Ch.01: Meet Alexis Bryan

11.1K 66 6
                                    

-Girl meets Boy were sad lovestory begins-

Characters:

Kylie Anne Lopez- A girl who happens to find love at the wrong time and wrong place.

Alexis Bryan de Guzman-A Boy who will fight for the one he loves.

------------------------------------

 As Long as You Love Me

Chapter 1: Meet Alexis Bryan de Guzman

"...tsk,tsk,tsk nalintikan na pa-empty na pala ang gas ko..." napansin ko lang ngayon ang kulay pulang ilaw na nagsisignal na paubos na nga ang gasolina ng sasakyan ko.

Ang tulin naman yatang matuyuan ako ngayon samantalang kakapakarga ko pa lang nung isang araw. Matatapyasan na naman ang allowance ko nito ngayong Linggo. Sa totoo lang nagalaw ko na yung reserba kong pera sa atm dahil sa mga luho ko pero hindi ko pagilian ang paggastos sa mga bagay na alam ko namang mapapakinabangan ko.

Hangga't alam kong may pera akong mahuhugot nangangati ang kamay ko hangga't hindi ko nalulustay lahat ng yon.

Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi ko naging problema ang pera dahil siguro alam kong habang buhay pa ako may dadating na sustento sakin.

Siguro magkakaroon ng kabuluhan pa ang buhay na meron ako ngayon kung kasama ko pa sana ang mga taong dahilan kung bakit ako nandito sa mundo.

Wala na akong nataandaan sa kanila basta ang alam ko lang  may nangyareng trahedya sa pamilya ko at tanging ako lang ang nakaligtas.

Ng dahil sa lintek na car crash na nangyare 13 years na ang nakakaraan at hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit nabubuhay pa ako.

Siguro nga kung kasama na din akong namatay e di sana hindi ko naranasan kung gaano kahirap mabuhay ng mag-isa.

Mabuhay ng wala man lang magulang na gumagabay.

Mabuhay ng wala man lang masasandalan sa oras na dapat meron akong nasasabihan ng mga sama ng loob.

Mabuhay ng hindi alam kung saan ba patungo ito.

Sa araw-araw pagkadilat ng mga mata ko ang unang pumapasok sa utak ko e.

Kung ano pa bang silbi ko dito sa mundo?

Nabubuhay lang ba ako para malunod sa pangungulila sa magulang?

Siguro nga.

"... bukas na lang ako  magapapagasolina.." Nakalagpas na ako sa gasolinahan at malapit na din ako makarating sa condo unit ko. Tinatamad na akong umikot at isa pa gabi na't traffic sa daan.

Ako si Alexis Bryan de Guzman. Sa labing dalawang taon halos mag-isa na akong nakipagsapalaran sa mundo at pinalad na labing anim na taong gulang na ako ngayon. Isipin niyo ang 4 na taong gulang na bata na nakasaksi mismo ng isang trahedya na pumatay sa mga mahal niya sa buhay at dahil sa trauma mas pinili na lang ng utak kong kalimutan ito.

HIndi ko alam kung ikapapasalamat ko ba to o hindi.

Pero ang tanging naaninag ko lang ng mga panahon na yon e yung isang matandang babaeng bumuhat sakin ng makita ako. Nalaman kong siya pala ang lola ko na nag-alaga sakin matapos ang trahedyang yon. Siya ang kaisa-isang tao na nakasaksi simula't sapol hanggang ngayon siya pa rin ang nakaka-alam ng mga nangyayare sa buhay ko.

Ang laki ng pasasalamat ko sa kanya dahil alam kong matapos man ang araw at lahat tanggihan na ako siya lang ang isang taong bukas palad para tanggain ako ng buong-buo.

As Long as You LOVE Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon