Ch.09: Conclusion

1.2K 29 1
                                    

As Long as you Love Me

Kylie's POV:

Halos ilang Linggo na din ang nakalipas since nung dumating dito yung pinsan ni bes. Simula nung nagakakilala kami let's just say sa hindi magandang pagkakataon doon na nagsimula ang lahat. Meeting a new persona in a bad way parang ang hirap ng simulan ulit kasi sa case namin na dalawa hindi ko napigilan ang temper ko at narealized ko na din na may mali rin pala ako.

Now I get it.

Na kasalanan ko din naman kung hindi ko pinabayaan si Cola hindi sana siya makakawala then bilang makulit na puppy na tulad niya syempre tatakbo yon kung saan-saan diba? Accidente lang din na natapatan nga ni Bryan na 'kamuntikan' na niya kaming masagasaan ni Cola.

At ang mali niya lang naman e yung reckless driving niya na sobra kung makaoverspeeding dito sa loob ng subdividion. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya that day at medyo nadala na din ako ng init ng ulo sa nangayre so ayun.

Hindi nga maganda ang first meeting naming dalawa.

BUT, medyo ok na kami this past few days.

Nandito na naman ako sa school kalahati na ng Linggo ang ibig sabihin lang e almost 2 days left na lang weekends na ulit. Mabobored na naman ako ng dalawang araw sa bahay sana nga mag-aya na si bes ng maaga ng makapagpaalam na ako.

Naglakad na ako papasok sa loob katulad ng dati may mga studyante akong kasabayan na naglalakad hanggang sa makarating na nga ako sa hallway. Nakita ko agad yung taong nakasandal dito habang busing-bus sa phone niya.

Simula nung araw na nadatnan ko siyang 'nakatamabay' sa locker ko sunod-sunod na yon walang palya kung baga. Ewan ko nga kung bakit sa dinami-dami ng lugar dito sa campus doon pa siya mismo nakatayo at nakaharang sa daan.

Kaka-iba talaga ang 'trip' niyang gawin.

"... Good Morning Kylie...." aside form bes siya ang unang tao na bumabati sakin sa umaga. Pagiging thankful ba ako kasi kahit na sa dinami-dami ng babae dito sa campus nakuha niya pang bigyan ako ng 'konting' atensyon niya.

Simula kasi nung araw na tumuntong siya dito sa Univeristy mabilis lalong kumalat ang balita ng makita na siya ng mga schoolmates ko. Basta bigla na lang naging hot-topic ang pangalang 'Alexis Bryan de Guzman' mapalalake naging interisado na din.

Siguro dahil sa 'looks' niya according don sa mga babaeng gumawa ng fanbase mismo sa araw na din na yon.Ok, I give them that 'good-looks', merong 'dating' tapos lapitin pa ng mga 'chicks' kasi naman halaos lahat ine-entertain niya kung baga 'friendly' lang daw siya. 

Friendly daw?

Siguro sa kanya 'to-be-friends' lang talaga ang pakay niya pero base sa mga tingin na binibigay ng mga 'fangirl' kay Bryan iba yung pakiramdam ko. More as in more than what Bryan expected sana lang hindi niya i-take for granted lahat ng yon.

"... Morning..."

Hindi ko pa din talaga alam kung anong ini-isip niya kung bakit ba ginagawa niya ang 'paghihintay' daw sa akin kada umaga na lang.

Matapos kong ilagay yung mga books na hindi ko naman kailangan para sa morning subjects ko sinarado ko na agad yung pinto ng locker.

Naglakad na ako agad at syempre katulad ng nakasanayan kong ginagawa niya nasa gilid ko na siya.

"...Bakit ba nakatambay ka na naman don sa tapat ng locker ko?..." ilang beses ko ng tinanong yon sa kanya pero syempre parehas din ang nakukuha kong sagot araw-araw.

As Long as You LOVE Me [Completed]Where stories live. Discover now