Ch.30: Connection

555 16 0
                                    

As Long as You Love Me

Kylie's POV:

Kahit na kasama ko sila Insan at Chot ngayon hindi ko pa din maiwasan na mapunta ang atensyon ko sa naging 'attitude' ni Yabs kanina sa hallway. Ilang minuto pa lang antg nakakalipas pero pakiramdam ko ilang oras na. Hindi ako mapalagay lalo na't alam kong may 'something' na gumugulo sa isipan niya ngayon.

"... bes..."

"... Huh?..."

"... are you ok bes?..." pag-aalala ni Trisha sa akin. 

Nakita ko din yung concern sa mukha ni Chot ng makita ang reaksyon ni Trisha.

Umiling ako.

"...not really bes..."

"... may problema ba?..." hinawakan ni bes ang kamay ko bilang encouragement.

Nagdalawang-isip ako kung sasabihin sa kanya... sa kanilang dalawa ni Chot ang nangyare kahapon. Kung bakit ba balisa si Yabs at ang main reason kung bakit ako nagkakaganito.

Mas pinili kong wag muna sa ngayon.

"... Si Yabs kasi ee... parang ang tagal niyang bumalik..." sabi ko.

"... Sus, akala ko naamn nag-away kayong dalawa. Relax lang bes on the way na yon si insan. Diba babe?..." tanong niya kay Chot.

Inakbayan siya agad nito at nginitian.

"... Oo, naman babe..."

Sinubukan kong magrelax at ilibang ang sarili habang nakikipagkwentuhan kila bes pero bumabalik pa din kay Yabs ang lahat. Bigla-bigla na lang siyang nagpopop-up sa utak ko yung serious na expression niya.

Basta ang alam ko ngayon kailangan ko siyang sundan ng mapanatag ako.

Tumayo ako agad.

"... bakit bes?..."tanong agad ni bes sa akin dahil sa biglaan kong pagtayo.

"... bes, susundan ko lang si Yabs..." sabi ko.

Tinitiggan niya ako ng ilang segundo hanggang sa makita ko siyang tumayo kasabay si 

Chot dahil magkahawak silang dalawa ngayon.

"... sasama kami ni Chot..."

Nagnod ako sa kanya at dali-dali na kaming umalis ng canteen. Nasa hallway na kaming tatlo kung saan kami naghiwalay ni Yabs kanina ng magtanong si bebs sa akin.

"... nagsabi ba siya bes kung saan da siya pupunta?..."

"... Ang sabi niya sa akin... may pupuntahan lang daw siyang kabarkada..."

Pero deep inside may kutob ako.

"... Ang daming kabarkada ni insan. Alin kaya sa mga iyon?..."

"... hindi ko din alam bes..." sagot ko.

Hanggang sa may makita kaming nagtatakbuhan at para bang nagkakagulo ang tao. 

Narinig ko ang ilan sa mga pinaguusapan nila ngayon lalo na't kasama ang pangalan ni Yabs dito.

"... did you see them ? .."

"... Bakit ba sila nagsusuntukan ha?..."

".... Do you have any idea kung sinong nagsimula ng fight?..."

"... Si Bryan yon diba at yung transferee..."

Sa last sentence na narinig ko enough na iyon para kabahana ako ng sobra. Hindi ko na namalayang tumatakbo na pala ako kasaabay ng mga studyanteng sa tingin ko gusto ding makawitness ng 'ayaw' ni Yabs at yung transferee.

As Long as You LOVE Me [Completed]Where stories live. Discover now