Chapter 22

45.9K 1.6K 94
                                    

Sky's POV

Sh*t what to do! Kahit anong gawin kong atake kinokopya niya! Kailangan kong mag-isip. Pero sa ngayon kailangan kong umilag sa mga atake niya.

Takbo lang ako ng takbo habang siya patuloy sa pa-atake sakin ng mga apoy. Shoot kailan ba gigising sina Dylan at Clay! Kanina pa sila natutulog eh!

"What's the matter, Sky? Running around like a coward?" pang-iinsulto niya.

Nagpalabas ako ng air spikes and aim her.

"Do you think that will work?" Nagharang siya ng apoy. Biglang naglaho ang air spikes ko. At hinagisan niya ako ng fire ball at natamaan ako sa braso. She's too strong.

Ember's POV

Tama na. Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Ang mga kaibigan ko. Papatayin sila ni Hera at wala man lang akong nagawa. Kasalanan ko 'to!

Nakaramdam ako ng galit at pakiramdam ko may malakas na kapangyarihan ang bumalot sa katawan ko. Magbabayad ka Hera! Hinding-hindi kita mapapatawad!

Hera's POV

I thought malakas sila but I was wrong. They are weak. Wala silang kalaban-laban sakin. All I have to do is to kill them and mission accomplished. Nakaluhod ngayon si Sky habang hawak nito ang sugatang braso. Lumapit ako sa kanya and held his chin para magtama ag mga mata namin.

"Akala ko ba malakas ka?" Tiningnan niya lang ako ng masama. "Well hindi na ako magtatagal pa. I'll just have to kill you and your freinds para tapos na ang mission ko."

Dahil nanatili pa ako sa anyo ng babaeng 'yun, nagpalabas ako ng apoy mula sa kamay ko. Susunugin ko na sana siya nang biglang nagliwanag ang kwintas ko. What's this? Unti-unting nababasag ang salamin ng kwintas hanggang sa sumabog ito. What happened?

Mula doon ay lumabas ang babaeng nagmamay-ari ng kapangyarihan ng apoy. Which is Ember ang pangalan. Napapalibutan siya ng apoy at namumula sa galit ang kanyang mga mata. Paano siya nakalabas mula sa kwintas ko? As far as I know wala pang nakakakalabas mula doon kasi wala namang lagusan ang kwintas na 'yun.

"How did you get out?" tanong ko pero hindi naman siya sumagot. Hanggang sa may naramdaman akng kakaiba. Such a strong power na hindi ko maintindihan. Sigurado ako na galing ang kapangyarihan na 'to sa babaeng kaharap ko ngayon at galit na nakatingin sa akin.

Tumira siya ng apoy. Umilag ako at nagpalabas din ako ng apoy tsaka tinira siya. Pero pinigilan niya ang apoy ko gamit ang kamay niya.

Hanggang sa unti-unting nag-iba ang kulay ng apoy niya. At naging itim! What the..? They have the same power? Hindi kaya siya ang..

Third Person's POV

Gulat na makita ni Hera kung paano nag-iba ng kulay ng apoy ni Ember. Nanginig ang kanyang katawan at hindi na siya halos makakilos.

"Hindi maaari 'to. Ikaw.. pareho kayo ng kapangyarihan?" sabi ni Hera.

Hindi sumagot si Ember at nagpalabas ng isang napakalaking itim na apoy mula sa kanyang paligid.

"Too much power.." sabi ni Hera. Napapikit siya at hindi alam ang gagawin.

Pinalibutan ni Ember ng apoy si Hera hanggang sa wala na itong kawala pa. Tarantang nagpalabas ng apoy si Hera mula sa kanyang kamay pero kahit anong gawin niya hindi niya matatalo ang apoy ni Ember.

Ang apoy na nakapaligid kay Hera ay unti-unting nabuo at naging isang napakalaking drgon. Nanlaki ang mga mata ni Hera dahil hindi niya aakalain na makakagawa ng dragon galing sa apoy si Ember pero hindi niya alam na wala sa sarili si Ember at hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya.

"Sinaktan mo ang mga kaibigan ko. Ngayon magbabayad ka!" galit na sabi ni Ember. At tuluyang nilamon ng dragon niya si Hera. Napasigaw si Hera habang unti-unti siyang naglaho.

Sky's POV

Hindi ko mapigilang mamangha sa nakita ko. Si Ember, ang itsura niya, ang apoy niya. Nag-iba siya. Malakas ang kapangyarihan niya and I admit na mas malakas pa kesa sa akin.

But..

Seeing her like that, para siyang halimaw. And I don't want to see her like that. Hindi siya ang Ember na kilala ko.

Unti-unti akong tumayo habang hawak ko ang sugatang braso ko. Maingat akong lumapit sa kanya. May mga apoy na tumatama sa akin pero binalewala ko lang 'yun. Kailangan kong makalapit sa kanya para pigilan siya. Hindi pa niya lubos na ma-kontrol ang kapangyarihan niya.

Nang makalapit ako sa kanya, ang sunod kong ginawa ay niyakap siya mula sa likod.

"Tama na Ember. Tapos na kaya please, tumigil ka na," bulong ko. Naramdaman ko na unti-unting naglaho ang matinding kapangyarihang mula sa kanya. "Please, come back Ember. I don't want you to be like this. Ayoko magmukha kang halimaw so I'm begging you to stop this."

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. And she calmed down. Nawala na din ang apoy na nasa paligid namin. Ang dami ko ring sugat dahil sa mga apoy ni Ember.

"Sky.." sinabi niya ang pangalan ko. Thank goodness she's back to normal.

I admit natakot ako kanina. Natakot ako na baka hindi niya kayang kontrolin ang kapangyarihan niya at baka kainin siya ng sarili niyang apoy.

And I'LL don't want that to happen. I don't want to lose her. And now alam kung na kung bakit ako nagkakaganito.

Its because im starting to fall for her.

Magical Academy: The Fire Princess (COMPLETE) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon