Hindi ako papayag na mangyari 'yun! kailangan kong gumawa ng paraan para makalabas ako dito!

Naglabas ako ng apoy mula sa kamay ko at tumira dun sa may gubat pero bigla itong tumama at napunta sakin. Buti na lang at nakaiwas ako. Sinubukan ko ulit pero wala talaga.

"Pano na 'to? Anong gagawin ko? Kapag napahamak silang lahat kasalanan ko 'to!" napaupo ako at umiyak.

"Oh my!" narinig ko ang boses ko kaya napatingala ako. At dun nakita ko si Sky.

"Sky!" sigaw ko pero hindi niya ako narinig. "Sky nandito ako!"

Kahit ilang beses akong sumigaw hinding-hindi niya ako maririnig. Sky, Dylan, Clay, tulungan niyo ako!

Dylan's POV

Pakiramdam ko talaga may mali kay Ember. Sinundan siya ni Sky kaya naisipan kong sundan din siya.

"Dylan, saan ka pupunta?" tanong ni Clay.

Hindi ko siya sinagot sa halip nagpatuloy ako sa paghanap sa kanila. Anh sabi kanina ni Ember maliligo siya kaya sigurado ako na nasa ilog siya ngayon.

Pagdating ko doon, hindi siya nag-iisa. Nandoon din si Sky. Parang may pinag-usapan sila at gusto kong malaman kung ano 'yun. Kaya nagtago ako sa malaking puno.

"Si Sky 'yun diba?"

"Oo." napatingin ako sa nagsalita. "Clay? Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi mo ako sinagot nung tinanong ko kung saan ka pupunta kaya sinundan na lang kita." tumingin siya sa harap. "Si Sky at Ember 'yun diba? Aong ginagawa nila?"

"Hindi ko alam. Parang may pinag-uusapan sila."

"Hindi kaya.. maliligo din si Sky kasama si Ember?! Ang duga ni Sky!"

Binatukan ko siya. "Ang dumi ng iniisip mo. Magtigil ka dyan kundi pupunuin ko ng tubig 'yang bunganga mo."

Pinagpatuloy ko na lang ang pakikinig sa usapan nila.

"Gusto kita Sky."

What the?

"Gusto mo ako?" tanong ni Sky.

Gusto ni Ember si Sky? Hindi ko aakalain na may nararamdaman pala siya kay Sky.

"Akala ko ba si Dylan ang gusto mo?"

What? Gusto din pala ako ni Ember? No wait, hindi si Ember 'yan kaya imposible na gusto niya si Sky. I have to listen carefully.

"Hindi. Hindi siya ang gusto ko kundi ikaw. Ngayon ko lang kasi na-realize ang nararamdaman ko para sayo," unti-unti siyang lumapit kay Sky. At niyakap niya ito. Hindi ko gusto ang mga nakikita ko.

At nagulat ako sa sumunod na nangyari. Hinalikan ni Ember si Sky. Gusto kong sumugod at saktan si Sky nang pigilan ako ni Clay.

"Huminahon ka Dylan. Huwag kang padalos-dalos."

"Bitawan mo ako."

"Dylan sa tingin ko may pinaplano si Sky. Kaya hangga't maaari huwag muna tayong makialam."

"Ano naman ang pinaplano niya?"

"Hindi ko alam. Hindi naman kami close eh. Pero matalinong tao 'yang si Sky kaya malalaman niya kung totoong Ember ba talaga 'yang kasama natin o impostor lang."

Tama si Clay. Hindi muna ako makikialam sa kanila. Pero oras na malaman ko na hindi si Ember 'yan, mapapatay ko talaga kung sino man 'yang impostor na 'yan.

Magical Academy: The Fire Princess (COMPLETE) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon